One year later.....
Sabado kaya nag-ayos ako para bisitahin si Chase. Miss na miss ko na siya. This past few weeks kasi masyado akong naging busy dahil alam niyo na college girl na po ako. Excited na ako na puntahan siya dahil madami akong gustong ikwento sa kaniya."O ayan, my C pinagbake muli kita ng cookies ha. Hindi ka naman nagsasawa dyan, hindi ba?" Sabay tikim ko ng gawa kong cookies.
"Alam mo si Charity, may boyfriend na. Vocalist ng banda sa University namin."
Natatawa talaga ako kapag naalala ko 'yan. Si Charity kasi talaga ang habang hair.
"Si Zelyn at Jollo, hanggang ngayon nasa ligawan stage pa rin. Buti hindi sumusuko si Jollo 'no."
"Ay nga pala Chase-----" Naputol naman ang sasabihin ko ng bigla akong nilapitan ni Chadie, ang aso ni Chase.
"Chadie, come!" Napalingon ako sa boses na tumawag na yon.
Kasama ko nga pala si Chip. Naging magkaklase kami dahil ginaya niya ata ang course ko. Napakakulit. Isip-bata pero mabait naman.
"Alam mo 'yang kaibigan mo na yan, papansin kahit kalian." Pagsusumbong ko.
"Hoy Chip, ano bang ginagawa mo dito? Isinama mo pa si Chadie!"
"Sinundan ka niya. " Sabay upo nya sa tabi ko.
Everytime na nagsasalita siya ay pakiramdam ko talaga si Chase siya dahil magkaboses sila.
"Bro, kamusta kana?" -Chip
"Alam mo bang napakadali naman ng inuutos mo sakin na bantayan ang girlfriend mo dahil wala naman nagkaka-interest pala dito!" Sabay palo ko sa kaniya dahil sa kakapalan ng mukha niya.
"Tingnan mo, wagas kasi manakit!"
"Bro, miss ka na namin!"
Napayuko na lang ako dahil sa sinabi ni Chip. Hell yeah. His right! I really missed you, Chase.
Minsan pala sa buhay natin may makikilala tayo nang magbibigay ng dahilan sa salitang pag-ibig. Mamahalin mo siya kahit pa maraming hadlang sa inyo. Ipaglalaban mo hanggat kaya mo, dahil aalam mo na sa kaniya ka sasaya. Ganoon naman talaga sa pag-ibig, hindi ba? Minsan kung sino pa ang bawal nating mahalin, kung sino pa yong taong hindi natin maimagine na mamahalin natin ay sila pala ang makakapagpabago ng mundo mo. Pero minsan din, may mga relasyon na hindi nagtatapos sa happy ending. May kailangan magpaalam, may naiiwan at may nang-iiwan. Kahit masakit, kahit mahirap, kailangan mong tanggapin na wala na siya at magpatuloy mag-isa sa buhay. Iyong mabubuhay ka na lang sa mga alaala niyong dalawa. Kung hindi man natuloy ang forever niyo, malay mo may bagong dumating para ituloy yon.
Hinding-hindi kita malilimutan, Chase.
Iyong pang-aasar mo, yong masungit mong mukha, yong titig mo na kahit nakakatakot ay kinikilig ako. Iyong kahit madami akong naging kaagaw sayo ay ako pa rin ang pinili mo. You will always be here in my heart. Nothing could ever replace you.
I love you, Chase Vergara.
I love you, My Cousin'tahan.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Novela JuvenilKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...