Natapos ang exam namin at ngayoy kinakabahan ako dahil sa results na ipapaskil.
"Bakit parang namumutla ka diyan?" bati sa'kin ni Vanessa
"Kinakabahan lang ako, Van." Nakatungo kong saad.
"Tara na sa bulletin board para mawala na iyang kaba mo na 'yan!"--Jishin
Actually kanina pa ako niyaya nina Zelyn at Charity papunta doon pero sabi ko mamaya na dahil sa kinakabahan talaga ako. Sa bulletin kasi nakapost ang test result namin.
Wala na nga akong nagawa dahil sa bigla na lang ako hinila ni Vanessa.
Nakita ko ang mga estudyanteng nagsisiksikan para lang makita ang results ng exam. Nakisiksik na lang din tuloy ako.
"Ind's Congrats!" nagulat ako dahil sa biglang yakap ni Weinschelle sa akin.
Hinanap ko tuloy bigla yong pangalan ko sa board.
Top5: INDAY GERON
Top5?
Top2: ZELYN RAMOS
Top1: ASHLEY NICOLE DYSiya pa din. Hindi ko man lang nagawang talunin siya.
"Ind's ang galing mo. Top5 Inds, Top5!" bati sakin ni Zelyn
"Talo pa din ako ni Ashley."
"Huwag ka ngang malungkot diyan, ano kung hindi mo siya natalo atleast hindi ka naman lowest this time diba?"--Lhea
May point naman si Lhea. Oo nga naman, ang sarap sa feeling na maganda yong results na pinagpuyatan at pinaghirapan ko.
"Kaya mo naman pala na hindi maging lowest Ind's. So tara, celebrate tayo!"--Jishin
"Hey Loser!" napalingon naman ako dahil sa nakakairita na boses na yon.
"Paano ba 'yan, Talo ka. Once a loser, always a loser!"--Ashley
"Bahala ka na Ashley, hindi naman ako natatakot sa'yo!"
"Oh really? Let's see!"
Dapat ba akong kabahan? Ay mali. Dapat pa ba akong kabahan? Alam ko naman na ako at mga kaibigan ko ang magiging trip niyang bruha na 'yan, pero sige lalabanan ko siya.
Kinabukasan, mukha namang hindi totoo ang threat ni Ashley sa akin dahil sa wala akong naranasang kakaiba sa pagpasok ko. Siguro nagbibiro na lang yon ngayon.
Usually kasi kapag ako ang trip niya, sa gate pa lang may mga tubig na babandera sa akin. Iyong tipong mapapauwi ka na lang sa inyo dahil una basa ka na at pangalawa dahil sa kahihiyan.
"Hi girls!" masaya kong bati sa mga kaibigan ko
"Ind's si Jishin kasi"
Kinabahan naman ako bigla dahil sa sinabi ni Charity na pa-suspense pa.
"Bakit? Anong nangyari kay Jishin?"
"Umuwi, pagkapasok niya kasi tinapunan siya ng juice ng tropa ni bruhilda!"
"Anong"
So totoo ang banta niya?
"Girls, girls. Si Zelyn!" ang hinihingal pa na si Van
"Bakit?"
"Nilagyan ng peanut butter yong palda niya, pinagkamalan tuloy poop! Inasar tuloy ng mga students!"
Madali naman akong pumunta kung saan nagkakagulo. Ngayon na lang ulit nangyari ito. Naiinis ako kasi pati kaibigan ko nadamay dito. Nadamay dahil sa kagagawan ko. akala ko magiging handa ako sa mga mangyayari. Akala ko kakayanin ko, pero ang makita silang nahihirapan at pinagtatawanan dahil sakin ay masakit at parang dinudurog ang puso ko.
"Zelyn!" pinuntahan ko naman si Zelyn at inalalayan tumayo
"Ang papangit talaga nila!" napalingon naman ako dahil sa malakas na tawanan ng mga estudyante. Nakita ko ang mga kaibigan ko na kasalukuyang punong-puno ng pintura sa katawan.
