Sabado at say yes dahil walang pasok. Walang bully. Walang Ashley Nicole. Sadly, wala din Chase. Bumangon na ako at nagligo. Gutom na ako. Gusto ko ng orange juice at bacon sandwich.
"Yaya Joselyn, gusto ko ng bacon sand------"
Natigil naman ang pagasalita ko ng makita ko s'yang nakaupo sa sofa. Mas lalo namang tumigil ang mundo ko ng tumayo s'ya at sinabing 'Goodmorning'. Iyong imahinasyon ko nakakakilig. Dumiretso na lang ako sa kusina at kumuha ng makakain sa fridge.
"Hindi mo man lang ba talaga ako papansinin?"
Ang Chase sa imagination ko parang totoo. Para bang kaharap ko s'ya ngayon at kinakausap ako. Improving ang brain cells ko sa pag-iimagine kay Chase, realistic. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng tinapay.
"Hindi mo talaga ako papansinin ha!"
Nagulat lang ako ng bigla n'yang inagaw sa kamay ko ang pagkain ko. Anong? Totoo na ata talaga siya. Pinisil ko naman ang pisngi n'ya at ang lambot.
"Totoong Chase ka ba?" sabay alis n'ya sa kamay ko sa may pisngi niya.
"Ha?"Hala, totoo nga sya. Isang tunay at buhay na buhay na masungit na Chase.
"Anong ginagawa mo sa bahay ko?" Nauutal kong tanong.
Napatingin naman ako sa hitsura ko at na-conscious dahil sa kaharap ko.
"Magbihis ka na, kanina pa tayo hinihintay ng mommy mo."
"Ano?"
"Magbihis ka na lang." Bagot niyang saad.Wala naman ako nagawa at sinunod ko na lang ang utos niya. Hindi ko man ang plano ni Mommy pero tiwala naman ako sa kaniya. Matapos kong magbihis ay dali-dali akong bumaba at nakita kong naghihintay na ang prince charming ko doon.
"Yan na ang isusuot mo?" napatingin tuloy ako sa suot ko dahil sa tanong n'yang yan. Black shirt, black skirt at black sneakers.
"Sige wait, I'll change for a minute." pabalik na ako sa kwarto ng hinawakan n'ya ang kamay ko para pigilang umalis.
"Okay na yan, were late."Halos isang oras bago kami makarating sa company nina Mommy.
"Mom, ano na naman ba to?"
"Nagback-out yong dalawa naming model at kayo ang papalit. I need your help, honey."
"Po?"Ano bang alam ko sa pagpo-pose at pagpo-project? Pero kailangang kayanin ko dahil si Chase ang makakapareha ko.
Nagsimula ang photoshoot at para naman akong hihimatayin dito ng wala sa oras. Bakit kasi topless itong si Chase, at ang abs niyang nang-aakit pa.
"Indie, focus!" sabi ni sir photographer.
Pakisabi nga sa'kin kung paano mag-calm down at mag-focus?
"Move closer. Utos ng photographer.
Inutos din niya na akbayan ako ni Chase. Naiilang ako sa totoo lang. Katawan na ba ini-indorse ng company nina mommy at kailangan wala talaga syang shirt?
Natapos ang halos tatlong oras na photoshoot at hindi ko akalain na aabutin ng ganoon katagal. Hindi ko balak maging model, ang hirap pala. Pakiramdam ko niluluto ang balat ko dahil sa init na dala ng maraming ilaw. Sumakit lang ulo ko.
"Are you okay?" Ayan at nawala agad ang sama ng pakiramdam ko dahil sa simpleng pagtatanong niyang yan.
"Oo, okay na okay" pagod lang ito, nanibago lang ang katawan ko syempre hindi naman ako sanay sa ganito.
"Great. Ill better go ahead."Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nagpaalam na rin ako kay Mommy na aalis na ako. Dumating ako sa bahay ng past eight na, ang traffic kasi pasaway. Ngayon ko lang naalala na kaya pala wala si Ate Joselyn dahi sabado ngayon at day-off n'ya. Meaning to say, ako ang magluluto? Dapat bumili na pala ako kanina.
Umupo muna ako sa sofa at ang sakit talaga ng ulo ko, sumabay pa ang malakas na pag-ulan kaninang pauwi ako. Lalagnatin ata ako.
"Nasaan ba ang phone ko?" kanina ko pa hinahalughog ang laman ng bag ko kakahanap sa telepono kong yon.
-000000-
CHASE's POV["I just wanna love you forevermore, and I wanna hold you just like before"]
Nagtaka naman ako sa biglang tumunog na weird na yon mula sa bag ko.
"Kaninong cellphone to?"
Kinuha ko naman at nakita ko ang picture ko sa wallpaper. Bakit ako?
Ang babaeng yon maganda sana burara lang. Mukha bang bag ko ang bag niya?Pumunta ako sa kanila kahit gabi na dahil baka may important calls pa s'yang hinihintay kaya isusuli ko muna ito. Napansin kong bukas ang gate kaya pumasok na ako. Isa pa, bukas din ang pinto. Aba't bakit ba ganito ang babaeng ito? Walang takot sa sarili.
Nakita ko naman na natutulog sya sa sofa. Bakit ba diyan s'ya natutulog? Wala ba s'yang kasama sa bahay na 'to? Inilipag ko na ang cellphone nya para makauwi na din. Bahala na sya diyan.
"Chase..."
Tinawag niya ba ako?
Gising naman pala siya."Oy babae, nandito na yong cellphone mo."
Hinintay ko s'yang magsalita ulit. Pero tulog ata s'ya, kaya lumapit ako sa kaniya.
"Chase
Bakit ba pangalan ko ang sinasabi nya?
Pinisil ko naman ang pisngi n'ya para matiyak kung tulog ba talaga s'ya."Are you sick?"
Naramdaman kong nag-aapoy siya sa lagnat. Ano bang gagawin ko sa'yong babae ka?
Pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng bimpo saka binasa yon. Wala akong alam sa ganito pero dahil sa kaniya natataranta ako ng wala sa oras.
Bakit ba pakiramdam ko kailangan ko siyang alagan?
![](https://img.wattpad.com/cover/25737930-288-k995240.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...