Umaga nang maisipan kong umuwi sa bahay ng madatnan ko ang mga maleta sa sala. Hinanap ko si Ate Joselyn pero wala siya. Anong nangyayari?
"Mom?"
Nakita ko si mommy na may kasamang mga lalaking mukhang men in black.
"Ano na naman ‘to?"
"Sa bahay ka na ulit titira from now on!"
"Ayoko!"
"Boys get her!"
Bigla na lang ako binuhat ng mga lalaki na inutusan ni mommy at dinala sa sasakyan.
"Mom, ano bang ginagawa mo?"
"Inaayos ang buhay mo!"
"At sa anong paraan, kontrolin ang buhay ko?"
"Tumigil ka na Inday! Inilalayo lang kita sa kahihiyan!"
"Hayaan mo na ako, mom!"
"I won't let you suffer the way I did!"
Hindi ko maintindihan kung ano man ang sinasabi ni mommy, ang alam ko lang nilalayo niya ako kay Chase.
Nandito ako ngayon sa dating kwarto ko. Walang pinagbago, ito pa rin yong ayos simula nang umalis ako. At kung bakit ginusto ko umalis dito noon ay dahil sa kanila na palaging nag-aaway. Wala namang perpektong pamilya. Alam ko lang noon, nagtatrabaho silang dalawa para sakin kaya nawalan sila ng oras sa isa't isa.
Kinuha ko ang phone ko, pero wala pa din siyang text. Sumusuko ka na ba talaga, Chase?
Ilang araw na akong nagkukulong dito sa kwarto ko. Iyak-tulog-iyak ulit-tulog na naman! Gustuhin ko mang tumakas, hindi pwede kasi marami akong bantay. Daig ko pa ang kriminal kung bantayan nila ng ganiyan.
"Mam, kakain na po." sabi nang yaya dito
Walang akong ganang kumain. Nasaan na ba kasi si Ate Joselyn at bakit bigla na lang din siyang nawala? Lahat na lang ba talaga ng taong mahal ko ay iniwan na ako?
Kinabukasan, nakita ko si mommy na nakaupo sa tabi ng kama ko.
"What do you want?" Ang walang-galang kong tanong.
"Magbihis ka, may bisita ka sa ibaba!"
"Si Chase?"
Hindi naman na nagsalita pa si mommy at lumabas na rin ng kwarto ko. I knew it, hindi ako kayang iwan ni Chase. Madali naman ako nagbihis at nag-ayos sa sarili. Mukhang konting mukmok ko lang epektib na kay mommy at hindi niya ako natiis.
Bumaba na ako at nakita ko ang isang nakatalikod na lalaking nakaupo sa sofa. Kaagad ko naman siyang niyakap.
"Akala ko iiwan mo na ako!" Napapaiyak na ako sa sobrang saya habang yakap-yakap ko siya.
"Don't worry hindi kita iiwan!"
Napamulat naman ako dahil sa kakaibang boses ni Chase. Inalis ko ang pagkakayap ko at saka ko nalaman na hindi pala siya ang taong inaasahan ko.
"Chip? Anong ginagawa mo dito?"
"I came here to see you!" Inaabot niya pa ang dala niyang bulaklak at tsokolate.
Napatingin naman ako kay mommy at mukhang plano niya ito.
"Busy ako!" Akmang tatayo na ako ng pigilan ako ni mom.
"Huwag mo namang bastusin ang bisita mo!"
Bisita niyo siya dahil kayo ang nagpapunta. Si Chase lang ang gusto ko.” Mariin kong sagot.
"I heard nakafixed-marriage yon ah!"
Napatingin naman ako kay Chip dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon, uso pa ba ang fixed-mariage? Bakit wala naman siyang nabanggit sakin about doon.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Novela JuvenilKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...