Lumapit si Weinschelle sa akin dala-dala ang kaniyang minamahal na Bona na bakit pati iyon ay nasira?
"This is your entire fault!"--Wein
Para naman akong naistatwa sa sinabi niya. Ang sakit lang. Akala ko kasi kasama ko sila sa laban na ito, oo nga pala ako lang naman nakipagdeal kay Ashley at hindi sila. Sorry guys pati kayo ay nadamay.
Umuwi ako ng bahay ng walang galos, bakit ba hindi na lang ako ang pagtripan nila? Bakit kailangan pang idamay ang mga kaibigan ko?
"Oh Ende, okay ka lang ba? Bakit parang matamlay ka?"
"Ate Joselyn!" kanina pa ako naiiyak pero pinipigilan ko lang. Pero ngayong katabi ko na si Ate Joselyn, hindi ko na mapigilan at nagsimula na bumuhos ang mga luha ko. Pakiramdam ko galit ang mga kaibigan ko sa akin.
"This is your entire fault!"
Hanggang ngayon, naririnig ko pa rin sa utak ko ang boses ni Wein. Naiinis ako sa sarili ko.
"Ano ba kasing nangyari?"
"Ate Joselyn, anong gagawin mo para mawala ang galit ng isang tao sa'yo?"
"Mag-sorry ka. Bakit sino ba yon?"
Sorry? Bakit pakiramdam ko kulang pa yon.
Fine Ashley Nicole. Below the belt ka na, hindi ko ata hahayaang mawala ang mga kaibigan ko sa akin. Sobra ka na!
Kinabukasan, maaga akong pumasok para makapag-sorry sa mga kaibigan ko. I even bake cookies for them. Pero wala pa sila, mga ganitong oras nakapasok na yong mga yon. Nagpunta ako sa likod ng school sa pagbabakasakaling nandoon sila, pero wala.
Natapos ang maghapon at hindi sila pumasok. Siguro sa kahihiyan o siguro dahil sa ayaw pa din nila akong makita. Siguro dahil galit pa din sila. Ano bang nangyayari? Hindi ako sanay na wala sila. Lumalabas tuloy ang pagka-cry-baby ko dito.
Nakaupo lang ako dito sa bench sa may corridor na makita ko si Chase na papalapit. Hanggang ngayon baliwala pa din ako sayo. Hanggang ngayon mistulang hangin akong hindi mo nakikita. Ano bang nagawa kong kasalanan sayo? Napakalabo mo, ganoon ka ba talaga na kung kalian mo lang ako gustong pansinin ay lalapit ka at aastang concern?
Tiningnan ko lang siya hanggang sa tumayo ako at hinirang siya sa paglalakad. Nagulat naman siya sa ginawa kong pagharang at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagtataka.
Ilang minuto at para bang tumigil ang paligid ko. Gustong-gusto kitang yakapin, kung alam mo lang. Hanggang sa napansin ko na paparating si Ashley at ang mga alipores niya.
"Hey loser, get away from my boyfriend!"
Sa lakas ng boses niya, narinig na naman yon ng marami at sa akin na naman napunta ang atensyon nila.
Sa hindi ko alam na dahilan.
Bigla ko na lang niyakap si Chase at hinalikan.
It took 3 or 5 seconds na nakadampi ang labi ko sa labi niya.
The moment na inalis ko ang pagkakahawak ko kay Chase, doon ko lang naramdaman ang kahihiyang ginawa ko.
"Now were quits! Don't ever hurt my friends or else alam ko kung paano kita saktan!" 'yan lang ang nasabi ko saka tumakbo na.
Pakiramdam ko gusto ko mawala na parang bula. Nahihiya ako kay Chase. Pero sige na, ituring na lang niya yon na kiss from her cousin. Nagawa ko lang naman yon, dahil alam kong iyon ang paraan upang masasaktan ko ang feelings ni Ashley. At hindi nga ako nagkamali, her face is priceless. Alam kong kumukulo na naman ang dugo niya sa kin.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...