Chapter 6

1.9K 142 1
                                        

Mag-a-alas-tres na ng madaling araw ngunit para akong baliw dito at pagulong-gulong sa kama. Kahit anong gawin at pilit ko hindi talaga ako makatulog.

"Boyfriend naman n’ya ako!"

Chase naman. Gusto ko na matulog please, may exam pa kami bukas pero heto bangag ako dahil sayo. Bakit ba kasi ang dami naman pwedeng idahilan kanina ay iyon pa? Nang-aasar lang. Kinikilig ako. Muntanga lang. Move-on na nga, hindi ba? Basta Operation-Iwas-Chase (OIC) mamaya. Well, madali lang naman yon kung tutuusin, dahil sya naman mismo ang umiiwas. Hindi naman nya ako pinapansin, kaya hindi madaling magmove-on.

"Goodmorning Inds." hyper na bati ni Lhea sa akin. Iba na talaga kapag may love life. Mayroong dahilan ang bawat ngiti mo. Pero, madami din namang masasayang single. Isa na ako doon. Pero aminin n’yo, mas masaya kaya kapag may love life.
"Kamusta ang date n’yo ni Chase mo?" usisa ni Jishin.
"Hinaan mo nga ang boses mo, may makarinig pa sa’yo." awat ko naman sa kaniya. Kami pa lang naman ang tao dito sa classroom pero kahit na.
"Hindi yon date."paliwanag ko.
"Fine, let me rephrase it. Kamusta ang landian niyo?" Napatingin naman ako ng masama dahil sa tanong ni Vanessa.
"Basta may pinuntahan lang kami. Tapos!"
"Hala, naglilihim ka na ba samin Inday?" Madramang tono ni Lhea
"Ay grabi ang ingay niyo! Kayo ba ay mga nag-review na at sobrang na kung makapag-chismisan diyan?" Ang isa pang masungit na si Zelyn.
"Sorry, mam Zelyn." sabay-sabay naming sabi sa kaniya.

Enough sa kalandian, Inday! Aral muna. Kinuha ko na ang notebook ko at nagsimula ng magbasa pero puro Chase ang nababasa ko sa utak ko. Focus. Focus.

Nagsidatingan na din ang iba pa naming classmate. Nagsimula na ang exam at bahala na nga. Stock-knowledge na lang kaso ang problema walang naka-stock.

One seat apart at kung minamalas ka nga naman bakit si Chase pa ang nasa kanan ko? Lalo akong nawawala sa focus. Si Mam talaga kung makapag-arrange ng cheating, este seating arrangement nananadya.

"Hoy!" nagulat ako ng biglang may pumisil sa balikat ko. Ano ba ang kailangan n’ya at parang nagpapa-cute siya diyan. OIC nga diba as in Operation-Iwas-Chase.
"Bakit?" ako nang masungit ngayon, kasi naman ang hirap niyang iresist.
"I need a pen."

Para naman akong timang na kumuha agad sa bag ko ng ballpen at binigay yon sa kaniya. Nag-smile naman s’ya bilang tugon. Pwede bang sa isang araw na lang ulit ako mag-move on?

"Ms. Geron, are you listening?" nabalik naman ang atensyon ko ng tawagin ako ni Mam.
"Nagde-daydream kasi mam." sabi ni Ashley, sabay nagtawanan ang buong klase. Hilig niya talagang ipahiya ako.

Pinagpatuloy lang ng guro namin ang pag-discuss sa directions at ilang errors/typo sa exam. Aasa na lang muli ako sa bonus.

Nag-simula na nga ang pagsusulit. Wow lang dahil bakit Math agad ito? Nilingon ko naman sina Zelyn at siya nang abala sa pagsagot. Bakit ba hindi ko talaga maintindihan? Pasensya, hindi ako bobo sadyang slow lang ako. Know the difference.

Napalingon din ako kay Chase at seryoso din sya sa pagsagot doon. Sila na talagang matalino.

Natapos ang halos isang oras at kamusta naman ako, unang exam pa lang iyon pero ang sakit na ng ulo ko.

Lunch break at nandito kami sa canteen para bumawi ng lakas. But still, they cant move-on sa exam kanina.

"Positive Infinity yon!" pakikipagtalo ni Zelyn
"Talaga? So, mali ang sagot ko. Negative Infinity yong sa akin." Panghihinayang na tono ni Charity.

Ang laki ng problema nila sa infinity na yan ay wala nga akong ganoong sagot. Alien words na naman.

Napansin kong tumahimik bigla ang buong lugar ng pumasok ang isang napakagwapong nilalang. Chase Vergara, ikaw lang talaga ang nagpapa-slowmo sa mundo ko.

"Pinapatawag ka ni Mam Cess sa office.
"Bakit daw?" Nauutal kong tanong.
"Pumunta ka na lang." Ayan kapag pokerface at masungit sya lalo syang gumagwapo. Ironic!

Nagpaalam naman ako sa mga baliw kong kaibigan, saka nag-umpisang maglakad papunta sa faculty. Bakit parang kinakabahan ako? Bakit kaya ako pinapatawag ni Mam Cess? Si mam Cess nga pala ay yong math teacher namin.

Napalingon ako sa likuran ko ng mapansin kong parang may sumusunod sa akin which is Chase pala.

"Sinusundan mo ba ako?" ang tapang ko para mag-assume ng ganiyan.
"Sa faculty din ang punta ko."

Sungit ! Pasalamat ka, mahal kita.

Kasalukuyan kaming nandito sa faculty room. Kaharap ko si Mam Cess at nasa may kanan ko lang si Chase.

"Po? Siya ang magiging tutor ko?" naguguluhan kong tanong.
"I already checked your test paper, and unfortunately you are the lowest"

Nakaramdam naman ako ng hiya dahil bakit kailangan marinig pa ni Chase ang kapalpakan ko sa buhay.

"And because of that, I asked Mr. Vergara na kung pwede ka niyang i-tutor and luckily he said yes. I really want you to pass this subject Ms. Geron. Alam kong kaya mo ‘yan."

Nakayuko pa din ako. Nahihiya talaga ako. Lowest? Ano pang mukhang ihaharap ko sa crush ko?

"So I think everything is settled. I am hoping na makakatulong si Mr. Vergara sa’yo."

Nahihiya man ako pero parang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Paano ko pa ba maitutuloy ang pagmo-move-on ko sa kaniya? Parang gusto ko tuloy biglang ibagsak ang lahat ng exams ko at magpaturo na lang kay Chase.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon