CHASE's POV
Did you miss me? Alam ko lahat kayo nagagalit o kaya nagtataka dahil sa ginagawa kong pag-iwas kay Indie though I admit I love her. I mean it really.
It hurts every time I ignore her by chance. It hurts more every time I saw her with another guy, particularly with Ace. The thing about the wedding with Ashley is real and Im damn serious about it. I asked her to marry me(Fake marriage). Siya lang kasi nakikita kong paraan upang iwasan si Indie.
Kahit anong pilit ko naman, hindi pa din pwede kasi pinsan ko siya. Umiiwas ako kasi ayokong malaman niyang mahal ko siya. Ayokong maguluhan siya. Ayoko kasi baka mahirapan siya. I want her to be happy. To experience love in a normal way with a normal guy.
I thought that I will forget her by means of ignoring her, but it turns out of loving her even more.
"Nath, kausapin mo naman ako."
"What now, Chase? Naiintindihan naman kita, pero babae din ako, alam ko nahihirapan si Indie!"
"I know!"
"You need to talk!"
Buti na lang talaga, Nathalie is there upang payuhan at kausapin ako. Kasi kung wala malamang sa malamang nabaliw na ako.
"Talk to her Chase, alam ko maiintindihan ka niya."
"Nath kasi paano kung---"
"What if what? What if pagtawanan niya feelings mo? What if he rejected you? Pero what if mahal ka din niya?"
Napaisip naman ako sa sinabi nya.
"Bestfriend kita, and as your bestfriend. I care for you. Ayaw kitang nakikitang ganiyan. Ayaw kitang ulit makitang nahihirapan."
"Anong gagawin ko?"
"Tell her what you feel. Tell her anything. Tell her you love her!"
"Hindi ba dapat pinipigilan mo ako kasi pinsan ko siya?"
"I don’t see any problem with that. Kung saan ka sasaya, doon ka, as long as wala kayong sinasaktan."
Para naman akong naliwanagan sa sinabi niya. Oo nga naman, saka ko na lang poproblemahin ang cousin-issue namin. Mamahalin ko na lang muna siya. Susundin ko muna tinitibok ng puso ko. Kahit bawal at pakiramdam ko hindi naman kami magtatagal.
Noong araw din na yon, hinanap ko siya. At sakto lang kasi nakita ko siyang nakaupo sa corridor. Umiiyak ba siya? Is it because of Ashley o is it because of me?
Lumapit ako sa kaniya at hinarang naman niya ako.
Kinakabahan ako.
Sasabihin ko na ba sa kaniya?
Nakakainis dahil bakit parang natorpe ako.Bigla na lang parang nawala ako sa sarili ng yakapin niya ako at halikan.
Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa kwarto ko. Napatingin ako sa orasan at alas-diyes na pala ng gabi. Hindi ako mapakali. Bakit ba kasi nyia ginawa yon?
Para naman akong bakla kung magreact sa nangyari pero nagulat lang talaga ako.
Naguluhan tuloy ako kung mahal niya ba ako o gumanti lang talaga siya kay Ashley? Hindi ko alam. Bahala na.
Kinuha ko ang phone ko saka pinag-isipang tawagan siya. Pero asa pa ako, ang babaeng yon pa, tulog na yon panigurado.
So I just texted her.
[Usap tayo bukas. Sa may park after class. Goodnight.]
May pakialam naman siguro siya sa cellphone niya at nabasa niya yon. Sana naman pumunta siya
Sana. Sana kasi magtatapat na talaga ako.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Fiksi RemajaKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...