Chapter 36

1.1K 85 1
                                    

Kinabukasan, madali akong pumunta sa hospital para madalaw muli si Chase. Ngunit, laking-gulat ko pagbukas ko sa ward niya ay iba ang nakahigang pasyente doon. Napalabas tuloy agad ako at tiningnan kung anong room ang napasok ko. Pero room 303 naman. Naasan na si Chase?

"Nurse, nasaan yong naka-confine sa room 303?"

"Ay mam, umalis na po sila kani-kanina lang."

"Ah, bakit? Okay na ba si Chase?"

"Mam, kasi po ano" Pagputol pa ng nurse sa kaniyang sasabihin dahilan upang lalo akong kabahan.

"Mas lalo po kasi lumala ang condition niya dahil po sa paglabas niya kagabi para i-surprise kayo. Nalaman ng mommy niya na tumulong pa kaming nurse sa kalokohan niyang yon, kaya nagalit. Balita ko po baka ilipat lang siya sa ibang hospital!"

"Alam mo ba kung saang hospital?"

"Pasensiya na po, mam. Hindi po."

Bakit naman kasi naisip niya pang gawin yon kagabi? Bigla akong nainis  sa sarili ko. Kapag may nangyari kay Chase, hindi ko alam ang gagawin.

Sinubukan ko namang tawagan si Nathalie, kasi baka alam naman niya.

"Nath? Hello, si Indie ‘to. Alam mo ba kung nasaan si Chase?"

["Nathalie? Sino na naman yan?"] Narinig kong boses sa kabilang linya.

["Ah tita kasi...]

["Kapag ‘yan ay si Indie na naman, hayaan mo na , okay?"]

Nagsimula namang tumulo ang luha ko dahil sa narinig kong yon. Ang akala ko, okay na tayo sa pamilya mo. Tanggap na nila ang relasyon natin. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Akala ko pagiging magpinsan lang ang magiging hadlang, ngayon ay pati ang sakit mo ay pilit kang inilalayo sakin. Pakiramdam ko balik na naman kami sa dati ni Chase. You and me against the world na naman ang drama namin.

"Oy Problema mo?" pagpansin sakin ni Lhea

"Si Chase kasi"

"Huh? Bakit anong nangyari kay Chase?"

"Hindi ko alam pero pakiramdam ko nilalayo na naman siya sakin."

"Akala ko ba okay na kayo?"

"Hey, Indie!"  Napalingon naman kami dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan kong yon at si Ashley Nicole pala, na kasalukuyang papalapit sa pwesto ko.

"Totoo ba ang narinig ko? Chase is sick?" Damang-dama ko naman sa boses niya ang pag-aalala

"Kanino mo naman nalaman ‘yan?"

"Is it still important? So ano nga?"

Napatango na lang ako bilang tugon. Hindi ko pa din kayang aminin sa iba na may sakit si Chase. Hanggang ngayon nga, ni hindi ko pa din matanggap sa sarili ko. Napakabata niya pa para magkaroon ng sakit na ganoon.

"How bad?" Napaupo naman si Ashley sa tabi ko. Alam ko naman na mahalaga rin si Chase sa kaniya, at tulad ko nag-aalala rin siya.

"Nasaan siya? I wanna see him!" Dagdag niya pa.

"Hindi ko alam. Ewan ko!"

"Huwag ka ngang maging madamot Indie! Hindi lang naman ikaw ang nagmamahal sa kanya dito ah."

"Inds, si Nathalie tumawag!" Lahat naman kami ay napatingin sa bagong dating na si Zelyn.

"Binigay niya yong address ng hospital. Pupunta ka ba?"

Napatingin naman sa’kin si Ashley Nicole ng masama saka kinuha ang phone ni Zelyn at umalis.

"Ay bakit mo binigay?" Pagsigaw ni Wein

"Hindi ko po binigay, kinuha niya kaya!"

Tumawag si Nathalie para ibigay ang address? Sana okay lang si Chase. Tinawagan ko naman agad si Nath saka hiningi na lang muli yong address at madaling magpunta doon kasama ang kaibigan ko.

Pagkapasok namin, nakita kong nandoon na si Ashley Nicole. Nilapitan agad ako ni Nathalie para yakapin. Bakit ba parang kinakabahan ako sa drama nilang iyan ngayon. Please dont tell me na may masamang nangyari.

"The doctor said, wala ng pag-asa!"--Nathalie

Bigla na lang nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo. Ngayon ko lang naramdaman ang kawalan nila ng pag-asa! Ngayon lang! Bakit ba ngayon pa sila naging mahina, kung kailan lalo na at kailangan ni Chase ng lakas ng loob?

Napansin ko si tita Chona at si tito Rudy na naka-upo lang malapit sa kama ni Chase. Samantalang si Chase, tulog na tulog at walang malay.

Alam kong mas lalong lumala ang kalagayan niya. Sa hitsura niya ngayon, ibang-ibang Chase ang makikita mo. Nilamon na ng sakit ang maganda niyang katawan. Kung pwede ko lang ibigay lahat ng dugo ko sa kanya para hindi na siya maging maputla ngayon ay ginawa ko na. Naiiyak ako, pero pinipigilan ko. Gusto kong maging matatag. Ako ay hindi.

"Tita, may friend po ang daddy ko sa states na magaling na doctor. Pwede natin dalhin si Chase doon!"--Ashley

"Ang sabi ng doctor, baka hindi na kayanin ng katawan niyang mag-byahe."

"Indie?" Lahat naman kami ay nagulat dahil sa mahinang pagtawag ni Chase sa pangalan ko.

Napalapit ako sa kaniya saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang unang tao na hinahanap nya." Naramdaman ko na lang ang pag-akbay ng daddy niya sakin.

"Indie?" Ang boses niyang nanghihina na pero pilit pa rin tinatawag ang pangalan ko.

"Chase, nandito lang ako." Bulong ko sa kanang tainga niya.

"Date tayo" Nagulat naman ako dahil sa hindi ko alam kung tanong ba yan o utos niya.

"Huh?"

"Sabi ko, date tayo!" Mahina lang niyang sabi pero dinig yon ng lahat ng nandito sa kwarto.

"Chase, anak.  Nandyan ka na naman. Mapapahamak ka sa ginagawa mong kalokohan!"--Tita Chona

"Mom, please! Last na ito!"

-000000-
"Ang sarap talaga ng cookies na gawa mo!",si Chase habang nilalantakan ang cookies na gawa ko para sa kaniya

Nandito kami sa may school ground kung saan para bang dito na rin nagsimula ang lovestory namin. Dito ako lagi nagdedaydream na sana may forever kami.

Wala na din naman magawa ang family ni Chase para pigilan siya sa gusto niya. Isa pa, nakipagkasundo rin ako sa mommy ni Chase na after nito ay hindi na ako magpapakita sa anak niya. Kung ako ang dahilan kung bakit lumala ang condition niya, ako ang lalayo. Gusto pa kitang gumaling, pero habang nasa tabi mo ako at pilit mong ipinaparamdam sakin na malakas ka pa kahit alam kong hindi ay nasasaktan ako.

"Gusto ko araw-araw mo ako ipagbake nito ha!"

Pero sa ngayon, gusto ko lang maging masaya kasama siya. Iyon din lang naman talaga ang gusto niya.

"O bakit ba ang tahimik mo? Pumapangit ka naman ."

"Mahal mo naman." biro ko

"Sobra!"

Humiga siya sa lap ko saka hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yon.

"Anong tingin mo kay Chip?"

"Huh?"

"Alam mo mabait yon si Chip. Loko lang minsan pero mabait yon."

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi yan sakin ngayon. Ano bang gusto niyang iparating?

"Pagod na ako, Indie!"

"Gusto mo umuwi na tayo? Teka papatawag ko na yong driver."

"Say you love me?"

"I love you, Chase." Sabay halik ko sa noo niya.

"Say you love me, my I"

"I love you, my C! Infinity!"

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon