"So how was the party dear?" tanong ni Lhea.
Nandito kami sa ilalim ng puno sa may quadrangle. Hilig namin tumambay dito kapag walang klase. At ngayon ngay kasalukuyang gumagawa ng assignments. Scratch that, nangongopya lang pala kami kay Zelyn.
"Sa tingin ko kailangan ko na talagang magmove-on" Malungkot kong sambit.
"Talaga ba?" they all said in chorus.
"Buti naman natauhan ka na, te!" dagdag pa ni Van.Bakit ba hindi ko kailanman nalaman na magpinsan pala kami? Actually, fourth generation naman na kaya pwede pa din, pero syempre magpinsan pa din kami. Ibig sabihin, matagal na pala akong baliw sa bawal na pag-ibig?
Bumalik na kaming pito sa classroom dahil sa natapos na ang vacant. At as usual trending na naman ang entrance namin. Ang gaganda lang talaga namin, kaya yong mga mata nila ay nanlilisik na naman.
Napansin ko naman iyong Nath na nakaupo na sa katabing pwesto ni Chase. Pinangarap ko na makaupo sa pwesto na yon. Bakit ba may mga taong swerte sa buhay?"Himala late si Chase." narinig kong bulong nang isa sa mga alipores ni Ashley Nicole.
Dumating na yong Math teacher namin at nag-start na siyang mag-discuss ng mga alien words. Favorite subject ko na naman ang klase. Favorite kong ibagsak. Sumasakit na naman ang ulo ko. Bakit wala ako maintindihan sa mga sinasabi niya? Magpapaturo na lang muli ako kay Zelyn mamaya.
Napansin kong wala pa din siya. Bakit hindi siya pumasok? Baka nagkasakit na siya? Heto na naman ako at nag-aalala ng sobra. Hindi bat dapat move-on na? Bawal nga diba.
Kinuha ko na lang ang notebook at ballpen ko at doon namalayan ko na lang na enjoy na enjoy ako sa pagdo-doodle ng pangalan niya. Minsan talaga ang hirap kontrolin ng pag-iisip mo ang katawan mo. Papaano ba ako makakamove-on?
"Mam, excuse me po. I just need to borrow the time of Ms. Geron." masyadong bumilis ang pangyayari at ang tanging alam ko na lang ay may isang lalaking nagpahinto ng klase at hawak-hawak n’ya ngayon ang kamay ko.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang hila-hila n’ya pa din ako.
"Inutusan ako ni Tita. Just walk!" sabay bitaw niya sa kamay ko ng makalabas na kami ng classroom.
"Sinong tita?"
"Ang mommy mo." Plain niyang sagot.Gaya nga ng sinabi nya, sumunod na lang ako ng matahimik. Nasa likuran n’ya ako habang naglalakad. Seriously, ayaw nya akong kasabay sa paglalakad, gusto n’ya sa likuran lang talaga nya ako?
"Heto na lang kaya?" sabi ko pero wala pa din siyang reaksyon.
Nasaan kami?
Heto nagde-date sa mall. Nagcutting-class ako at umabsent naman siya para lang sa date na ito. Si Chase talaga ang sweet. Nag-iilusyon na naman ako."This one, okay na ba?" sabi ko ulit pero wala pa din siyang reaksyon.
Pang-ilang damit na ba ang naisukat ko dito, pero bakit wala pa din syang nagugustuhan? Pinapagod lang ata nya ako magbihis dito sa wala.
"Try that one!" plain lang nyang sabi, habang nakaturo sa isang navy blue dress na nasa tabi ko.
"Ayoko niyan, hindi ‘yan black."
"Just try it!"Para naman akong na-hypnotized sa napakaganda n’yang boses kaya bigla ako napapasok sa fitting room at infairness maganda din naman pala ang navy blue na damit na ito. Kaso di naman bagay sa’kin.
Lumabas ako ng fitting room at tiningnan lang n’ya ako ng walang reaksyon at ka-emo-emosyon.
"Okay na yan." sabi n’ya matapos ay nagbayad na sa cashier. Baka mukha akong ewan dito sa damit na suot ko.
Sunod naming pinuntahan ang isang salon na kaagad naman n’ya akong pinaupo at ang mga bakla ay ayan at kung ano-ano na ang pinaglalagay sa mukha ko.
Kahit na hindi ko alam kung para saan ito ay hala sige. Okay lang basta kasama ko si Chase. Bukas na lang pala ako magmomove-on. Pagbigyan nyo na, ito ang aming first date.
Natapos ang halos ilang oras na pag-aayos sa akin ay heto at may igaganda pa pala ako. Kinulayan lang nila ang buhok ko ng light brown at saka binawasan iyon ng kaunti. Then light make-up. At hola! Say what to the beautiful me?
Napansin ko na din na nakabihis na si Chase. He's wearing a black tux na lalong nagpalitaw ng kagwapuhan niya. Si mommy talaga kung ano man ang pumasok sa kokote ay ang galling-galing. Ito na ang precious and unforgettable day ever ko. Dear diary humanda ka mamaya pag-uwi ko.
Sunod naman naming pinuntahan ang isang hotel at hindi niya pa din ako kinakausap. Mahilig ba talaga siya sa silent date?
"Wow, ang ganda ng baby ko." sabay beso ni mommy sa magkabila kong pisngi.
"Ano bang meron, mom?" bulong ko sa kaniya.
"Just act like normal." bulong din nya. Ano bang akala ng mommy ko, isa akong abnormal?
"Chase, hijo. Salamat ng marami at sinamahan mo ang anak ko."Napansin ko naman na ngumiti si Chase kay mommy bilang tugon. Buti pa kay mom, nag-smile sya tapos sa akin puro sungit.
Nagsimula ang so-called party dito at event lang pala ito ni mommy. At syempre dahil isa syang sikat na magazine editor para sa teens ay pinakilala n’ya ako sa mga press. Finally, naging proud din s’yang anak n’ya ako. Kaya pala act like normal ang bilin niya.
Music starts at masaya naman sila sa party habang ako ay abala sa pagkain. Ganoon din lang naman ang kasama kong si Chase. Wala talaga siyang balak kausapin ako.
Nagulat ako naman ako ng may isang lalaki ang lumapit sa akin and ask me to dance. Napatingin tuloy ako kay mommy, kung ano ang gagawin ko and she just said Go ahead.
Nilingon ko din si Chase pero wala pa din siyang reaksyon. Umasa naman akong mayroon, hindi ba?
Kaya naman sumama ako sa kaniya sa may dance floor. Gwapo at matangkad naman siya. Siguro ay isa siya sa mga modelo nina mommy. Nagsayaw lang kami ng sweet. He place his both hands sa waist ko, and he placed mine sa balikat niya.
"Im Jake." pagpapakilala niya.
"Indie" plain kong sagot.Hindi ko naman maiwasang lumingon sa pwesto ni Chase ngunit patuloy lang ito sa pagiging pokerface. Pangarap kong makasayaw siya.
Maya-maya naramdaman ko na lang na para bang bumababa ang kamay ng kapareha ko sa may bandang pwetan ko. Teka, pervert ata itong Jake na ito ah.
Magrereklamo na sana ako nang,
"Hindi naman ata ganiyan ang tamang pagsasayaw." inalis ni Chase ang halos nasa may pwetan ko ng kamay ni Jake.
"Partner ko siya dude kaya bawal mangialam. Mind your own."
"Boyfriend naman nya ako!"Boyfriend? Boyfriend daw ba?
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Novela JuvenilKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...