Kinabukasan, nagising ako na may bulaklak sa tabi ng kama ko.
M.A.H.A.L.
'Yan lang ang nakasulat at walang note kung kanino galing pero bakit kinikilig ako dito.Umaasa na naman ako kay Chase galing ito.
Matapos kong makapagligo at magbihis ay bumaba na ako upang kumain. Doon napansin ko na naman ang isa pang bouquet ng bulaklak. Ganito ba siya ka-sweet?
Inamoy-amoy ko pa ang bulaklak at niyakap-yakap ko pa. Rampa Inday ng pang-beauty queen.
"Mam Ende, inlove na oy!"
Napayakap naman ako bigla kay Ate Joselyn.
"Yah, iloveyou na talaga."
Kumain ako at may pakanta-kanta pa. Grabi ganito ba talaga pag-inlove? Nakakabaliw.
Nilagay ko naman muna sa vase 'yong mga bulaklak para hindi malanta bago ako tuluyang nagpaalam kay Ate Joselyn na papasok na.
"Ace?"
Nakita ko siyang nakaupo sa motor niya nang buksan ko ang gate namin.
"Goodmorning, Indie."
"Goodmorning" hyper pa ako niyan kasi nga ang ganda ng gising ko
"Hatid na kita."
"Magsasayang ka na naman ng gasolina sa'kin."
"Ikaw naman makakasama ko kaya baliwala yon. By the way, do you like the flowers?"
Para naman akong tumamlay dahil sa narinig ko.
Anong?
"Sa'yo galing 'yon?"
"Oo. Nagustuhan mo ba? Hindi ko alam favorite flower mo, pero sana nagustuhan mo 'yong binigay ko."
"Ah. Oo nagustuhan ko" plain kong sagot
Oo nga naman. Bakit ba ako nag-assume na kay Chase galing 'yon? Bakit naman niya ako bibigyan noon diba?
Nandito na ako sa school canteen kasama si Chase at kasalukuyan nag-uusap para sa mangyayaring event this month.
"Ano kaya kung puro pagkain na lang ibenta natin sa booth?" suggest ko
"Cookies lang naman ata alam mong gawin!" si Chase
"Huh?"
"You used to give me that as a gift, right?"
"Excuse me, binibigyan ko din sina Wein noon!" Nahuli niya ata na isa akong loyal admirer niya.
"Ah, kaya pala every birthday ko."
"Bakit? Gusto ko lang talaga i-share talent ko sa pag-bake."
Bright Idea! 'Yon nga pala ang talent ko. Ang pagiging baker.
"Bakit sa'kin?"
"Kase mahal kita!"
Did I just said what?
Napatingin naman ako sa kaniya at ayan na ang nakakaloko niyang ngiti.
"Ang ibig ko sabihin. Mahalan natin ang presyo kapag iyon ang ibebenta natin." Palusot ko naman.
Binawi ko bigla ang tingin ko sa kanya at nag-focus ako sa pagsusulat ng mga ingredients. Nakakahiya! Seriously, bakit ba minsan hindi nakikisama ang bibig ko sa utak ko?
"Mahal?"
Napatingin naman ulit ako sa kaniya.
"Oo medyo mahal talaga ang gagastusin natin, pero pera naman ng klase ang gagamitin natin diba?"
"Ikaw bahala. Mahal!"
"Sige, iba na lang kung mahal iyon masyado. Juice at sandwich na lang kaya."
"Slow!"
Ano daw? Hindi ako pagong para maging slow. Ano ba ibig niyang sabihin?
Nandito kami sa Department Store, at kasalukuyan kaming pinagtitinginan nang iba pang bumibili ditto dahil siguro bagay kami magkasama. Kidding. Dahil lang siguro gwapo ang kasama ko at lihim na pinagnanasaan na nila.
"Baking powder!" Idinidikta ko lang sa kaniya ang lahat ng kailangan namin habang siya naman ang kumukuha noon at naglalagay sa cart.
"Mahal!"
"Huh?" kinuha ko naman ang hawak niyang baking powder at tiningnan ang price, pero 55 pesos lamang naman.
"Okay lang iyan. Mura pa nga iyan!"
Lumakad na lang ulit ako at nagpunta sa sugar section.
"White sugar two kilos."
Madami naman ang gagawin namin.
"Mahal!"
"Ano bang mahal diyan? Oh sige iyong brown sugar na lang"
"Mahal nga"
"Alin ba?"
"Kita!"
"Huh?"
"Ay napaka-slow talaga!"
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Fiksi RemajaKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...
