Chapter 21

1.4K 98 3
                                    

"Hoy ikaw Ace, huwag mong paiiyakin ‘yang si Indie ha!"--Vanessa

"Oo naman, promise!" sagot naman ni Ace

"Mahal mo ba talaga iyang si Inday?"--Jishin

"Oo, mahal ko si Indie!" Direct to the point niyang saad.

"Guys, tigilan niyo na nga pag-iintriga kay Ace. Iyang si Zelyn na lang ang pag-usapan niyo!" sabat ko

Nandito kami sa isang restaurant sa kadahilanang nanlilibre si Charity. Sa wakas naman kasi nanalo siya sa singing contest, take note Champion pa! Aba ang Charity, tuwang-tuwa kaya tuloy nailibre kami ng wala sa oras. Isa pa naman siyang dakilang kuripot, pero dahil sa kagalakan ay lumalabas ang pagiging galante.

Naisama ko lang naman dito si Ace dahil sa hinintay niya ako sa labas ng school para ihatid. Ayan tuloy, pinilit na rin siyang isama ng mga kaibigan ko dito.

"Oh bakit ako, nanahimik ako dito ha!", ang masungit na si Zelyn

"Asus! Pansinin mo kasi iyang si Jollo!", pang-aasar naman ni Lhea

Kasama ni Lhea ang boyfriend niyang si Paul. At si Zelyn naman ay kasama ang kanyang ka-M.U na si Jollo.

"Siya kaya ang hindi namamansin!"--Zelyn

"Kanina pa nga ako nagpapansin sa’yo."--Jollo

Kinikilig talaga ako sa JoZelyn loveteam. Yong katarayan kasi ni Zelyn ang nagdala.

"Ewan ko sayo, si Charity lang ang kinakausap mo!"--Zelyn

"Aba't pati ako pinagselosan!"--Charity

"Binati ko lang lang naman ng congrats si Char."

"Bakit ang sweet niyo? Sana may Jollo, Paul at Ace din ako. Kainggit!"--Wein

"Huwag kang papa-apekto sa mga baliw kong kaibigan ha!" bulong ko kay Ace

Binalaan ko na siya kanina bago pa man siya sumama dito. Alam ko kasi na iintrigahin nila si Ace. Pero buti na lang at hindi ganoon magiging sa amin ang focus nila, dahil kina Jollo at Zelyn.

"Nakakatuwa nga sila." bulong naman ni Ace sa’kin.

Aaminin ko, masaya ako kapag kasama ko si Ace. Tulad ngayon, pakiramdam ko babaeng-babae ako. Isang babae na may nagmamahal. Ang sarap kaya sa pakiramdam na alam mong may nagmamahal sa’yo. Somehow, nalilimutan ko si Chase kapag kasama ko siya. Which is dapat mapadalas ang mga ganito, dahil sa kailangan ko na makalimot sa sakit ng nakaraan.

"Here babe, dito na lang tayo!"

Napalingon naman kaming lahat ng marinig namin ang maarteng boses na yon. Hindi nga kami nagkamali, si Ashley Nicole nga. Kasama niya si Chase. At magkahawak pa ang kamay nila. So its really official. Para bang ngayon pa lang nagsisink-in sa akin na sila na nga.

Binalik ko na lang ang focus ko sa pagkain at kunwaring binaliwala sila.

"May gagawin ka ba saturday morning?"

Napatingin naman ako sa nagtanong at si Ace pala.

"Wala naman, bakit?"

"Great! Sunduin kita sa inyo. May pupuntahan tayo."

Did he just ask me out? Date ba?

Sabado at maaga pa lang sinundo na ako ni Ace sa bahay gaya ng sinabi niya. Wala akong idea sa pupuntahan namin, pero dahil sa may tiwala naman ako sa kaniya ay pumayag na ako sa date na ito. Kung date nga ito.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko, habang sinusuot niya sa’kin ang helmet.

"Basta! For sure, magugustuhan mo."

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon