Umuwi ako sa bahay ko at wala akong ibang dinatnan kung hindi ang kalat na iniwan ko noong pinilit akong dalhin ni mommy sa bahay niya.
Ate Joselyn nasaan ka na ba? Kailangang-kailangan kita ngayon pero bakit pati ikaw iniwan na din ako.
Pumasok lang ako sa kwarto ko at nakita ko doon ang ginawa kong photocollage para kay Chase. Christmas gift ko sana yon pero wala na. Talo na ako. Tapos na ang laban.
Hihiga na sana ako ng bigla namang magring ang phone ko.
"Oh?" Masungit kong pagsagot. Alam ko naman na hindi siya ito.
["Nakauwe ka na?"]--Wein
"Oo!"
["Great! Huwag kang mawawala sa christmas celebration natin ha!"]
"Oo naman!"
["Okay bye. Namimili na kasi ako ng gifts."]
Every christmas, nagkakaroon kami ng mini-celebration na kung saan nagpapalitan kami ng mga regalo.
Tumayo naman na ako at nagbihis. Wala pa nga pala akong nabibiling regalo para sa mga bruhang yon kaya tara na at magshopping.
Minsan kailangan mo rin namang aliwin ang sarili mo para hindi ka forever malungkot.
Pagkarating ko sa mall, deretso na agad ako sa pagshopping. Violet bear ang binili ko para kay Wein. Kahit na alam ko naman na hindi ko na mapapalitan si Bona sa buhay niya. Atleast ito pwedeng maging si Bona the second o kaya Bona Junior. Para naman kay Zelyn, isang libro na ang title ay how to be a good girlfriend. Mukha kasing kailangang-kailangan niya ito. Kay Jishin naman ay isang wedge shoes. Uso daw ito sa mga kpoper. Kay Charity naman ay isangkatutak na songbook, huwag niyo na itanong kung bakit ‘yan ang naisip ko. Alam nyo na dapat yon. Bagong dress naman ang binili ko para kay Vanessa. Feeling ko kasi magbabalik-loob na siya sa pagiging babae. At para kay Lhea, binilhan ko lang siya ng bagong lipstick. Mahilig naman siya dito.
At iyong regalo para sakin? Mukhang wala sa mall dahil nasa heart center. Magpapa-heart transplant ako, pakiramdam ko kasi durog na durog yong puso ko at kailangan ng palitan upang makalimot.
"Nandito na si Inday!" Masayang bungad ni Jishin
"Hala! Namiss ka namin, Inds!"
At isa-isa na nga silang lumapit sa’kin at niyakap ako. Somehow naman kasi hindi rin ako ganoon nalulungkot ngayon. The best pa rin talaga ang barkada mong nandyan lagi para sayo. Alam kong hindi nila ako iiwan.
"Party na! Ako unang kakanta ha!" ang excited na si Charity
Actually, ala-una na ng madaling-araw. Pagkatapos lang talaga namin magcelebrate sa family namin ginagawa ito. Si mommy pala nagpunta sa bahay at nagkaayos na kami. Nagsorry ako at napatawad naman niya ako.
Nagkantahan, kainan, kwentuhan at asaran lang kami buong magdamag. Ni isa sa kanila hindi pinapaalala sakin si Chase. Isip ko lang talaga ang nagpapaalala sa kaniya.
Kamusta na kaya siya? Siguro masaya siyang kasama si Nathalie ngayon.
New year comes, tapos back to school. Pumasok ako ng room namin na maingay ang buong klase, talking about their christmas vacation. Umupo na lang ako sa pwesto ko habang hinihintay ang mga kaibigan ko. Inaantok pa ako at isa pa ang sakit ng ulo ko. Hang-over madness.
Nandito na pala yong malandi nating classmate!" Narinig kong sabi ni Ashley. Isinubsob ko na lang ang ulo ko sa desk dahil sa antok.
"Do you know incest love affair?" Nagkunwari lang akong tulog dahil sa narinig kong sinabi niya.
"Ah yong babae na minahal yong pinsan niya?"
"Akala mo kung sinong malinis, even cousin pinapatos! Palibhasa, walang nagkakagusto sa kaniya kaya ganoon na lang ka-desperate. The funny part is, iniwan lang naman siya at pinagpalit din."--Ashley
Naramdaman ko naman ang yabag niyang papalapit sa’kin. Mas lalo ko lang isinubsob ang ulo ko. C’mon ayaw ko ng away at ayaw ko siyang patulan.
"Hoy Inday! Hulaan ko ang New Year's resolution mo, ang pagsisihang minahal mo ang taong mahal ko."
Maya-maya naramdaman ko na lang ang sakit na pananabunot niya sa buhok ko. Dahilan para mapa-aray ako at maangat ang ulo ko. Umayos naman ako sa pagkakaupo at inalis ang kamay niya sa kamay ko.
"Ano na naman bang problema mo?" Galit na tono ko
"Ikaw ang problema ko!"
"Listen guys, siya iyong desperadang babae sa kwento ko. Ang kapal ng mukha, and to think na pinsan niya pa."
Napansin ko naman na sakin napunta ang atensyon ng lahat at nagsimulang magbulungan.
"Wala akong inaagaw sayo kasi never naman siyang naging sayo!" Mataray kong sagot at kasunod noon ay naramdaman ko na lang ang pananakit ng pisngi ko. Isang sampal pala mula sa kaniya ang natanggap ko.
"Chase!" Sigaw ng mga babae sa labas
Napatakbo naman si Ashley sa may pinto kasabay ng iba pang mga babae.
Normal lang naman talaga ang ganiyan sakin. Dadating si Chase at magsisigawan silang mga babae. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng room. Hindi pa ako ready na makita siya. Ang sakit pa rin kasi ng ginawa niya, walang sinabi yong sampal ni Ashley sa sakit.
Sa kabilang hagdan na lang ako nagdaan kasi alam ko na paparating na siya. Binilisan ko ang paglalakad, kasi ni anino niya ayaw ko talaga makita. Mas okay pa na magtulog muna sa bahay kaysa naman umattend ng klase kasama siya.
"Inds!" Napahinto ako bigla dahil sa pagtawag sa pangalan ko. Langya naman, ang puso ko biglang bumibilis ang pagtibok.
Namiss ko tawagin niya ang pangalan ko. Na para bang ngayon, isang tawag lang niya sakin nalimutan ko na lahat ng ginawa niya. Gusto ko siyang lingunin,pero nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Indie!" Muli niyang pagtawag.
Gustong-gusto ko na siyang lingunin, lapitan at yakapin, pero yong mga paa ko para bang naka-glue sa semento. Pakiramdam ko anytime tutulo na talaga mga luha ko. I hate this part. I hate him!
"Chase, nandyan ka lang pala. Nasabi ko na kay mam principal."
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at natauhan nang marining ko ang mala-anghel na boses ni Nathalie. Oo nga pala, may Nathalie na siy. Wala na akong lugar sa kaniya or should I say never naman nagkaroon talaga.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad kahit halos wala na akong makita sa sobrang labo ng paningin ko dahil sa pesteng mga luha na ito. Bakit nga ba kung sino yong minahal natin ng sobra, yong kung kanino tayo naging masaya ay siya rin yong magpaparamdam ng sobra-sobrang lungkot? Pinaniwala mo lang akong may happy ending, nagising ako bigla at naisip na wala nga pala tayo sa disney para maniwala sa ever after.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...
