Chapter 26

1.4K 99 13
                                        

Nang imulat ko ang mga mata ko, alam kong bangungot lang ang lahat. Okay si Chase, okay ako at walang masamang nangyari. All this time, nakahiga lang ako dito sa kama ko at mahimbing na natutulog. Masakit ang katawan ko pero siguro dahil sa kakatulog  lang ito.

"Ind's buti nagising ka na!" nagulat naman ako dahil sa biglang nasa harapan ko na si Zelyn

"May masakit pa ba sa’yo?"--Lhea

"I thought we'll gonna lose you!" sabay yakap at iyak naman sa akin ni Charity

"I'm sorry Ind's! Sorry kasi nagalit kami sa’yo. Sorry!" si Wein na yumakap din sakin

Naguguluhan ako. Huwag naman sana nilang sabihing totoo lahat yon, please!

"Ano bang nangyari? Nasaan si Chase? Si Ace? Si Ashley?" pagtataka ko

"Si Ace, nasa prisinto pa. Pero ngayon na siya makakalaya kasi minor pa din naman siya. Pero balita ko mapapatalsik siya sa school niya."pagpapaliwanag pa ni Van.

So it wasnt a dream?

"I hate him, boto na pa naman ako sa kaniya para saiyo, pero masama pala ang ugali. Ay nakakainis talaga!"--Jishin

"Si Chase? Where is he?" pagtatanong ko

"Ah kasi si Chase, ano ---" Lhea

Kinakabahan naman ako sa sasabihin niyang pa-suspense pa.

"Ano? Please sabihin niyo kung nasaan siya!"

"He's still on the hospital."

"Okay naman siya diba? Ano bang nangyari? Paano kami nakatakas doon?"

Naiiyak na ako dito.

"Ayon sa kwento ng bruha, iniwan kayong dalawa ni Chase doon at isinama ni Ace si Ashley kaya nagkaroon ng chance makatakbo ang bruha at makapagsumbong kaya may nakatulong sa inyo."

Bigla naman akong napa-upo sa kama ko.

"Mahina ka pa Ind's magpahinga ka muna!"--Zelyn

"Ayos lang ako. Pupuntahan ko si Chase!" tumayo na ako

Wala naman silang nagawa para komontra sa halip tinulungan na lang nila akong makapag-ayos.

Kinakabahan ako. Sana okay siya. Sana okay talaga siya. Please.

Narating namin ang ospital at ngayon nandito na kami sa harap ng pinto ng kwarto ni Chase.

"Hintayin ka na lang namin dito, Ind's!"

Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at doon nakita ko si Chase na wala pa ding malay at madaming galos sa katawan. Nasa tabi niya si tita na nag-aasikaso sa kaniya.

"Oh Indie, okay ka na ba?" Tanong ng mama ni Chase ng mapansin niya akong pumasok

"Okay na po ako. Si Chase po, kamusta?"

"Ayan hindi pa rin nagkakamalay. Sa tindi ng pagkakabugbog at pagkalapalo sa ulo niya ang sabi ng doctor kapag hindi siya nagising within 24hours posibleng ma-coma siya."

Para naman biglang umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko. Pakiramdam ko nakalutang ako dahil sa narinig ko. This cant be. Hindi pwede as in hindi!

"Hija, pweding ikaw muna ang magbantay sa kaniya, pupunta lang ako sa doctor ni Chase at may pag-uusapan lang kami."

"Okay po, tita."

Umupo naman ako sa tabi niya kasabay ng pag-alis ni Tita.

"Bakit ba kasi pumunta ka pa doon?"

As if naman sasagot si Chase sa ginagawa ko.

"Bakit ba kasi hinayaan mong magpabugbog ng ganiyan ha? Hindi ba nag-aral ka naman ng martial arts!" Hinawakan ko naman ang kamay niya

"Hoy Chase, gumising ka na nga diyan. Okay na ako, kaya dapat okay ka na din!"

"Hoy Chase, kapag hindi ka gumising diyan. Hahalikan talaga kita!"

"Sige ka, hahalikan talaga kita. Ano, gigising ka ba diyan o hindi?"

Nababaliw na ata ako. Kinakausap ko ang isang taong walang-malay.

"Ikaw ha! Gusto mo din ata!"

"Chase, total hindi mo naman ako naririnig. May gusto sana ako sabihin sayo. Alam mo bang matagal na kitang gusto. Ay mali matagal na pala kitang mahal."

Ang sarap sa pakiramdam na nasabi ko sa kanya iyong feelings ko kahit na alam kong hindi naman niya narinig yon.

"Hoy Mr. Chase Vergara, gumising ka na nga diyan! Mamahalin pa kita, kaya umayos ka."Nakapikit pa ako niyan para damang-dama ko

"Mahal mo ako?"

Te..tekkka..
Anong?
Teka ulit!
Siya ba yong nagsalita?
Paanong?

Dahan-dahan ko namang minulat ang mata ko at kanina pa ba siya gising? Oh no. Dear lupa, lamunin mo na ako please!

"Gising ka na? Teka tatawagin ko si Tita at yong doctor!" akmang tatayo na ako ng hawakan niya ang kamay ko at pigilan

"Ano muna ulit yong sinabi mo?"--Chase

"Ha? Alin doon? Wala naman akong sinabi. Ang tahimik ko kayang nagbabantay dito!"

"Ay sige, matutulog na lang ako ulit dito at hindi na ako gigising!"

Napansin ko namang ipinikit pa niya ulit ang mga mata niya.

"Hoy, gumising ka nga!"

"Ayaw! Tulog ako hanggat hindi mo inuulit yong sinabi mo kanina!"--Sya

"Ang daya naman! Kanina ka pa pala gising hindi ka man lang nagsabi. Sinasamantala mo ang sakit mo."

Napansin ko naman ang pagbago ng hitsura niya dahil sa sinabi ko, tumamlay saka tuluyang ipinikit ang mga mata.

"Hoy Chase ano ba!"

Hindi pa rin sya umiimik.

"Chase, ano ba!"

Aamin ba ako?
Ay mali naamin ko na pala kanina pinapaulit lang nya.

"Oo na, gusto kita kaya gumising ka na diyan!"

Napansin ko naman na unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya.

"Gusto lang?"

Ay shemay balbon. Ano pa bang gusto niya?

"Oo. Bakit ano pa ba?"

"Gusto mo lang ako?"

Kinakabahan na ako pakiramdam ko mare-reject ako.
Hello, bawal na pag-ibig ito mga kapatid.

"Oo kahit na alam kong hindi pwede. Don't worry mabilis naman akong magmove-on!"sabi ko

"Sigurado ka? Paano kung hindi mo pa din ako makalimutan?"

"Iiwasan kita hanggat kaya ko, hanggang sa tuluyan ng wala akong pakialam saiyo. Ay diyan ka na nga!" sabay tayo ko pero nahawakan na naman nya ang kamay ko

"At saan ka pupunta?"

"Uuwi na. Uumpisahan ko ng magmove-on sa’yo!"

"Dito ka lang sa tabi ko, mamahalin pa kita!"

Nabingi lang ako. Tama, nabingi lang talaga ako, hindi ba mga Inday?

"Mahal din kita, Ind's! Ang tagal mo kasing magtapat."

Aba't sinisi pa ako?
Hawak niya pa din ang kamay ko.
Ito na ba yong simula ng forever?

"I love you, Indie!"

Tara umpisahan natin ang ChaDie Road to FOREVER.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon