Monday na naman at nakaka-excite pumasok, syempre namiss ko agad si Chase. Ganoon naman talaga kapag may gusto ka sa isang tao hindi ba? Gusto mo lagi siyang nakikita, nakaka-usap, at nakakasama kahit pa may mga bagay sa mundo na alam mong bawal.
"Black lady." sabay bato ng isang crumpled paper sa ulo ko.
Napalingon naman ako kung sino ang nagbato noon at ang bully for all time na si Ashley Nicole pala.
"I want strawberry ice cream! Buy it for me!"
"Ayoko, may gagawin pa ako." Balak na naman niyang sirain ang maganda kong umaga.
"Wow! Did you just said, ayaw mo?"
"Oo bakit? Sinabi ko nga na ayaw ko."
"Hindi ka na takot sakin dahil akala mo close mo na si Chase? Cmon, tinuturuan lang niya ang bobo na katulad mo, cause youre f*cking pity and hopelss. Girls, hawakan niyo nga siya!"Nagsimula naman lumapit sa akin iyong mga alipores niya at hinawakan ang magkabilang kamay ko ng mahigpit. Hinigit pa ni Ashley ang dulo ng buhok ko.
I want to hold your face and slap you many times, but I guess its disgusting. My precious hand doesnt deserve your face at all. Pag-iinarte niya pang tono.
"Hoy bruhang Ashley Nicole, bitiwan mo nga si Indie!" napatingin naman kami lahat sa bagong dating na si Vanessa na kasama pa ang iba kongkaibigan.
"You call me what? Bruha? You ugly lesbian!"Lumakad naman papalapit sa direksyon namin sina Van at nararamdaman ko na ipapatawag kami sa principal office mamaya.
Nagkanya-kanya ang mga alipores ni Ashley Nicole laban samin. One on one ang labanan at syempre ako ang makakatapat ng bruha.
Lumapit siya sa akin at pinagsasabunutan ako. At syempre, hindi naman ako papaapi kaya gumanti ako. Parang nannuuod ng live boxing ang mga estudyante. Naghihiyawan pa sila at nagpupustahan.
"Itigil niyo na nga ‘yan!" para naman kaming mga ewan na napatigil sa pakikipag-away doon dahil sa pag-awat na boses ng lalaki. Dahil sa boses n’ya.
"Chase, buti dumating ka. Si Ashley Nicole kasi----" pagtakbo ko sa kaniya at pagsusumbong ko pa.
"Ang ingay niyo, humaharang pa kayo sa daan."
Nilagpasan lamang niya ako at mistulang hindi napansin doon. Aaminin ko mas nasaktan pa ako dahil sa ginawa niya kaysa sa mga sampal ni Ashley.
Sa classroom at hindi ako lalong makapagconcentrate sa mga alien words ni Mam Cess sa kadahilanang nakatuon ang focus ko kay Chase. Bakit ba parang bumalik na naman siya sa pagiging masungit niya? Siguro tama nga ang sinabi ni Ashley, tinuturuan lang niya ako dahil wala siyang choice. No more reason. Ako din lang naman ang nag-isip na malapit na kami."Ang crush parang math equation. Kung hindi mo makuha, titigan mo na lang." bulong sa akin ni Zelyn.
"Hoy Inday, nakita mo ba si Bona?" bulong naman ni Charity sa kaliwang tainga ko.
"Hindi, bakit?" bulong ko din sa kaniya.
"Kanina pa nagwawala si Weinschelle, hindi niya makita si Bona."Tiningnan ko naman si Weinschelle sa katabi niyang upuan at ayon nga at nakasimangot.
"Nandyan lang yan. Mamaya hanapin natin." sabi ko naman
Lunch break at imbis na kumain ay abala kami sa paghahanap kay Bona. Nasaan ba kasi ang pasaway na stuff toy na yon? Gutom na ako.
"Yuhoo, Bona?" sigaw ni Wein
"As if naman sasagot yon!" si Jishin
"Guys, I need Bona now!" ayan iiyak na yang si Wein.First time lang nila magkahiwalay kaya ganiyan yan maka-react.
"Bakit ba nawala yon?" tanong ko.
"Noong nag-away kasi sa corridor kanina nabitawan ko siya dahil sa mga bruhang alipores ni Ashley."
"Baka nandoon pa iyon sa baba." sabi naman ni Lhea
"Huwag naman sanang may kumuha kay Bona" pag-aalala ni Wein
"Wala naman magkaka-interest doon." bulong ni Jishin
"Jishin!" sigaw ni Wein at nag-peace sign na lang tuloy si Jishin.Bumaba naman kami papuntang corridor upang doon naman maghanap ng para bang nawawalang bata.
Napansin ko naman na papalapit si Chase sa may dereksyon ko kaya naman napangiti ako at tinawag ko siya. Pero bakit ba ang sakit niya mang-reject? Nakakasakit na talaga siya ng damdamin.
"Hayaan mo na ‘yan, hanapin na lang natin si Bona ng matapos na ito." sabay hila sa akin ni Van
Itinuon ko na lang ang focus ko sa paghahanap kay Bona kahit parang nakalutang ako doon sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Guys alam ko na, maghiwa-hiwalay na lang tayo para mas madali natin mahanap si Bona." Suggestion pa ni Wein.
Kilala namin ‘yang si Wein at hindi talaga ‘yan titigil hanggat hindi n’ya nahahanap ang isang bagay na mahalaga sa kaniya. Lalo nat si Bona yon. Hindi ba pwedeng magpapakalat na lang kami ng poster na may nakasulat na missing at magbigay na lang siya ng pabuya?
Nandito ako na-assign sa may labas ng school. Ewan ba sa mga yon at kung bakit dito ay ano bang gagawin ni Bona sa lugar na ito. Hindi naman yon si Annabelle na may buhay para maglakad papunta dito. Pero pinagpatuloy ko na lang din ang paghahanap. Tiningnan ko ang bawat sulok.
Maya-maya ay narinig ko ang bell, at hudyat yon na tapos na ang lunch break. Pabalik na ako ng may biglang puting van na tumigil sa harap ko at bigla na lang nila ako hinila at isinakay doon.
"Pakawalan nyo ko!" pagsusumigaw ko
"Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sakin?" Hindi ko sila makita sa kadahilanang nakablind-fold ako.Nagkukunwari lamang akong hindi natatakot pero ang totoo ay halos himatayin na ako sa kaba dito.
"Patahimikin n’yo na nga yan!"
"Ano bang kailangan niyo sakin? Wala kaming pera at madami namang ibang babae na maganda diyan, bakit ako pa?" Nanginginig ko ng tugon.
"Girlfriend ka ni Chase, hindi ba?" Nagtaka naman ako dahil bakit si Chase ay nadamay dito.
"Pangarap ko lang maging girlfriend niya ako." Naiinis ko ng saad. Ang sakit kasi ng magkakatali nila sa kamay ko.
"Hindi kami naniniwala sa drama mo. Masyado nang nagmamagaling yang boyfriend mo. Kaya gagawin namin siyang baldado hanggang sa tuluyan siyang hindi na makasayaw." Narinig ko pang nagtawanan sila. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko seryoso sila sa planong to.Naramdaman kong inaalalayan nila akong makababa at saka hinila upang maglakad. Naiiyak na ako dahil sa kaba. Ilang sandal pa ay tinulak nila ako dahilan upang maka-upo.
Kunin mo nga yong cellphone niyan para matawagan na natin si Chase.
Bigla ko na lang din naramdaman ang pagkapa nila sa may bulsa ko. Iniisip ko na lang na wala naman silang balak na masama sakin at isa pa wala naman akong dalang cellphone dahil naiwan ko yon sa classroom noong naghahanap kami kay Bona
Wala naman kayong mapapala sakin. Sinabi ko na sa inyo na hindi ko boyfriend si Chase. Isa pa, bakit ba kayo ay nai-insecure sa galing niya? Hindi na lang kayo mag-practice. Practice makes perfect nga, hindi ba? Mag-asawang sampal naman ang natanggap ko dahil sa sinabi kong yan.
Napaluha ako sa sakit. Pakiramdam ko natanggal ang pisngi ko dahil sa sampal na yon.
Wala kayong paggalang sa babae? Ganiyan ba kayo pinalaki ng magulang niyo, ha? Mag-asawang sampal na naman ang natanggap ko.
Napaka-ingay mo. Wala ka naman palang silbi.
"Hoy! Tigilan nyo na yan.
"Sino ka bang pakialamero ka?"At maya-maya pa ngay nakarinig ako ng suntukan at pagkakagulo. Naramdaman ko na lang na may nagtanggal sa blindfold ko at...
"Miss okay ka lang?" Napatitig lang ako sa kan’ya na para bang ilang sandali na lang ay tutulo na ang luha ko dala ng takot. May ibang tao pa din pala ang magliligtas sakin.
Napatingin naman ako sa paligid, at nasa isang parang stock room pala kami. At yong mga pangit na sumampal sa akin kanina ay ayon at tulog na tulog na.
"Salamat." Nauutal ko pang saad.
"Ihahatid na kita sa inyo, baka pagkagising n’yan puntahan ka na naman. Buti na lang at narinig ko ang malakas na boses mo nang napadaan ako kanina."
Salamat talaga.
"Ace, by the way." pakilala naman niya.
"Indie.”
![](https://img.wattpad.com/cover/25737930-288-k995240.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Novela JuvenilKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...