CHASE's POV
"Chase!" Naririnig kong sigaw ng mga babae. Hindi pa rin sila nagbabago. Ni hindi pa rin sila napapagod sa pagsasayang ng boses para sa’kin.
Sa kabilang hagdan na lang ako nagdaan para makaiwas sa kanila. Hindi naman talaga sana ako pupunta ng school ngayon, gusto lang talaga kita makita Indie. Sakto namang nakita kita na pababa na ng hagdan. Alam kong ikaw yon kahit na nakatalikod ka pa. Gustong-gusto kita lapitan para yakapin. Kung alam mo lang.
"Inds" Iyan lang nasabi ko na halos mabulol pa ako.
Hindi ka naman lumingon. Expected ko naman na yon. Galit ka sakin at yon ang gusto kong mangyari. Ginusto kong magalit ka para makalimutan mo na ako. Ang g*go ko para iwan kita nang walang paalam noong araw na yon. Kung alam mo lang. Miss na miss na kita, pero gusto kitang maging masaya. Maging masaya kahit wala ako. Mahal na mahal kita, at yon ang totoo.
"Chase, nandyan ka lang pala. Nasabi ko na kay Mam principal."
Napalingon naman ako kay Nathalie at para bang bigla na lang sumama na naman pakiramdam ko kaya napahawak ako sa kaniya. Hanggang sa nawala na sa paningin ko si Indie.
-00000-
INDIE's POVIyak pa din ako ng iyak habang naglalakad. Alam kong pinagtitingnan na ako ng mga taong nakakasalubong ko pero wala akong pakialam. Ngayon lang ba sila nakakita ng umiiyak?
Bigla namang nag-ring ang phone ko. Hahayaan ko lang sana pero nang makita kong si Jishin pala ang tumatawag ay sinagot ko na. Nasaan ba sila kanina at hindi pumasok.
["Inds, nasaan ka?"]
"Naglalakad sa gitna ng kalsada. Papakamatay na!"
["Inds si Charity nasagasaan, andito kami sa hospital. Dali pumunta ka na dito!"]
Mabilis naman akong pumara ng sasakyan upang makapunta sa hospital. Pagkarating ko naman ay deretso agad sa itinext na room ni Jishin sakin. Doon ko nga nakita ang mga kaibigan ko na nakapalibot kay Charity.
"Ano bang nangyari?"Pag-aalalang tanong ko
"Lintik na nagmo-motor naman kasi na yon, ayan si Charity tuloy na-aksidente!" Galit na tono ni Vanessa
Mabuti na lamang at minor lang ang nangyari kay Charity. Konting galos at pahinga lang ay magiging maayos na siya.
"Hahanapin ko talaga yong driver na yon! Pagbabanta ni Lhea
"Reresbakan namin siya Char, huwag kang mag-alala!"si Wein na napansin kong yakap-yakap niya ang bigay kong bear. Si Bona Junior.
"Gutom na ako. Bibili lang ako ng makakain natin sa labas ha!" Paalam ko
"Sasama na ako!"presenta ni Jishin
"Okay lang Shin, babalik ako agad!" Sabay alis ko at iniwan sila doon. Gusto ko rin talagang mapag-isa.
Bumili ako sa canteen ng kahit anong pwedeng kainin ng mga kaibigan ko. Hindi naman kasi maarte yon sa pagkain. Lahat kinakain lalo na kapag libre.
Pabalik na ako ng hospital nang makita ko si Nathalie. Nagtaka naman ako kaya naisipan kong sundan siya. Kinakabahan ako ng hindi ko alam ang dahilan. Hanggang sa pumasok siya sa isang private ward. Sino kayang dinadalaw niya dito? Aalis na sana ako sa tapat ng kwarto na yon ng may lumabas na isang nurse, dahilan para masilip ko kung sino ang nasa loob ng kwarto.
Kahit ilang segundo ko lang nasilip ang kwarto, bigla akong kinabahan sa nakita ko. Bakit parang kamukha ni Chase ang nakahiga sa kama? Ano bang nangyayari?
