Isang linggo na ang nakakalipas at parang balik na rin sa dati ang lahat. Balik school, balik asaran sa mga kaibigan ko. Good news nga pala, nawala ang mga pangbu-bully sa amin ng grupo ni Ashley. Siguro dahil sa nakokonsensya na din ang bruha. Kahit papaano naman may puso pa din yon.
"I love you, Indie"
Isang linggo na rin ang nakalipas ng sabihin niya sa akin ‘yan. Isang buong linggong pinag-iisip niya ako. Nababaliw na ako sa kakaisip kung totoo ba yon o trip lang. Hindi ba dapat masaya ako kasi finally ito na iyong moment na hinihintay ko? Inamin na niya na mahal niya ako. Konting kembot na lang, may forever na kami pero parang may mali.
Sa ngayon, ang status namin ay M.U. as in Malabong Usapan! Bahala na. Go with the flow na lang muna ako.
"Siya na ba si Indie?Ang ganda na niya ha!" napalingon naman ako dahil sa narinig kong sabi ni tita Marta, kapatid ng mommy ni Chase.
Nandito nga pala ako sa bahay ni Chase, nagpaparty kasi ang mommy niya dahil sa maayos na daw ang kanyang anak. Kasama ko din si mommy at ang ilang pinsan ko. Mini-reunion na nga rin raw ito. Happy family kami diba. Family na kabilang ako at si Chase. Masaya pero truth hurts. Sinasampal na naman ako ng reyalidad na mag-pinsan kami.
"Syempre, like mother like daughter!" sabat naman ni mommy
"For sure, madami ng nanliligaw diyan!"-Tita Chona, mommy ni Chase
"Oo nga anak, sino na ba ang nanliligaw sa’yo? Hindi ka man lang kasi nagkikwento."-mommy
Pasimple tuloy akong napalingon kay Chase na pokerface at asal bingi ngayon. Ako ang nasa hotseat, pero ganyan lang siya.
"Ah eh----" naputol naman ang pagsasalita ko ng nagsalita si Chase.
"Gutom na ako. Kain na tayo!"
At nagsimula na ngang kumain ang lahat. Buffet style kaya kumuha na din ako ng pagkain. Sinadya ko namang tabihan si Chase na busy sa pagkuha ng pagkain niya, pero parang wala siyang pakialam. Sinubukan ko naman na banggain siya ng konti para ulit magpapansin pero rejected pa din ang beauty ko. May nagawa ba akong mali?
After ko makakuha ng pagkain, which is cake at lasagna lang naman yong nakuha ko, bumalik na ako sa pagkakaupo ko. Nakakawalang ganang kumain, kainis. Ano bang problema niya? Epekto ba yon ng pagkakabugbog niya at nandededma na naman siya?
"Hi!"
Napatingin naman ako sa taong nasa harapan ko.
Si ano ito. Si ano. Sino nga ito?
"Patabi ha!"
Nagulat naman ako ng bigla na lang siyang umupo sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya na busy na agad sa pagkain. Matakaw pero gwapo pa din!
"Indie, right?"
"Alam mo, ang cute mo!" he then pinch my cheeks.
Pakiramdam ko namula ang mukha ko dahil sa ginawa niya? Hindi ako kinilig, nasaktan po ako sa pagpisil niya. Iyon lang yon.
"Chip!" si Chase na nakatayo na pala sa harapan namin.
"Bro! Sarap ng lasagna niyo. The best talaga si Tita Chona magluto nito!" sabi ni 'Chip' daw.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Hala! Invited ako, bro!"
"Madaming ibang table, lumipat ka nga ng pwesto!"
Bakit ba ang sungit ni Chase? Another side-effect na naman ba ‘yan ng pagkakabugbog sa kaniya? Ang mean niya kay Chip.
"Mas masarap kumain kapag may cute na katabi." si Chip with matching wink pa sa akin.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...