Chapter 30

1.1K 80 0
                                        

Malapit na ang christmas break at kasalukuyan kaming nagbe-bake ni Chase ng cookies dito sa bahay. Siya nga pala legal na kami niyan kay Ate Joselyn kaya malaya siyang pumunta dito anytime.

"Hindi ganiyan, dapat ime-measure mo muna para perfect ang kalalabasan niyang ginagawa mo." Pagtuturo ko sa kaniya.

"Bakit ba ang galing ng girlfriend ko pagdating sa ganiyan?"

"Dito na nga lang kita kayang talunin."

"I love you!"

Hanggang ngayon nagugulat at kinikilig pa din ako sa tuwing sinasabihan niya ako niyan. Ang sarap lang i-record.

"I love you, more!"

He hugged me from behind kaya mas lalo akong kinilig at nawawala sa focus sa ginagawang pagsusukat.

"Inday!" Sabay naman kaming napatingin sa pamilyar na boses na tumawag sakin. Naramdaman kong bigla na lang ni Chase inalis ang pagkakayakap sakin at bigla na lang din akong kinabahan.

"Mom?"

"Anong nangyayari dito? Explain it to me clearly!"

"Tita, mahal ko po ang anak niyo! Diretsong saad ni Chase.

Nagulat na lang ako ng bigla na lang may narinig akong malakas na sampal. Hindi para sakin, kung hindi para kay Chase.

"Hijo, alam mo ba yang sinasabi mo?"

"Opo, pero mahal ko po siya."

Aktong sasampalin na naman sana si Chase ni Mom ng humarang ako.

"Mom, sorry. Mahal ko din po si Chase."

"Oh well,nagpunta ako dito kasi tatanungin ko lang sana kung totoo ang mga yan!" Inabot niya sa’kin ang picture namin sa resort nina Van at nakita namin doon yong sweet na sweet kami ni Chase.

"Inisip ko lang na close lang kayo, kasi normal naman yon sa magpinsan. But now what?  Nakita ko pa kayong naglalandian on my own house!"

Gusto kong umiyak pero hanggat kaya ko pinipigilan ko. Gusto ko ipakita na malakas ako. Gusto ko siyang ipaglaban sa mommy ko. Expected ko na ang eksenang ganito, pero kapag pala nangyari na talaga sa’yo ang hirap pala.

"Naisip niyo ba kung anong sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila iyang relasyon niyo?"

"Wala kaming pakialam sa sasabihin ng iba!" Hinawakan ko lang ng mahigpit ang kamay ni Chase at ganoon din siya sa’kin. Kaya namin ‘to, walang susuko!

"Ikaw Chase, naisip mo ba kung anong sasabihin ng Daddy mo kapag nalaman nila ito?"

Napatungo na lang kami.

"Umalis ka na at kalimutan mo ang nararamdaman mo para sa anak ko."

Bakit ba parang unti-unti kong nararamdaman ang pagluwang ng hawak niya sa kamay ko? Hanggang sa tuluyang bumitaw siya. Bakit? Bakit parang naiiyak na ako? Bakit pakiramdam ko, sumusuko na siya?

Para akong istatwa na hindi makagalaw at pinagmamasdan lang siyang lumayo sa’kin. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko para habulin siya hanggang sa tuluyang hindi ko na siya makita.

Hanggang dito na lang ba tayo?

"Indie!"

The next thing I know, umakyat ako at nagkulong sa kwarto ko. Iyak lang ako ng iyak.

Bakit ang bilis mong sumuko? Ipaglalaban naman kita hanggang sa kaya ko.

"Indie talk to me!"

"I dont want to talk to you, mom!"

"As your mom, hindi naman kita pinagbabawalan magmahal at magkaboyfriend pero sana anak alam mo kung sino yong dapat at hindi!"

I try to call and text him pero hindi na niya sinasagot. Tinatapos mo na ba talaga, Chase?

"Malilimutan mo rin siya, trust me anak, I know!"

"No you don't know anything about me. Buti pa si Ate Joselyn nandyan at siya lang nakakaintindi sakin. Youre just my mom in a piece of paper. Sana nga naging ampon niyo na lang ako dahil wala din naman. Mas okay pa si Daddy!"

That words hurts, I know. Sorry kung sobrang harsh, pero hindi ko mapigilang ilabas lahat nang sama ng loob ko sa kaniya.

"Sana alam mo na naiwan na tayo ng daddy mo!"

Binuksan ko naman ang pinto at doon nakita ko si Mommy na umiiyak din.

"Hindi totoo’ yan, hindi tayo iniwan ni Dad!"

"Matagal na niya tayong iniwan at pinagpalit sa iba, ayaw ko lang malaman mo dahil I want you to live in a normal life."

"Hindi totoo ‘yan!"

"Kung nawalan man ako ng time sa’yo, is it because kailangan kitang buhayin mag-isa."

Sa hindi ko alam na dahilan bigla na lang ako tumakbo papalayo sa kaniya. Bakit sabay-sabay ang sakit? Kaya minsan nakakatakot maging masaya kasi alam ko kasunod ay ang matinding lungkot.

Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo, bahala na kung saan man ako mapadpad. Wala akong pakialam, gusto ko lang lumayo. Imposibleng iwan kami ni Dad, mahal na mahal ako noon.

"Vanessa?"

Ewan ko ba kung bakit kina Van ko naisipang pumunta, siguro kasi malapit ito sa’min.

"Anong nangyari?"

Niyakap ko na lang siya at umiyak.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya at hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

"Is it about Chase?"

"Alam na ni mommy ang tungkol samin."

"Pinaghihiwalay kayo?"

Napatango na lang ako.

"Ind's minsan kasi nagagalit tayo sa mga magulang natin dahil pakiamdam natin pinapakialaman nila ang buhay natin. But remember this, they still are parents and they know whats best for us."

"She lied to me. Matagal na pala silang wala ng daddy ko, hindi niya sinasabi sa’kin."

"You feel cheated and fool? Ganiyan din ako nang malaman ko na wala na ang mom at dad ko. Masakit at feeling ko wala akong kakampi, pero later on naintidihan ko din. Matagal na silang hindi masaya sa isa't isa at laging nag-aaway, and I think mas better na din na naghiwalay sila ng maayos kaysa patuloy naman silang magkasakitan."

Ngayon lang ni Van naikwento na nagkaroon din sya ng problemang ganito, as I said before hindi siya pala kwento.

"Van, yong Jeth siya ba yong ex mo?"

"Oo, pero Romeo and Juliet kami kahit anong gawin naming laban noon talo pa rin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ayaw sa kaniya ng parents ko kasi mahirap lang sila, pero pinaglaban ko siya kaso siya na yong kusang bumitaw."

"Bakit nga ba kapag nagmamahal tayo may mga taong tumututol sa kung anong saya meron tayo?"

"Hindi ko rin alam. Inisip ko na lang noon na masyado pa akong bata para ma-experience ang ganoong sakit, so there nakamove-on ako."

"Noong nagkita ulit kayo ni Jeth anong nangyari?"

"Bumalik ang lahat ng sakit at saya noong iniwan niya ako. Inds, huwag kang susuko kasi alam ko pagsisihan mo yan. Atleast kung matalo ka man alam mong lumaban ka."

Niyakap niya ako at hindi nga ako nagkamali ng pinuntahan.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon