"Masarap nga!" sabay kagat ko ulit sa cupcake na binigay sa'kin ni Ace. Siya daw mismo gumawa nito para sa'kin. A for the effort! Dagdag pogi points talaga sa'kin ang lalaking marunong magbake. Parang ang cool kasi kapag lalaki.
"Buti nagustuhan mo" nakangiti niya pang tugon. Infairness naman kay Ace, ang gwapo niya to the point na kapag nag-smile siya para kang may kaharap na anghel. Ewan ba, may kakaiba sa aura niya.
"Siguro hilig mo din ipag-bake iyong ex mo dati ano?"
"Huh? Ah si Charm?"
"Charm pala name niya."
"Oo dati. Pero huwag ka na magselos, past is past naman!"
Iyong eksenang muntik ko ng mailuwa iyong kinakain ko dahil sa sinabi nya. Ako nagseselos? Seriously. Assuming siya!
"I love you Indie!"
Natahimik naman ako sa sinabi niyang napaka-direct! Nandito kami sa restaurant na pinagdalhan niya sa'kin dati at ayon sa kanya date daw ito. Pumayag na ako dahil gutom na din ako, isa pa libre naman ito.
"Ah Ace kasi"
"Stop! You don't need to say anything. Ayoko ma-reject mo kaya hihintayin ko iyong time na masasabi mo din sa akin 'yon."
"Parang ang bilis naman? Love mo na ako agad?"
"Oo, bakit masama ba 'yon?"
"Ah ewan ko. Hindi ko alam!"
Ano ba kasing ginagawa ko? Feeling ko may mali. Feeling ko pinapaasa ko siya sa wala. Wala as in wala naman talaga dahil kay Chase lang ang puso ko forever. Pero kasi parang may part sa sarili ko na gusto ko siya bigyan ng chance. Siguro dahil sa minsan ko ng hiniling na sana may magmahal naman sa’kin, hindi iyong puro ako na lang. Nakakapagod rin kaya minsan ang one-sided love.
Kinabukasan, nagpunta si Chase sa bahay upang magprepare ng aming ibebenta para sa event. Sa susunod na araw na ang Fair kaya todo effort kami sa paghahanda.
"I said, I can!" sabay agaw ng eggbeater sa akin ni Chase
Seriously hindi ko alam kung ang trip niya gawIn ay cake. Pero nakakatuwa ang Chase na kasama ko ngayon.
"Mukhang masarap 'yan Mam Ende" sabay akbay pa sa'kin ni Ate Joselyn.
"Syempre si Chase ang may gawa!" bulong ko sa kaniya
Ilang minuto pa ang lumipas at hinayaan ko lang siya sa pagbe-bake doon. Cupcakes at cookies daw gagawin niya kaya hala, pinagbigyan ko siyang angkinin ang kusina ko.
Nagtiyaga na lang ako na panuorin siya doon na kahit ba parang nawiwindang siya sa ginagawa niya ay napakagwapo niya pa din.
Naisip ko lang ang bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang halos hanggang tingin lang ako sa kanya, at hiling ko lang noon na sana mapansin niya ako. Tawagin niya ako sa pangalan ko. Iyong malaman lang nya na may isang Indie na nag-e-exist sa mundo. Tapos ito na at kasama ko na siya. Madalas ko na siyang nakakausap. Feeling ko naman close na kami. At kung pwede lang na pangforever na ito.
"Tss. Sunog na naman!"
Pang-ilang ulit na niyang sinabi 'yan dahil sa mga palpak na resulta ng gawa niyang cookies.
"Tutulungan na nga kita!" sabay lapit ko sa kaniya at sinimulan ang dapat kanina ko pa ginawa. Pinaghalo-halo ko lang lahat ng ingredients with tamang sukat noon. Measurement ang mahalaga sa paggawa ng ganito.
"Gusto ko ako ang gagawa para hindi galing sa iba ang kainin mo, pero nakakainis bakit ba laging palpak!" pabulong lang niyang sinabi iyan pero narinig ko pa din. Ano bang ibig niyang sabihin?
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...
