"Okay lean closer!" Utos ng photographer at sunod-sunod na flash ng camera ang tanging nakita ko.
Nandito ako sa studio nina mommy at kami na naman ni Chase ang napiling modelo. Bagay kasi kami talaga. Ang komontra, ipapatapon ko sa Pluto!
Natapos ang photoshoot at feeling ko lalagnatin na naman ako. Ayoko talaga ng maraming nakatutok na ilaw. Mainit! Pero dahil si Chase ang kasama ko handa akong magtiis.
"Oh!" napatingin na lang ako sa inaabot niyang milkshake na nasa harapan na ng mukha ko. Seriously, bakit ang sweet nya? MilkChase ito?
"Thanks!" Ang sarap itago sa baul ng milkshake na bigay niya.
Aminin niyo, kapag may bagay na ibinigay ang crush mo sa’yo, ang sarap ipa-frame hindi ba?
Umupo naman siya sa tabi ko at busy pa rin sa pag-inom ng milkshake niya. Hindi ko maiwasan na titigan siya. Siya lang talaga nagpapadrumroll sa puso ko. Corny pero kapag kayo ang nainlove ng ganito promise masasabi niyong tama si Inday.
"Bagay sila." narinig kong sabi nung isang staff.
Kami ba tinutukoy nila? May fansclub na ang loveteam namin?
"Ano ka ba! Magpinsan yan." narinig ko namang sabi ni ate number 2
Bigla naman nagbago ang expression ng mukha ko. muntik ko ng malimutan na pinsan ko nga pala siya. Pinsan ko lang siya.
Nakauwi na ako ng bahay at kasalukuyang nanunuod ng K-drama sa sala.
"Ende, may nag-iwan nito sa labas oh. Para sayo ata." sabay abot sa’kin ni Ate Joselyn ng isang pink paper bag. Inamoy-amoy ko naman muna ang paper bag, malay mo bomba ito. Pero nang matiyak kong hindi ay binuksan ko na at nakita ko ang isang black and white panda bear. Ay malamang black & white naman talaga kulay ng panda. EngEng ko minsan.
Nabasa ko naman na may note na kasama:
Yan na lang ang yakapin mo, huwag yong bigay ng ibang tao!Yinakap ko naman agad ang panda bear at kinurot-kurot. Feeling ko kay Chase ito galling. Nagseselos ata talaga siya kay Ace!
Bigla namang tumunog ang phone ko at tiningnan ko kung sinong tumatawag at si Ace pala.
"Hello Superman, bakit ka napatawag?"
"Namiss lang kita. Boses niya sa kabilang linya.Napaka-straight-to-the-point lang niya talaga.
"Labas ka. Nandito ako sa labas ng bahay niyo."
Agad naman ako napasilip sa bintana namin para tingnan kung nandoon nga siya at...
"Anong ginagawa mo dito?" sabay bukas ko ng pinto at doon nakita ko siyang nakatayo katabi ng motor niya.
"Sabi ko, namiss kita diba."
Pakiramdam ko bigla nag-init ang mukha ko sa sinabi niya.
"Gusto mo bang pumasok?" anyaya ko
"Inds, boyfriend mo ba ang Chase na yon?"
Para naman akong naistatwa dahil sa tanong niya.
"Ah hindi, bakit?" I hope so na boyfriend ko nga siya diba.
Mas lalo naman akong naistatwa ng bigla niya akong yakapin.
"So walang magagalit kung liligawan kita?"
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...