"Ang sarap mo talaga mag-bake, Inds!"Masayang wika ni Charity habang abala sa pagkain ng paninda namin.
CampustFest Day 01 ngayon at opening ng booth. Sana maibenta ko ang lahat ng cookies at cupcakes.
"Akala ko ba tinulungan ka ni Chase dito?" --Van
"Oo, tumulong naman siya." Pagkukunwari kong saad. After noong kahapon na umuwi si Ace, umuwi na din si Chase. Ang resulta, ako lang lahat nagbake nito.
"Nasaan siya? Dapat tinutulungan ka din niya magbenta dito para maraming bumili!"--Lhea
"Hindi ko alam. Wait lang at itetext ko!" sabay kuha ko ng phone at itetext na siya ng dumating naman si Zelyn.
"I saw your prince charming, nasa marriage booth with Ashley Nicole!"
"Ano?" silang lima na mukhang O.A pa sakin mag-react
"Ang bruhang Ashley na iyon pinilit na naman siguro si Chase!"--Jishin
"Tara mag-objection your honor tayo!"--Wein
"Wala sila sa court baby Weinschelle, marriage booth nga!"--Lhea
"Tara Inday, pigilan natin ang kasalan bago pa mahuli ang lahat!"--Charity
Totoo ba?
Sila ba talaga mga kaibigan ko?
Sabagay mukha naman talaga silang may sayad sa pag-react."Kung pinilit lang si Chase, aayaw iyon ng kusa!"--Ako
Tama! Bakit naman kasi gagawin ni Chase ang isang bagay na ayaw niya at imposibleng mangyari?
"Inds kasi, ano" si Zelyn na pasuspense pa ang sinasabi
"Si Chase kasi mismo iyong nagpropose kanina kay Ashley kung pwede na pakasal sila sa Marriage booth"--Zelyn
Para namang bumagsak ang buong katawan ko. Para bang umalis bigla ang kaluluwa ko sa katawan ko at naglakbay sa kung saan.
Bakit? Paano? Pero sige na, posible naman talaga na gawin ni Chase iyon. After all, maganda si Ashley Nicole compare sakin. Sikat at Sexy pa. Pero bakit parang nakakapagtaka naman! Bakit parang nakakabigla.
Pinabantayan ko naman sa isa naming kaklase ang booth at saka nagtungo sa nasabing magaganap na kasalan. Oo hindi ako O.A para umiyak ngayon, dahil alam ko na fake naman ang kasalan na mangyayari dahil isang hamak na estudyante lamang ang magkakasal sa kanila. Pero bakit noong makita ko na para bang totoong-totoo ang lahat. Para bang ang saya nila tingnan. Alam ko bagay sila, maganda at gwapo. Pero bakit si Ashley pa, Chase? Seryoso ka ba?
Maraming estudyante ang nandito ngayon para saksihan ang pag-iisang dib-dib kuno nina Chase at Ashley. Nandito lang kami sa hindi naman medyo kalayuan na pwesto kasama ng mga kaibigan ko. Nandiyan lang daw sila sa oras na mawalan na ako ng malay. Baliw talaga sila.
Sa ngayon, maraming naiinggit at nai-insecure na babae. Na sana sila daw iyong kasama ni Chase ngayon at hindi si Ashley. Isa rin ako doon. Aaminin ko, nasasaktan ako.
"Chase Vergara, do you take Ashley Nicole Dy to be your lawful-wedded wife in sickness and in health till death do you part?"
Para namang tumigil ang mundo ko at tanging ang sagot niya ang hinihintay ko.
"I do!"
Seryoso ka nga.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...