Chapter 29

1.1K 86 0
                                    

"Anak, pumwesto ka na doon bilisan mo!"Utos ni mommy

Sabado at nandito ako sa studio nina mommy upang kanilang maging modelo. Wala ata silang makuhang kasing ganda ko, napapadalas na ito. Pero dahil si Chase ang aking kapareha ay hindi na ako nagrereklamo sa trabahong ito.

"Mom, si Chase po?"

Asusual kasama ko ang boyfriend ko. Ay naninibago pa din ako sa word na boyfriend. Although, sikreto lang muna ang relasyon na ito sa pamilya namin dahil sa alam naman namin na bawal iyon at maraming tututol.

"May pinakuha lang ako sa office ko."-mom

"Mr. De Sena, you're late!" Naiinis na tono ni kuyang photographer.

Napalingon naman ako dahil sa bagong dating at teka si Chip to.

"Sorry po, traffic!" Sabay kamot niya pa sa ulo niya.

"Tita, ito na po yong pinapa--", hindi natapos ang pagsasalita ni Chase ng makita niya si Chip.

"Anyway hijo, si de Sena muna ang magiging partner ni Indie for this photoshoot."

"Po? Bakit siya? Napataas kong tonong pagtatanong.

"Mas babagay kasi sya sa theme ngayon.".

Nawalan naman ako ng gana dahil sa balitang iyon. Para saan pa at pinapunta nila si Chase dito? May pagka-good boy ang tema ng shoot ngayon, at dahil siguro mukhang gangster look itong si Chase ay pinalitan muna bilang si Chip dahil sa mukha nitong inosente.

"Okay lean closer!" utos ni Sir Paco, yong director.

Napatingin naman ako kay Chase at ayan ang cute niyang mukhang manununtok na. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiilang sa nangyayari?

"De Sena, akbayan mo si Indie!" muling utos ni Sir Paco

Napansin kong tumayo naman sa pwesto niya si Chase at lumabas. Trabaho lang ito, at walang personalan My C.

Natapos ang photoshoot at dinner na. Katabi ko sa may kanan ko si Chase at sa kaliwa ko naman si Chip na abala sa pagkain. Sinadya ko namang sikuhin si Chase upang magpapansin ngunit hindi niya ako pinansin.

"Galit ka ba?" bulong ko sa kaniya at tanging iling lamang ang isinagot niya.

Ang tanging alam ko lang sa mga oras na yon ay parang may kasalanan ako at nagtatampo siya. Kaya naman laking gulat niya ng hawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.

"Sorry!"

Naramdaman ko din naman na hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko saka napangiti ng bahagya. Ipinagpatuloy lang namin ang pagkain habang simpleng magkahawak ang mga kamay.

Matapos noon ay hinatid ako ni Chase pauwi ngunit tahimik lang siya habang nagbabyahe.  Hindi ko tuloy alam kung galit pa din ba siya o talaga siya lang naman si Chase na tahimik.

"Papasok ka ba?"anyaya ko.

"Gabi na. I need to go!" kasabay noon ang ang pagkabitaw niya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Okay, goodnight Chase!" Tumalikod na ako sa kaniya at binuksan ko na ang gate. Narinig ko naman ang pagsara ng pinto ng sasakyan niya. Hindi man lang siya nag-goodnight din? Wala man lang I love you?

Sasarhan ko na ang gate nang magulat ako ng niyakap niya ako mula sa likuran ko.

"I love you Indie! I’m sorry natakot lang ako kanina na posible palang mawala ka sakin."

Humarap naman ako sa kaniya at niyakap din siya.

"Sayong-sayong lang ako, promise."

"I’m sorry kung hindi ko maipagsigawan kung gaano kita kamahal."

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon