Chapter 25

1.3K 95 11
                                    

"Look, siya yong pangit na feelingera na humalik kay Chase."

Papasok pa lang ako ‘yan na agad sumalubong sa’kin. Ang ganda ng pambungad nila, hindi ba? Pangit na feelingera talaga? Aba, sila na ang ubod ng ganda at perpekto.

"Yes! Kalat na nga sa youtube yan. Grabi lang, may gana pa talaga siya magpakita after what she did!"

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko, kunwari wala akong naririnig. Wala namang magtatanggol sa akin ngayon, nag-iisa lang ako. Wala ang mga kaibigan ko. Hanggang ngayon, hindi pa din sila pumapasok. Bakit naman ganoon?

Nakarating ako sa classroom at ako pa din ang topic. Sana pala hindi na lang ako pumasok.

Umupo na lang ako ng tahimik sa upuan ko saka inub-ob ang ulo ko sa arm chair. Wala pa naman yong teacher namin kaya okay lang kung umidlip muna ako. Halos hindi kaya ako nakatulog kagabi. Iniisip ko lang kung bakit parang nagkasabay-sabay naman ang problema ko. Una, hindi pa kami okay ng mga kaibigan ko. Pangalawa itong issue kay Ashley. Pangatlo, yong kay Chase. Hello kayo kaya ang humalik sa taong mahal mo ng walang pasabi. Nakakahiya talaga! Ano pa bang mukhang ihaharap ko kay Chase. Tapos idagdag pa sa isipin yong text niya kagabi na, mag-uusap daw kami after class. Bakit kaya? Nahihiya talaga ako? Ayaw ko nga magpakita sa kaniya.

"You'll gonna pay for what you did, loser!"--Ashley

Napaayos tuloy ako ng upo dahil nasa harapan ko na pala ang dakilang bruha. Alam ko gaganti pa siya lalo pero ayaw ko nang gamitin si Chase para saktan ka Ashley, kaya pwede ba huwag ka na makulit.

"Tigilan mo na nga ‘yan, Ash!" Natahimik naman ang buong klase dahil sa boses na yon. There he goes become my savior once again.  Chase, bakit ka ba nagpakita? Ayan nahiya na naman tuloy ako.

"Hindi pa tayo tapos!"---Ashley

Should I thank him?

Alas-singko na at tapos na ang klase, pupunta ba ako sa park? Nagdadalawang-isip talaga ako.

Bigla naman nag-ring ang phone ko.

Calling....
[Superman :)]

Namiss ko ang isang ito, parang ang tagal lang niyang hindi nagparamdam. Hindi na niya ako hinahatid-sundo lately. It doesnt mean na namimiss ko siya. Para kasing siya na lang ang natirang kaibigan ko.

"Ace, kamusta?"

["Ind's!"] Nanghihinang boses sa kabilang linya.

"Bakit? Anong nangyayari sa’yo?"

["Nilalagnat lang ako. Can you do me a favor?"]

"Sige, kahit ano."

["Pakibili naman ako ng gamot at sana pakidala dito sa bahay."]

Para naman akong nataranta dahil sa sinabi niya. Bumili agad ako ng gamot at tinext naman niya sa’kin ang address ng bahay nila. Ang alam ko kasi wala siyang kasama sa bahay nila. Kaya siguro wala syang ibang mautusan. Minsan na din naman nyang iniligtas ang buhay ko, its payback time naman ngayon.

Aalagaan ko na muna si Ace, siguro naman maiintindihan ito ni Chase kung sakaling hindi ako makarating sa usapan , hindi ba?

6:00 pm nang marating ko ang bahay niya. Pumasok na lang ako kasi bukas naman ang pinto.

"Ace? Ace, nandito na ako!" pagtatawag ko

Nagulat na lang ako ng para bang bigla na lang may pumalo sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.

"Ang tagal naman magising ng babaeng 'to!"

Mulat. Pikit. Mulat ulit. Ang sakit ng ulo ko.

"Bantayan niyo na lang!"

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon