"Inds, Hello?" Ramdam ko ang nag-aalalang boses ni Nathalie sa kabilang linya.
"Indie, alam ko kasama mo si Chase. Please naman sana iuwi mo na siya dito."
"Bakit? Paghihiwalayin niyo naman kami?"
"Habang tumatagal, nilalagay mo sa pahamak ang buhay niya."
"Hindi kita naiintindihan."
"Kamusta siya?"
Napatingin naman ako sa wala pa rin malay na si Chase. Ano ba talagang nangyayari?
"Please, umuwi na kayo!"
I ended the call.
Naguguluhan na ko, kaya naman nilapitan ko si Chase at hinawakan ang kamay niya.
"Hija, nandito na yong doctor."
Habang tinitingnan siya ng doctor ay para naman aatakehin ako sa puso dahil sa kaba.
"Hija, may iniinom bang gamot ang pasyente?"
"Hindi ko po alam. Wala po ata!" Nauutal kong sambit.
"Kailangan dalhin siya sa hospital para ma-check kung tama yong findings ko."
"Findings ho?"
"Sa tingin ko kasi may ibang sakit siya at hindi basta lagnat lang. Kailangan natin masiguro yon thru test."
"Indie?" Nabuhayan naman ako ng loob ng magising siya at tawagin ang pangalan ko.
"Bakit may doctor?" Dagdag pa niya.
"Nawalan ka kasi ng malay kanina, hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tumawag ako ng tulong."
"Ayos na ako, paalisin mo na siya!" Bigla niyang pagsusungit.
"Hijo, mukhang kailangan mong dalhin sa hospital."
"Im fine. Now go!"
Sinamahan naman ni manang yong doctor sa pag-alis.
"Ano ba kasing nangyari sayo? Sigurado ka bang hindi kita dapat dalhin sa hospital?"
"Nahilo lang ako dahil sa mga sinakyan natin kanina. Yon lang yon!"
"I'm sorry. Promise hinding-hindi na tayo sasakay sa kahit anong rides doon." Sabay yakap ko sa kaniya.
"Sorry din kung pinag-alala kita."
"I love you, Chase."
"Mas mahal kita."
Nagkamalay ako na wala nang Chase sa tabi ko. Napabangon ako bigla dahil sa kaba at hinanap siya. Wala siya sa banyo at wala din siya sa lobby. Pinagtanong ko na rin sa mga taong nandoon sa information desk kung nakita nila si Chase. Iilan lang kaming nakacheck-in sa Inn na ito kaya kilala nila si Chase na tinutukoy ko. Tinanong ko na drin sya kay Manang pero iisa lang lahat ang sagot nila, hindi nila napansin si Chase na umalis.
Bumalik ako sa kwarto at hinanap ko ang phone ko, kinakabahan na ako. Iniwan na ba niya ako?
Hinanap ko ang number niya saka tinawagan siya, pero out of coverage. Lowbat ba siya o sadyang ayaw lang niya sagutin kaya naka-off ang phone niya? Ayoko namang tawagan si Nathalie kasi baka malaman nilang nawawala si Chase, mamroblema lang lalo sila doon. Lumabas ulit ako at hinanap siya. Tingin dito, tingin doon, Chase magpakita ka na please! Hindi mo ako kayang iwan, hindi ba?
Nakarating ako sa perya na pinuntahan namin at nagbakasaling makita ko siya doon ngunit bigo pa rin akong makita siya. Minu-minuto kong tinitingnan ang cellphone ko sa pag-asang magtext o tumawag siya. Patuloy lang ako sa paglalakad kahit para bang sinusunog ng araw ang balat ko. You can call me over-acting o kaya paranoid dahil narating ko ang police station at nireport ko na nawawala siya. But unfortunately, ayaw naman nilang umaksyon kasi wala pa raw 24hours siyang nawawala. So kailangan ko pang maghintay ng 24hours bago nila ako tulungan hanapin si Chase? Yong taong mahal ko ang nawawala ditto kaya tulungan naman nila sana ako.
Madilim na nang makauwi ako at wala pa rin akong Chase na nadatnan. Napaupo na lang ako sa kama at doon ko lang naramdaman ang gutom at pagod. Anong nangyayari? Naguguluhan na talaga ako? Nasaan ka na ba talaga? Maraming gumugulo sa isipan ko. Babalik siya, alam ko! Baka may pinuntahan lang at hindi siya nakapagpaalam dahil tulog pa ako nang umalis siya. Tapos baka lowbat lang talaga yong phone niya ngayon dahil naiwan niya yong charger niya dito kaya hindi niya ako matawagan. Puro positive ang iniisip ko. Natatakot akong isipin na posibleng iwan niya ako. Maya-maya pay naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Pakiramdam ko mababaliw ako sa pag-aalala.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Umaga na pala, napalingon ako sa tabi ko at wala pa din siya. Pinilit kong bumangon at dumiretso sa banyo upang makapag-ayos muna ng sarili. Pumunta ako sa isang restaurant dito at kumain. Gutom na gutom na ako at hindi naman pwedeng hindi ako kumain. Kailangan ko mag-ipon ng lakas para sa pagbalik ni Chase may energy.
Tumunog naman ang phone ko pero na-disappoint ako na hindi siya yong hinihintay kong tawag.
"O Zelyn?"
["Hoy bruhang Inday, asan ka ba ha?"] Ang naghehestirical na boses ni Jishin sa kabilang linya
"Sa malayong lugar!"
["Alam mo bang kami ang ginegera ng masungit mong nanay?"] --Vanessa
["Nag-aalala na kami sayo."] --Charity
["Umuwi ka na please! Pasko na sa isang araw ay nagtatago ka pa dyan."] --Wein
["Sino bang kasama mo ay nandito naman si Chase?"]
Nahulog ko naman ang kutsarang hawak ko dahil sa sinabi ni Zelyn.
"Nandyan si Chase?" Nanginginig kong tanong
["Nakita namin siya kahapon kasama si Nathalie."] --Lhea
Para bang may malakas na sampal akong natanggap dahil sa sinabi nilang yon.
["Nasaan ka ba talaga? Sinong kasama mo dyan?"]
"Uuwi na ako, huwag kayo mag-alala."
I ended the call dahil ayaw kong marinig nilang umiiyak ako. Hindi ko pa man tapos yong pagkain ko ay iniwan ko na lang yong bayad sa lamesa. Dumiretso ako sa kwarto at doon na ako umiyak ng tuluyan. All this time pala ang tanga ko para umasa na hindi niya ako iiwan. Ano palang ginawa naming pagtakas na ito, lokohan lang? Na kapag napasaya na niya ako ay iiwan na niya after? Nakakag*go lang Chase!
I hate you Chase Vergara!
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...