Chapter 20

1.4K 107 2
                                    

Day02 ng event at Contest proper. Sila lang ang abala dahil may sasalihan silang contest. Habang ako ay tamang audience na lang.

Naglalakad ako papuntang classroom nang makasalubong ko si Chase. Pesteng puso ko bumilis na naman ang tibok! Tiningnan ko lang siya at gusto ko siyang maka-usap. Gusto ko lang talaga itanong kung anong nangyayari sa kaniya? Baka naman may problema siya o kung ano man. Basta gusto ko siya makausap.

"Ah Chase----" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang lampasan niya ako na parang hindi man lang niya napansin.

Bakit ganoon?
Galit ba sya sa akin?
Kung si Ashley naman ang gusto niya, matatanggap ko naman. Ano nga bang karapatan ko para komontra diba?

"Chase!" Tinawag ko ulit siya, pero hindi pa din  siya lumingon at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Bingi na ba siya? O sadyang ayaw lang niya ako makausap?

Balik na naman ba tayo sa dati? Invisible na naman ako sayo. Ang sakit mo lang talaga mang-reject!

Hindi na ako tumuloy papunta sa room, wala namang klase puro mga classmates ko lang na nagpa-practice ang nandoon. Isa pa baka magkita kami ni Chase doon mamaya, gusto ko muna umiwas. Kung iniiwasan niya ako, iiwas din ako. Kaya naman tumambay na lang ako dito sa likod ng school. Busy din ang mga kaibigan ko, may kanya-kanya kasi silang sinalihan na contest. Loner tuloy ako.

Isinandal ko naman ang ulo ko sa bench, gusto ko magrelax. Alam niyo 'yong feeling na gusto mong umiyak pero walang luha ang tumutulo sa mata mo? Nakakainis kasi gusto ko mawala iyong bigat sa dibdib na nararamdaman ko pero hindi ko mailabas kasi ayaw makipag-cooperate ng mga luha ko.

"Atchingg!" napa-ayos naman ako ng upo ng marinig ko ang pagbahing na iyon medyo malapit sa pwesto ko. May tao dito bukod sakin.

"Sinong nandiyan?" tanong ko

"Atchingg!" isang bahing lang muli ang narinig ko. Napatayo na ako sa pwesto ko at pinuntahan ang pinagmumulan ng ingay na 'yon.

"Nathalie?" Napalingon naman siya sakin at kitang-kita ko kung gaano siya namumutla.

"Indie!" Pilit niyang pag-ngiti. Ang ganda lang talaga niya. Lumapit naman ako sa pwesto niya  at umupo sa doon.

"Okay ka lang ba?"

"Yep. Allergy lang ito! Achingg!" Kahit sa pagbahing lang ang ganda niya pa din.

Tara na kaya sa clinic, baka kung ano na 'yan."

"Chase is right, caring ka nga!"

Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Sinabi niya yon?"

"Yep! Ikaw nga lagi kine-kwento niya. I'm starting to get jealous na nga sa’yo, kasi kapag magkasama kami ikaw lagi ang topic!"

Hindi naman siguro ako nabibingi diba?

"Just trust him, Inds!"

"Huh?"

"Nothing! Basta tru--- achingg!"

"Sure ka na okay ka talaga?"

"Yep, ganito lang ako. Kailangan ko lang ng fresh air, that's why I'm here!"

Mukha namang mabait itong si Nathalie. Infact ang gaan niyang kausap, para bang pakiramdam ko close agad kami. May ganoong feeling naman diba.

-00000-
"Kaya mo iyan, Char! Basagin mo ang lahat ng pwedeng mabasag dito sa gym!" si Jishin

"Okay lang sa  amin kahit hindi ka manalo, basta nakakanta ka lang!" si Wein

"Good luck Charity!" si Lhea

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon