Chapter 9

1.5K 124 11
                                    

Nagising ako ng may bimpo sa ulo at nandito na sa kwarto ko. Umaga na pala at masyadong napasarap ang tulog ko. Bukas pa ang uwi ni Ate Joselyn pero bakit parang napaaga ata siya?

Bumaba na ako matapos ko maghilamos at mag-toothbrush. Nararamdaman ko na ang nagwawalang alaga ko sa tiyan dahil sa gutom.  Dumiretso ako sa kusina at nagulat akong may isang lalaking sumasayaw habang nagluluto doon. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pinasok na ata ako ng magnanakaw dito sa bahay.

Kinuha ko naman muna ang isang bote ng toyo sa lamesa saka nilapitan siya. Ipupok-pok ko ito sa magnanakaw na yon.

Malapit na ako sa kan’ya at unti-unti siyang lumingon kaya naman napapikit ako at ipinukpok ko sa ulo niya ang bote na hawak ko.

"Ano bang---" sambit ni kuyang magnanakaw.
"Magnanakaw! Magnanakaw! Mga kapitbahay, tulong!" nakapikit pa din ako habang sumisigaw dahil takot akong makita ang mukha niya.
"Indie!" hinawakan naman niya ang magkabilang balikat ko para pakalmahin. Bakit parang kaboses niya si Chase ko?

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang isang Chase na naligo sa toyo. Hala!

"May toyo ka talaga!" inis na sabi niya
"Sorry, akala ko kasi magnanakaw ka.", nagpeace-sign pa ako sa kaniya.
"Mukha ba akong magnanakaw?"
"Hindi, ang totoo akala ko rapist ka."
"Sa gwapo kong ito, rapist?"

Nakuha niya pang magyabang.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa bahay ko?"
"Pinagluto kita ng lugaw, tapos tinapunan mo lang ako ng toyo."
"Sorry talaga. Sige na maligo ka muna sa itaas."

Umalis naman siya sa harap ko at nagpuntang banyo upang maligo dahil sa nangangamoy na toyo.

Habang ako ay kasalukuyang tinikman naman ang niluto niya. Bakit ang sweet naman niya, para mag-effort ng ganito sa akin? Lugaw-ala-Chase na ang favorite ko simula ngayon. Utos na naman ba ito ni mommy?

Ilang minuto pa ang lumipas at narinig kong naglalakad si Chase sa may likuran ko.

"Okay lang ba yong lasa?" napalingon naman ako sa kaniya at,
"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Sabay iwas ko ng tingin sa kaniya. Nakatapis lang kasi siya ng towel sa pang-ibaba at wala siyang damit pang-itaas.
"Nilabhan ko pa ang damit ko, maya-maya lang at pinatutuyo ko pa."
"May dryer naman kami diyan."
"Bakit ayaw mo ba ng ganito ako?" Lumapit naman siya sa may pwesto ko kaya napatayo ako.

Chase utang na loob, hwag mo ako landiin!

"Tayo lang naman ang nandito. Walang makakaalam at makakarinig ng sigaw mo." Mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa pader na lang ang sinasandalan ko.
"Are you ready?" inilapit nya pa ang mukha niya sa mukha ko na tanging isang dangkal na lang ang layo. Parang hihimatayin ako dahil sa mga titig niya. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang ipinikit ang mga mata ko na tila umaasang dumampi ang labi niya sa labi ko.
"Amoyin mo nga ang buhok ko, amoy toyo pa ba?" napamulat naman ako sa tanong niyang ‘yan.
"Ha?
"Wala, kain na tayo." lumayo naman siya sa akin sabay kumuha ng makakain.
"Ano ba talaga ang ginagawa mo dito? Inutusan ka na naman ba ni mommy?"
"Nilalagnat ka kagabi, dito ako natulog."

And I was like, speechless.

"Okay ka na ba?"
"Dito ka natulog buong gabi?" Sabay tabon ko sa katawan ko gamit ang kamay ko.
"Nakita ko na ‘yan kagabi pa, kaya hwag mo ng takpan."

Lumapit naman ako sa kanya at pinagpapalo siya. Kahit naman may lihim akong gusto sa kaniya, hindi ko kailanman naisip ibigay ang kaluluwa ko.

"Ikaw!" habang pinapalo ko siya sa katawan niya.
"Joke lang. Ano bang akala mo gusto kita para pagnasaan ko?"

Napatigil naman ako sa pagpalo sa kaniya at tila nanlumo dahil sa sinabi niyang yon. Mas masakit pala talaga kapag galing mismo sa taong mahal mo.

"Wala ka bang ibang kasama dito sa bahay niyo?" Pagbago niya ng usapan.
"Wala!" pagsusungit ko naman.

Ikaw nang sabihan ng mahal mo na hindi ka niya type, hindi ka masasaktan at mag-iinarte ng ganito?

"Baka may lason ito ha!" biro ko sa niluto niya.
"Look at you, pinagluto na nga panay pa ang reklamo. Hindi na lang mag-thank you."
"Salamat."

Napansin ko naman siyang nakahawak sa ulo niya at hinihimas-himas ito. Dahil bas a pagkakapalo ko ng bote?

"Gawa ko ba ‘yan?" Tinuro ko naman ang bukol niya sa may noo.
"Sino bang baliw na babae ang pumok-pok sa akin ng bote?"

Tumayo naman ako at kumuha ng Ice bag saka iniligay iyon sa noo niya.

"Sorry na nga. Naiilang ako habang kinakausap sya dahil wala pa siyang damit pang-itaas.
"Magbihis ka na nga." sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

Tumayo naman siya bigla dahilan upang matumba ako.
Madali naman niyang sinubukan akong saluhin pero pati siya ay natumba at....

Ang awkward ng position namin, swear.

"Mam Ende?"

Sabay naman kaming napalingon sa nagsalita at si Ate Joselyn pala.
Mabilis ko namang naitulak si Chase na nakapatong sakin at pilit na tumayo.

"Aroy naman sina mam, may kwarto naman ay dini pa sa kusina ginusto."
"Yaya!" Awat ko sa kaniya dahil sa hiyang-hiya na ako sa pangyayari.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon