Matapos ng pag-anunsyo ng nanalo, mabilis naman akong pumunta sa backstage para i-congrats sana siya. Feeling ko talaga close kami kahit hindi naman.
"Chase." tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang papasok ng dressing room.
Natuwa naman ako ng lumingon siya ng hindi ko inaasahan. Kinakabahan akong lumalakad papalit sa kaniya, pero nagulat ako ng may isang babaeng yumakap sa kaniya.
Sino ba siya at parang malapit siya kay Chase upang yakapin din siya nito? Sa dami ng babaeng naghahabol sa kaniya, siya lamang ang pinakitaan niya ng ganiyang intimate reaction. Hindi naman ako magpapaka-plastic para aminin na nasasaktan ako ngayon. Pakiramdam ko, hindi pa nga kami ay tapos na at wala ng pag-asa pa.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Sobrang espesyal kasi ng araw na ito dahil sa birthday ni Chase. Kaya naman maaga akong gumising para mag-bake ng cookies. Best in TLE ako, kaya I know how. Expertise ko ito at sabi ng mama ko maiinlove daw sakin ang kung sino mang makatikim ng cookies ko dahil sa sarap nito.
Excited na akong batiin siya sa personal. Ito ang first attempt ko na kausapin siya kahit na matagal na kaming magkaklase. Nakakatakot kasing i-approach siya dahil bukod sa natutulog lamang siya sa klase ay pangungunahan ka niya ng sungit at tingin na nakakatakot. Hindi naman siya dati ganiyan. Nagbago lamang siya simula noong naghiwalay sila ni Princess.
At kung dati sa tuwing birthday niya ay inilalagay ko lamang sa locker niya ang binibigay kong regalo, ngayon naisipan kong lakasan na ang loob ko dahil sa huling taon na namin ito sa high school.
"Black lady, ibili mo nga ako ng strawberry ice cream sa canteen. Now na." sabay tapon ng one-hundred pesos sa mukha ko. Ashley nicole, ang aga-aga nambibwisit na naman.
Hindi ko siya pinansin, nagdere-deretso lang ako sa paglakad. Hindi naman niya ako katulong para utusan, walang syang pinapasweldo sa’kin. Sa dami ng alipores niya sa likod, hindi na lang iyon ang pabilhin niya.
"Hoy Inday! Bingi ka na ba ngayon? Dont tell me, lumalaban ka na." Hinarang niya pa ang dinaraan ko.
"Saw aka na bas a mga mukhang-asong nakabuntot sayo para ako ang utusan mo?" pagtataray ko din. Tandaan niyo, mabait man ay naiinis din.
"Wow! Do you want me to expel you? As far as you know, alam mo kung ano ang kaya ko sa school na ito."
Ganiyan siya umasta, as if kaniya ang school na ito? Konti na lang talaga isusumbong ko na siya sa DepEd at CHED.
"Ano nga ulit gusto mong kainin? Ililibre na kita." Pagmamabait ko.
At gaya nga ng dati wala pa din akong nagawa para hindi siya sundin. Pumunta akong canteen upang bumili ng strawberry ice cream niya. Ito ba ang umagahan niya? Siya ang weird.
Ibinaba ko muna sa table ang dala-dala kong regalo saka umorder sa counter. Sayang ang oras ko, dapat nagre-rehearse na ako ng mga linya para sa pag-uusap namin ni Chase mamaya.
"Girls, sino ba ‘yang kasama ni Chase? Transferee ba?" narinig kong tanong ni Ashley sa mga alipores niya, kaya naman napalingon ako sa direksyon na tinitingnan nila.
Siya yong babaeng kayakap niya kagabi sa backstage. Close pala talaga sila? Sino ba siya? Ngayon ko lang siya nakita dito. And then I realized, madadagdagan na naman ng bagong dyosa ang makakalaban ko kay Chase.
Matapos kong ibigay ang binili kong ice cream kay Ashley ay nagderetso na ako sa classroom.
"Oy Ind's mukhang masarap yan, pahingi naman." Si Lhea na muntik nang makuha ang precious cookies ko.
"Hindi pwede! Para kay Chase to." bulong ko sa kaniya.
"Parang babawas lang namang ng isa." Pa-cute niya pang sabi na kunwari nagtatampo. Hindi niya ako madadaan sa ganiyan.
Pumasok naman si Chase sa classroom at nagsimula na naman umingay ang silid. Halos pare-pareho ang mga bulong nila kung sino nga ba ang babaeng kasama niya.
"Nath, dito may vacant pa." saad ni Chase. Sa katabing pwesto niya iyon.
Napansin kong ngumiti naman ang dalaga saka umupo na. napakahinhin niya na dinaig pa si Charity.
Nath? Sino ka ba talaga sa buhay ni Chase?
Bagong kaagaw na naman ba kita sa kaniya ?
Bumaba na naman tuloy lalo ang self-confidence ko na mapansin pa ako ni Chase dahil sa kaniya. Bakit ba kasi may nag-e-exist na magandang tulad niya?Uwian na at matatapos na lang ang espesyal na araw na ito ngunit hindi ko pa din nabibigay kay Chase ang regalo ko.
"Mapapanis na lang ‘yan, hindi mo pa din binibigay. Kainin na lang kasi natin yan." si Jishin na kanina pa pinagnanasaan ang dala ko.
"Hindi naman basta-basta napapanis ang cookies. Aamagin lang ito." Paliwanag ko pa.
"Alas-singko na po ng hapon, te. Tayo na nga lang ata naiwang estudyante dito sa school." sabat naman ni Charity.Ano ba kasing gagawin ko? Kinakabahan na naman ako sa plano kong ibigay pa ito sa kaniya ng personal. Iiwan ko na lang ba ulit sa locker noya itong regalo ko?
"Ano bang sasabihin ko? Paano?"
"Sabihin mo lang HBD, ito regalo ko. Tapos!" suggest ni Van
MBTC. God Bless naman para medyo mahaba. Dagdag pa ni Lhea.
"Walang effort. Sabihin mo, Happy kaarawan. How old are you?" si Weinschelle na sumayaw pa.Kaibigan ko talaga sila, no doubt. Mapapa-face-palm ka na lang dahil sa mga suggestion nila.
"Mauuna na kami para walang istorbo. Kaya mo iyan." paalam nila
Fighting. Aja. Go Girl.
Kapag na-reject ka, huling paghahabol mo na yan ha. Gumising ka na sa ilusyon mo. Bilin ni Van.Napaka-supportive talaga nila, iniwan nila ako mag-isa. Kinuha ko naman ang hairpin ko at pilit kong inumpisang buksan ang locker ni Chase. Sanay na ako dito. Three years ba naman na ganito lagi ang ginagawa ko kapag nag-iiwan ng regalo sa kaniya. Yong buong magdamag kong nirehearse na sasabihin para kay Chase ay nawala na. Hindi ko talaga kayang kausapin siya. Kaya gaya ng dati, iiwan ko na lang dito ang regalo ko. Bahala na kung hindi niya alam kung kanino ito galling. Kahit pa hindi niya ito kainin o itapon na lang atleast naibigay ko.
"Bakit ba ang hirap buksan nito ngayon?" bulong ko sa sarili ko.
"What are you doing?"Napalingon naman ako dahil sa boses ng isang lalaki nasa likuran ko. Napalunok at pinagpawisan naman ako ng malamig ng malaman kong nasa harapan ko si Chase.
"Ah ano kasi. Ano . Ganito kasi." Nauutal kong tugon.
"Happy Birthday, Chase!" sabay abot ko sa kaniya nang regalo ko at mabilis na tumakbo papalayo.
Takbo lang ako ng takbo. Nakakahiya na halos gusto ko ng maglaho sa mundo. Baka kung ano ang iniisip niya ngayon. Baka pagkamalan niyang stalker ako dahil binubuksan ko ang locker niya. Which is kalahating totoo naman yon.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...