Pumunta agad ako sa information desk. Nilakasan ko ang loob ko kahit gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.
"Nurse, doon sa room 303, sinong naka-confine doon?"
"Ay mam, sorry po. Policy po ng hospital na huwag magbigay ng any information unless kamag-anak ka po."
"Ganito na lang, dadalaw kasi ako sa pinsan ko. Chase Vergara ang pangalan niya, anong room ba?"
"Wait lang po, mam!" Habang tinitingnan nang nurse yong information sa computer, para bang nasa hotseat ako ngayon. Nagdadasal na huwag naman sana. Hindi naman siguro si Chase yon.
"Mam, si Mr. Chase Vergara po ay nasa room 303." Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa confirmation na yon.
"Can I know kung bakit siya naconfine dito?"
"Base po sa record namin, almost every week nandito siya para mag-undergo sa chemo!"
"Chemo?"
"Bakit? Ano bang sakit niya?"
"Leukemia po mam." Para naman akong pinasabugan ng maraming fireworks sa katawan matapos ko yon marinig. Alam niyo yong pakiramdam na gusto mong umiyak pero walang luhang tumutulo sa mga mata mo?
Nakaupo lang ako dito sa labas ng kwarto ni Chase. Gustong-gusto kong pumasok para tanungin kung totoo ba yong sinabi noong nurse. Baka naman kasi namali lang siya. Baka kapangalan lang niya. Kaya ba ganoon na lang at parang biglang nagbago ang hitsura niya.
"Indie?" napalingon naman ako, at si Nathalie pala. Bigla ko na lang siya nayakap, at alam kong ikinagulat niya yon. Napaiyak na ako habang yakap-yakap ko siya.
"Totoo bang may sakit si Chase?"
Tinaggal niya ang pagkakayakap sa’kin saka inalalayan akong maupo muna.
"Kanino mo nalaman?"
"Totoo ba?" Nauutal kong tanong.
Tanging tango lang ang isinagot niya sakin.
"Bakit hindi niyo sinabi sa’kin?"
"Ayaw niya. Gusto lang niyang makita kang masaya, hindi ‘yang ganyan na umiiyak."
"Ang unfair niyo!"
"I’m sorry, Indie!"
"Gagaling pa naman siya, hindi ba?"
"Stage four na Inds. Every week na kini-chemo siya ay lalo siyang nanghihina."
"Ang tanga ko, bakit hindi ko man lang nahalata yon? Naniwala akong nilalagnat lang siya o pagod lang kaya ganoon ang hitsura niya."
"Magaling lang talaga siyang magpanggap."
"Kailan niyo pa nalaman na may sakit siya?"
"Naalala mo yong araw na niyaya niya si Ashley na pakasal sa booth instead of you? Doon niya nareceiveyong result ng medtest niya. Natakot siya noon na malaman mo, kaya gumawa siya ng way para iwasan ka."
Wala pa din tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nakikinig kay Nath.
"Sabi nya, lalaban sya para sayo! Nung araw na tumakas kayo at nagpakalayo-layo, he said that was his most treasured moment. Iniwan nya ang gamot nya, to live normal kasama ka. Gusto lang daw nyang maging masaya kasama ka kahit sa konting panahon lang,yung walang hadlang na cousin o kaya cancer issue! Mahal na mahal ka nya, Indie!"
"Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin ‘yan?"
"Ilang beses kong ginustong sabihin sa’yo, pero pinipigilan ako ni Chase."
"Kamusta siya?"
"Halika!" Hinawakan niya ang kamay ko saka tumayo.
Pumasok ako sa kwarto at doon ko nakita ang isang Chase Vergara na walang malay. Mas lalo siyang namayat at nalalagas na din ang buhok niya.
"Iiwan ko muna kayo." sabi ni Nathalie sa’kin
Umalis naman siya, habang ako tinititigan lang ang nagpapahingang si Chase. Hinawakan ko ang kamay niya saka isinubsob ko ang ulo ko sa tabi niya.
Chase bakit ba ang daya mo kahit kalian? Ayaw kong mawala ka sakin. Hindi ko kakayanin.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...