"Oh my baby Chase, we love you."
"Akin ka na lang, Chase."
Nakakabingi ang mga hiyawan nila. At nakakainis lang dahil pagdating sa kaniya ang dami ko talagang kaagaw.
Nandito nga pala kami sa plaza, nanunuod ng dance contest at kasalukuyang grupo nina Chase ang sumasayaw. Matagal-tagal din akong hindi nakanuod ng ganito. Si Chase kasi ay ngayon na lang muli sumayaw.
"Indie, nainlove ka na naman diyan." Bulong ni Jishin sa kanang tainga ko.
"Syempre! "sigaw ko naman. Kasabay pa non ang pagtaas ko sa ginawa kong placard na may nakasulat na Chase, IMISSYOU.”Tinulungan naman nila ako sa paggawa n’yang kabaliwan na ‘yan, especially si Charity.
"Nakakahiya ka talaga Inday! Ibaba mo na nga iyan. Hindi ka naman papansinin niyan. Mapapaos ka lang kakasigaw." Here comes the bitter queen.
Pero hindi ko siya pinansin. Mas lalo ko pang iwinagayway ang placard na hawak ko. Mukha na ata ako round girl dito pero wala akong pakialam.
Napakagwapo niya talaga. Siya ang Adonis ng buhay ko. Matangkad at may pagkagangster-look. Siya nga ang dahilan why I love black, dahil favorite color din nya iyon. Pero may pagkamisteryoso siya, especially pagdating sa pamilya niya. Ang tanging alam lang ng lahat ay isa pa lang ang nagiging girlfriend niya. Since first year high school ako noong naging crush ko na siya. Hanggang ngayong fourth year na ako ay sa kaniya pa din umiikot ang mundo ko. Sana pansinin na niya ako.
"Bakit ba kasi nanuod pa tayo ay alam naman na natin kung sino ang mananalo?" ang tinatamad na sabi ni Zelyn.
"Guys were here to support Chase. Huwag KJ!" sabi ko naman.Huwag naman puro Chase guys, pakita naman kayo ng konting support sa boyfriend kong si Paul. Nakakapagtampo na ha. Sabat ni Lhea na kasalukuyang nag-vi-video ng kaganapan ngayon. Bukod kasi sa pamilya, samin na kaibigan niya at kay Paul ay sa social media umiikot ang mundo niya. Isang araw lamang siya na hindi makapagpost, status o tweet ay parang mamamatay na siya.
Natapos ang palabas at kailangan pa bang itanong kung sino ang nanalo? Syempre sina Chase. Comeback niya kaya iyon kaya dapat lang na sila talaga ang manalo. So admirer here.
-000000-
CHASE'S POV"We love you, Chase."
"Akin ka na lang, Chase."Sanay na ako sa hiyawan nilang ganiyan. Bakit ba sila nag-aaksya ng boses sa’kin? Alam naman nilang wala akong pakialam sa kanila. Wala na akong pakialam sa babaeng mga tulad nila. Wala na. Wala na muna. Ayoko na magmahal. Ayoko muna. Hindi ko pa kayang palitan siya sa puso ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagsasayaw at aaminin kong namiss ko ang ganitong pakiramdam. Kakaibang fulfillment talaga ang naidudulot ng pagsasayaw sa buhay ko.
Habang nagsasayaw, napanasin ko ang isang babaeng mukhang ewan na may hawak na placard. CHASE,IMISSYOU.”
Shes a total kooky. Sana alam niya ang ginagawa niyang iyan.
Tulad ng dati, kami pa din ang nag-champion. Masaya ako kasi parang walang nagbago simula noong tumigil ako sa pagsayaw. Masaya ako dahil kaya ko pa din palang muling magperform.
Matapos ng announcement ng nanalo, dumiretso na ako sa backstage upang kunin ang naiwan kong gamit doon.
"Chase!" lumingon naman ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Ang boses na matagal ko ng hindi narinig.
"Nath." Saad ko sabay yakap niya sa’kin.
"Congrats Chase. Im so proud of you. Sabi ko sayo makakabalik ka din sa pagsayaw."
Kailan pa siya umuwi galing Thailand?
Namiss ko ang babaeng ito ng sobra.
Kaya naman naiyakap ko na lang din siya ng mahigpit.
![](https://img.wattpad.com/cover/25737930-288-k995240.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...