Chapter 16

1.4K 112 20
                                        

"So kayo na?" --Wien
"Niyakap mo din ba?" --Lhea
"Anong sinabi mo?" --Charity

Kasalukuyan akong nasa hot seat ng mga kaibigan ko. Naikwento ko kasi yong sinabi ni Ace sakin. Ano ba naman kasing trip niya?

"Kailan mo siya balak sagutin?" --Vanessa
"Nanliligaw ba talaga sayo?" --Zelyn
"Sinong nanliligaw?" napatahimik naman kaming pito sa biglang dumating na nagtanong noon.

Si Chase.

“Ano kasi" Nag-iisip pa ako ng palusot.

Nagsidatingan na din naman ang iba pa naming classmate. Good thing nakalusot ako sa tanong nyang iyon.

"Listen guys! Malapit na ang Campus Fest, iyong mga willing sumali sa contest ay magpalista na, okay?" si Mam Cess

Umingay naman ang buong klase. Sila ng excited. Pero sana sumali si Chase sa DanceCon this time para naman hindi boring ang CampusFest ngayong taon.

"At gaya ng dati, may plus grade sa subjects ko ang lahat ng sasali." dagdag pa ni Mam Cess.

Pasensya na po, wala kayo maasahang talent sa’kin. Sa inyo na ‘yang grade na ‘yan.

"Siya nga pala, Miss Geron as project manager, umpisahan mo na mag-isip kung ano ang booth niyo for this class."

Bakit ako? Hindi ba dapat class president ang namomroblema doon?

"Mam, hindi ko po kaya yon ng mag-isa."

Dapat tulungan ako ni Mam mag-isip. Wala akong idea, sorry. Wala akong  creativity skills.

"Then find a partner. Sino ba ang gusto tumulong kay Indie?"
"I can help!" napalingon ako sa nagsalita at si Chase pala. Seryoso ba siyang nagvo-volunteer as my partner?

Ilang oras ang nakalipas at nandito kami sa Music Room, sa kadahilanang nais mag-audition ni Charity sa Singing Contest.

"Guys, kinakabahan ako!" si Charity

"Fine, back out na tayo." si Lhea sabay hatak kay Charity papaalis
"Wait lang! Kaya ko ito!"

Kung itatanong niyo sa’kin kung magaling kumanta si Charity? Marunong siya! Oo, marunong talaga siya.

"Dear, sayang ang mga babasaging gamit dito sa music room kapag kumanta ka!" pang-aasar pa ni Jishin.
"Support lang basta kami dito, kahit anong mangyari. Marami-rami na din naman tayong ipon kaya mababayaran natin ang gamit na mababasaag mo." sabi ko naman
Guys naman.

Pangarap talaga ni Charity ang maging sikat na singer someday. Sana may chance matupad ang pangarap nyang yan.
"Akitin mo na lang yong judge Char!" suggest naman ni Wein
"Hindi naman kaya effective!" seryosong sabi ni Charity

Nagtawanan namin kami dahil doon. Masyado niya palang sineryoso ang biro ni Wein. Tinawag na si Charity at nagsimula na siyang kumanta. Maayos naman ang boses niya. Listen pa nga ang kinakanta niya. Ang hilig niya sa mga matataas na kanta masyado.

"Okay next, number 33!" narinig kong sabi ni kuyang judge after kumanta ni Charity.

Lumapit naman samin si Charity at sinalubong namin siya ng yakap. Sana kahit runner up naman this time makatanggap siya.

Lalabas na sana ako ng room ng biglang naitulak ako ng mga estudyante. Teka! Bakit ba biglang dumami ang tao dito?

Napatingin tuloy ako sa mini-stage at doon ko nalaman kung bakit sila nagkakagulo. Nakita ko si Chase na kasukuyang nagseset-up ng gitara niya. Sasali sya? Hindi ko alam na marunong siyang kumanta.

Nakisiksik naman ako sa medyo unahan para mas makita ko siya. Ilang strum pa lang niya sa gitara ay nagtitilian na sila at aaminin ko na isa na ako doon.

["Nagpaalam ka ng hindi ako handa.
Bumabaha ang aking unan"

Seriously? Pawiin by Callalily? Bakit naman yon ang kinanta niya?

Anong gusto kong mangyari,
Wala na ngang masabi
Dahil bigla kang nawala.

Papawiin daw ang luha,
Hinding-hindi naman pababayaan.

Aalalayan daw hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman
Ito ba ang 'yong diskarte para lang masabi na okay lang ang lahat.

Basta't papawiin. . Ohhh..
Papawiin.]

-000000-
CHASE's POV

"Okay next, number 33!"

Ngayon ang araw kung kailan ka nag-paalam sakin. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw ko ng sumayaw, kaya heto sisimulan ko ulit ang pagkanta kung saan ito lang naman talaga ang kaya ko noong nakilala kita.

Alam ko marami ang nagulat dahil sa sumali ako sa audition na ito.  Gusto ko magsimula ulit. From now on, Im letting you go. Be happy wherever you are, my Princess.

Napansin ko si Indie na hirap na hirap ipagsiksikan ang sarili niya sa mga babae doon. Ang babaeng yon talaga, lahat gagawin makita lang ako.

Pawiin by Callalily. Favorite song iyon ni Princess. Isang taon na pala ang nakalipas. Ang bilis lang.

"I just broke up with him!"
"Pero bakit?"
"Kasi I think mahal na kita!"

Nakilala ko si Princess thru a school presscon. Sa school nila ang venue at nandoon lang ako para mag-intermission number. Ang bilis ng pangyayari, niligawan ko siya, sinagot niya ako at minahal ko siya. I thought it will end as a happy ending like fairytales, but it turns out Iniwan din niya ako.

Ngayon, natatakot ako na baka iwan mo din ako, Indie. Alam kong hindi pwede. Malabo naman na maging tayo. Pinsan kita. Pero ilang beses ko man pilit na iniwasan at sungitan ka , at dahil siguro sa baliw ka at parang sinasadya mo akong pagselosin sa Ace na yon. I admit, mahal na nga ata kita, Indie!

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon