Chapter 4

1.7K 149 14
                                    

"Ayoko nga po pumunta,  mom. Madami pa po akong gagawing assignments. Mag-aaral pa ako."

"Kailan ka naman nag-aral, nak?  Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta ka. Thats an order and please wear something normal."

Nanay ko nga ata talaga siya, ang pinagmanahan ko ng ka-weirduhan. Wear something normal talaga? Hindi ba dapat wear something formal?

Tinatamad akong bumangon pero no choice. Kailangan ko pumunta sa reunion na iyon. How I hate that event.

"Why are you still here?" nilingon ko naman kung sino ang nagsalita at si Edz pala, pinsan ko.

Nandito na nga ako sa resort ng tita ko dahil dito ang venue ng reunion. Pero dahil tinatamad akong pumasok dahil sa ayaw kong makipag-plastikan ay tumambay na lang muna  ako dito sa lobby.

"Lets go Inds, I heard the program is about to start."

"Sige, susunod na lamang ako." Bagot kong sagot.

The last time na umattend ako ng ganitong reunion. Isang napakalaking EPIC FAIL!

"Indie, I told you to wear something normal!" pambungad sa akin ni mommy.

Dyosa ang mommy ko at dati siyang teen model ng sikat na magazine na ngayon ay siya na ang namamahala. Ngayon na lang muli kami nagkita sa sobrang busy niya sa trabaho. Tanging si yaya Joselyn lang ang lagi kong nakakasama sa bahay. Madrama ang buhay ko pero wala akong balak magpasa ng kwento kay ate Charo.

"Dito po ako comfortable, mom."

Tiningnan naman niya ang suot ko,black dress na hanggang tuhod with black sneakers. Black is life and let it rock.

"Hay, hindi ko na alam ang gagawin ko sayong bata ka."

Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad. Sanay na ako kay mom, hindi kami ganoon ka-close. Namiss ko tuloy bigla si Dad. Isa pa din syang workaholic.

Pumunta na lang ako sa table para kumuha ng makakain. Ito lang naman talaga gawain ko-- ang kumain. Sa dami ng tao hindi na naman nila mapapansin kung kumakain na agad ako. Yong ibang nandito, mga bago sa panangin ko. Siguro dahil sa ngayon lang sila umattend sa ganitong event. If I know, mga nagpaplastikan lang naman ang mga iyan. Mga nagyayabang about business at kung ano pa mang karangyaan sa buhay.

"Hey, Inday! Why did you start eating na? You know naman na mamaya pa dapat dahil sabay-sabay." napatingin naman ako sa pakilamerang nagsalita, at si Edz na naman pala.

Kasing edad ko yang si Ediliza pero ubod ng childish. Girl na girl sa suot niyang pink na akala naman niya ikinaganda niya.

"Tumitikim lamang naman ako." palusot ko.

"No, I will sumbong you to Mamita." sabay takbo

Wala akong pakialam sa kaartehan niya kaya pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain doon. Ang sarap lang ng fried chicken lalo na kapag isasaw-saw mo ito sa suka na maraming bawang.

"Indie, why are you still here? Sumali ka sa games." sabay hila sa akin ni mommy.

Ang sarap pa ng buhay ko sa pagkain. Mas masaya iyon kaysa sa ano pa mang games iyan.

Namalayan ko na lamang na nakatayo na ako dito sa harapan ng maraming nakapalibot na tao. At kasali na nga ako sa kalokohang palaro na to.

"Well play the so called paper dance. Meet your partner first." sabi nang emcee na si kuya Jimbo.

Paper dance? Napaka-cliché naman ng palarong ito. Boring. Hindi na lamang catch the egg para may kaunting thrill.

Tumingin naman ako sa ka-partner ko at si Patrick pala. Ang patpatin kong pinsan.

"Wait. Back-out na ako! Hindi kita kayang buhatin, Inds." saad niya sabay alis.

Sabihin na lang nila na wala talagang gusto pumartner sa akin. Paalis na din sana ako sa pwesto nang sabihin ng isang lalaki na "I can be your partner."

Iniangat ko naman ang ulo ko dahil sa pamilyar na boses na yon at...

"Chase?"

Nag-smile naman siya.

Wait loading..
Reconnecting.
Bakit sya  nandito?
As far as I know, exclusive lang ito para sa mga kamag-anak namin. Strictly, no outsider.

"Matatalo tayo, ano ka ba?" bumalik naman sa katawang-lupa ang pag-iisip ko ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at hilahin papalapit sa kaniya.

Totoo ba ito? Am I dreaming? Kinakausap niya ba talaga ako? Tapos hawak-hawak niya pa ang kamay ko at ang lapit-lapit pa namin sa isa't isa?

"Ayusin mo lang ng tapak sa papel, and well win." sambit niya.

Amoy na amoy ko ang bango ng hininga niya dahil sa ilang dangkal na layo niya sa mukha ko. Na-conscious tuloy ako dahil sa kinain ko kaninang bawang.

"Nakikinig ka ba sakin, Indie?"

Alam niya ang pangalan ko? Sabagay classmate nga pala kami, pero ito ang unang beses na tawagin nya ako sa pangalan ko. Heaven na yon.

"Will you please stop on staring at me." masungit niya pang sabi.

“Hindi kita tinititigan. defensive kong sagot at sana lusot iyon.

Dalawang pares na lamang kaming magkalaban at halos isang paa na lang ang kasya sa papel na iyon. Papanong diskarte naman kaya kami magkakasya doon?

Nag-stop ang music at hudyat iyon na kailangan na naming pagkasyahin ang sarili sa kapirasong papel. Nagulat na lamang ako ng bigla nya akong buhatin na parang pang-bagong kasal. Ganiyan ba talaga niya nais manalo sa larong ito? Competitive masyado.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko habang tumitingin sa kaniya na mukhang seryosong-seryoso sya doon sa pagba-balance. Binabawi ko nang boring ang ganitong klaseng laro. Sana laging may palarong ganito. Chase, I love you na.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon