Chapter 12

1.5K 115 6
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa halos hindi na ako natulog. Sobrang sakit ng ulo ko at parang tatamaan na naman ako ng lagnat. Pagkatapos ko magligo at magbihis ay bumaba na ako upang kumain.

"Ang baby ko!" nagulat ako ng bigla akong niyakap ni mommy
"Anong ginagawa mo dito, mom?" Ngayon lang siya muling dumalaw sakin dito sa bahay. Sa ibang bahay kasi si mommy umuwi upang malapit siya sa trabaho niya.
"Sinabi kasi ni Chase sa akin na nakidnapped ka daw noong isang araw. May masakit pa ba sa’yo, anak?"
"Okay lang po ako." sabay punta ko sa kusina para kumuha ng makakain.
"Chase?" Naabutan ko ang isang Chase na kumakain doon.
"Habang wala pa yong body guard na hinahanap ko, siya muna ang magbabantay sayo. Mahirap na, baka may mangyari ulit na masama sayo"
"Mommy, nakakahiya kay Chase."

Naisip ko tutor ko na nga siya, ngayon naman ay magiging body guard ko?

"Don't worry idea naman niya yan."

Idea niya? Gusto niya akong bantayan? Kinilig naman ako ng bahagya.

Tanghali na at katatapos lamang namin kumain ng tumambay kaming muli dito sa may ilalim ng puno sa school.

"Guys, si Jishin ang manlilibre bukas" si Lhea
"Bakit ako? Hindi ba ikaw, Wein? Ako lang noong isang araw." reklamo naman ni Jishin

Humiga na lang ako sa damuhan at saka nag-earphone at pumikit. Inaantok pa din talaga ako.

"Cute ka pala kapag natutulog."

Kaboses ata ni Chase ang mga nasa playlist ko.

"Mahal na mahal kita, Indie!" napamulat ako dahil sa nagsalitang ‘yan at nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa harapan ko si Chase.
"Anong sinabi mo?", nauutal ko pang tanong.
"Walang ulitan sa bingi!" sabi naman niya sabay higa din sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya na nakatitig lang sa kalangitan.
"Sinabi mo bang mahal mo ako? Mahal mo din ako?
"Oo."

Mas nanlaki naman ang mata ko dahil sa ginawa niyang pag-amin. Napansin ko naman ang unti-unti niya pang paglapit sa mukha ko. pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko ng halos tumama na ang ilong niya sa ilong ko. Hanggang sa pumikit na lang ako at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"Hoy babae, uwian na kaya gumising ka na diyan!" Napamulat naman ang mga mata ko dahil sa malakas na sigaw na yon. Nabigla pa ako dahil may isang cute na aso ang dumidila sa pisngi ko.

Anong? Nasaan ang Chase na hinahalikan ako? Daydream na naman ba? Akala ko pa naman kami na.  Ay oo, kami na sa panaginip ko. May forever na nga sana kami kung hindi ako nagising.

Napaupo naman ako at inilayo ko ang aso sa akin. Para kay Chase lang pisngi ko, inabuso nya.

"Nasaan sina Wein, Jishin, Lhea, Charity, Van, at Zelyn?" palingon-lingon ko pang tanong.
"Obviously, umuwi na sila. Hindi ka umattend ng class dahil natutulog ka dito."
“Hindi nila ako ginising kanina pa?"

Napatingin ako sa orasan ko at mag-a-alas-sais na pala. Mga tunay talaga silang kaibigan. Isa kasi sa trip namin ang mang-iwan ng tulog. Ako pa nga ang pasimuno sa gawain na ‘yan dati, at ngayon sa akin nila ginawa.

"Kanino bang aso yan? Ang cute."
"Mine." tipid n’yang sagot sabay upo sa tabi ko at kinarga yong aso.

Hindi ako mahilig sa aso, pero mabilis akong maka-appreciate ng cute dogs o puppies. Kulay black s’ya, as in shiny shimmering splendid ang pagka-itim niya. Pero ang ilong niya ay kulay pink. As Ive said, Im not into dogs kaya hindi ko alam kung ano man ang breed niya.

"Anong pangalan niya?" tanong ko naman
"Chadie"

Chadie? Sounds like daddy. Weird naman ng pangalan ng cute na aso na ito.

"Umuwi na tayo!" Tumayo naman siya kaya napatayo na din ako. Narating namin ang labas ng school ng wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ganoon naman talaga siya. Tahimik masyado.

"Inds!" napalingon naman ako sa tumawag sa’kin at si Ace pala na kumakaway sa kabilang tabi ng kalsada. Ano na naman ang ginagawa n’ya dito?
"Oy Superman!" sabay kaway ko din at nakita ko siyang lumapit sa akin.
"Uuwi ka na? Tara ihahatid na kita."
"Ah kasi.." Lumingon naman ako kay Chase para makita ang reaction niya pero pokerface pa din siya. Hindi naman niya sinabi na ihahatid niya ako diba? Ayoko mag-assume. Pero kasi,

"Ay kasama mo na naman pala ang friend mo. Sige Inds, mauna na ako. Text-text na lang." paalam n’ya sabay paharurot niya ng motor.

At bumalik na naman sa katahimikan ang lahat.

"Sige Chase, may taxi na. Mauuna na ako. Bye Chadie." paalam ko pa sa aso niya.

Binagalan ko naman ang pabukas ng pinto ng taxi, umaasang baka sakaling magbago ang isip niya at ihatid ako. Pero hanggang sa nabuksan ko na ang pinto ng taxi, wala pa din siyang pakialam doon. Kaya sige na, sasakay na ako.

"Ihahatid na kita!"

Para naman akong naistatwa nang marinig kong sabihin niya ‘yan. Lumingon ako sa kaniya ng parang natural lang pero deep inside tumatalon lahat ng lamang loob ko sa katawan.

"Salamat sa paghatid."

Nandito na kami sa tapat ng bahay ko saka inumpisahan ko ng tumalikod sa kaniya upang maglakad papasok. Alam ko naman na pinaninindigan lang niya ang so called body guard ko.

"Wait! Give me your number."

Humarap ulit ako sa kanya at nakita ko siyang inaabot sa akin ang cellphone niya.

"In case of emergency lang." dagdag naman niya.

Sana laging may emergency para lagi niya akong itext.

Kinuha ko naman ang phone at itinype doon ang number ko. Feeling ko magkakaroon na ng silbi simula ngayon ang aking telepono ko. Dati kasi wala akong pakialam kung mawala man yon o kung saan man mapunta. Wala naman kasi nagtetext doon, maliban sa mga GM at kadramahan ng mga kaibigan ko.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon