Chapter 13

1.4K 122 6
                                    

"I love you, Zelyn."

Lahat kami ay nagulat dahil sa may bigla na lang lumuhod sa harapan ni Zelyn na lalaki at sinabi ang linya na yan.

Nandito kami sa canteen at lahat ng tao dito ay sa amin este kay Zelyn nakatuon.

"Sino ka ba?" Si Zelyn, na nagawa pang magsungit.
"Jollo" nauutal na pagpapakilala noong lalaki habang nakaluhod pa din.
"Lakas ng trip mo ha, tumayo ka na nga diyan. Naiinis na tono ni Zelyn.
"Te, hindi naman kami na-inform na may love life ka na pala." sabay akbay ni Lhea kay Zelyn.
"Hindi ko nga yan kilala. Lets go."

Nagawa niya pang iwan doon si Jollo at saka nagsimulang maglakad papuntang counter. Ngayon ko lang siya napansin dito sa school.

"Zelyn, wait. Grabi ka manakit ng feelings. Iniwan mo na lang siya doon, isama naman natin" sabat naman ni Charity
"Bahala nga siya diyan" Kunwari pa siya na hindi kinikilig. Indenial yan.
"Tara Polo, sumama ka sa amin." si Jishin
"Jollo po" pagko-correct naman ng lalaki kay Jishin

"So, anong year ka na ba?" tanong ni Lhea

Sinisimulan na nilang mang-intriga habang ako ay patuloy lang sa pagkain. Nakikinig na lang ako sa usapan nila.

"Third year po"
"Kung maka-po ka naman, hindi naman kami ganoon katanda." ang masungit na si Zelyn.

Ganyan ba siya kapag kinikilig? Nagsusungit?

"So, mahal mo talaga si Zelyn?" saad ni Van

Lahat naman kami ay tumahimik at tiningnan si Jollo.

"Oo"
"Seryoso ka? Hindi ka talaga nabibigla?" si Wein

Tumango naman si Jollo.

"Kay Zelyn ba talaga? Baka naman trip ‘yan?" si Lhea

Napansin ko naman na pinagpapawisan na si Jollo dahil sa mapangahas na tanong ng mga kaibigan ko.

"Ako yong nagti-text sa kanya lagi." si Jollo

Napunta naman ang lahat ng atensyon namin sa reaksyon ni Zelyn.

"Wala kang kinikwento sa amin Zelyn, may katext ka pala." si Lhea
"Wala naman akong load kaya hindi ko siya nirereplyan." paliwanag ni Zelyn.

Kinikilig talaga ako sa kanilang dalawa.

"Yey! May JoZelyn na tayong loveteam simula ngayon." hyper na sabi ni Wein with palakpak pa.
"JoZelyn? Kapangalan ng yaya ko." sabat ko habang tumatawa.
"Nag-salita ang ChaDie!" sabat naman ni Charity
"Ano?"
"Chase and Indie equals ChaDie."

Napa-isip naman ako sa ChaDie na yan. Hindi ba pangalan iyon ng aso ni Chase? Ibig ba sabihin, sinadya niya talaga ipangalan yon sa aso niya?

"O bakit parang bigla nagpuso-puso ang mga mata mo diyan?"

"Wala lang." sabi ko ng kinikilig na tono.

Oh my Chase, bakit ba ang slow ko sa ChaDie na yon. Wala na, baliw na naman ako.

Narinig ko naman ang biglang pag-ring ng phone ko saka sinagot yon.

"Hello?" masungit kong sagot sa kabilang linya

"Where are you, may review tayo right?" bigla naman ako napatingin sa phone pero unknown number yon.
"Chase?"
"Library!" sabay end ng call

Si Chase nga siguro yon. Library daw kasi. Iyon lang naman ang aming dating place kaya malamang siya na yon. Madali naman akong agpaalam naman sa mga kaibigan ko at dumiretso sa library. Mabilis ko naman siyang nakita, kaya napa-upo ako sa tabi niya.

"Sorry, nalimutan ko." Napakamot pa ako sa ulo.
"Answer those!" sabay abot niya sa’kin ng isang papel

Nag-aral naman ako kagabi kaya alam ko ito. Actually, mas nag-a-advance study pa kaya ako para lang sa lesson namin ni Chase, kaysa sa mismong lesson ng mga real teacher ko.

"Chase, kamusta pala si Chadie? Kinikilig na naman ako kapag nababanggit ko ang ChaDie.

Chadie! Chadie! Chadie!

"Bakit mo naman natanong?" plain niyang saad.
"Wala lang"

Nagsusungit na naman siya. Kaya lalo akong naiinlove nyan sa kanya.

"Hes fine."

Nahiya na akong muli pang magtanong kaya ibinalik ko na lang ang focus ko sa pagsasagot, nang maya-maya may nagtext sa akin. Hindi ko na sana papansinin, ang kaso nagba-vibrate ang phone ko sa paulit-ulit na text na narereceive ko.

Superman:
Lunchtime.  Kain ka na Inds.

Ang kulit ng isang ito. Mabait naman si Ace, sobrang caring. Panay ang text niyan sa akin, kahit minsan ko lang siya replyan. Sinabi ko naman sa inyo, wala akong pakialam sa phone ko.

Nireplyan ko naman siya, at bumalik ulit sa pagsasagot.

Superman:
Pupunta ulit ako dyan sa labas ng school n’yo mamaya, sana hindi mo na kasama si masungit mong friend.

Superman:
Alam mo ba kung bakit S ang nasa damit ni Superman?

Nireplyan ko naman siya ng Bakit? dahil doon.

Superman:
Kasi hindi medium.

Bahagya naman akong napangiti sa joke niyang yon. Rereplyan ko sana siya ulit nang biglang may kumuha sa phone ko, at si Chase pala.

"Mamaya na ang pakikipaglandian, pwede?"
"Hindi ako malandi ah!"
"So anong tawag mo sa babaeng kilig na kilig sa katext nya?"

Fine! Alam ko masungit siya, pero nakakapikon kasi. Minsan ang mga sinasabi nya ay nakakasakit na.

"Sa bahay ko na lang sasagutan ito. Ill go ahead." Inayos ko naman na ang gamit ko at kinuha ang phone ko sa kaniya.

I dont know why, basta naiinis lang ako. Ganoon ba ako sa tingin niya? Akala ko nga mag-so-sorry siya pero akala ko lang yon, hinayaan lang nya akong makaalis.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon