"Finding love is like finding the perimeter of a rectangle, P=2L + 2W. To find love, you must learn 2Love + 2Wait."
"Oh anong pinaglalaban mo diyan Zelyn?" tanong ko.
"Wala, baka sakali magamit niyo sa love." Sagot naman ni Zelyn habang nagbabasa.Siya si Zelyn Ramos, isa sa mga kaibigan ko. Madali mo siya makikilala kapag nakasalubong mo. Siya kasi iyong human-library. Halos dalawampo o higit pang libro ang dala niya araw-araw. Hindi pa kasama diyan iyong hinihiram niya sa library upang iuwi at basahin sa bahay nila. A total geek pero may pagka-hopeless romantic dala ng kakabasa niya ng mga romance novels. She really loves math but definitely he hate boys. Sa sobrang pagka-hopless romantic niya, napakataas na rin ng standards niya para sa lalaki. Besides, fictional character lang kasi ang mga gusto niya kaya naman may possibility na tumanda siyang dalaga.
"Indie, may dance competition sa plaza mamaya, I heard sasali si Chase." ang agaw eksenang si Jishin.
Si Jishin Kim, ang half Korean at half Pinay kong kaibigan. Kilala siya sa tawag na rainbow. Madali mo din siyang makikita kahit madaming tao. Shes a certified K-Pop lover, kaya ayan at colorful ang porma. Fashionista siya ng grupo. Bagay naman sa kanya kasi may halo siyang Korean. Pero ang totoo, iyong lolo ng lolo ng tatay niya kasi ang siyang totong Korean. Pinaglaban niyang may lahi syang Korean, hindi ba? Anyway, nakuha niya pa rin naman ang apelyedong Kim kaya pagbigyan na natin.
"Tigilan mo nga iyang si Indie, Jishin. Move-on na yan kay Chase." Sabat naman ni Lhea na kasalukuyang nagse-selfie.
Si Helhea Matrix Nolos naman ang muse namin sa grupo. Siya lamang kasi ang tanging may lovelife sa amin. Palibhasa, lamang siya ng isat-kalahating paligo sa aming anim. Paul Artienda ang pangalan ng boyfriend niya. At yang si Paul ang spy ko pagdating kay Chase, magka-member kasi sila sa dance crew.
"Ind's pupunta ba tayo? Gagawa na ba ulit ako ng placard?" seryosong tanong ni Charity sakin. Isa din sa mga kaibigan ko.
Si Charity Therese Leynes naman ang aming dalagang Pilipina. Hindi siya makabasag-pinggan. Makabasag-baso pa sobra. Hilig niya ang pagkanta kahit ang mga kanta na mismo ang sumusuko sa kaniya. Mabait siya at kahit anong ipagawa mo ay gagawin niya. Siya ang pinakang-supportive pagdating sa love life ko.
"Oo! Bonggahan mo this time ha." Energetic ko pang sabi. Excited kasi akong makita muli si Chase na sumayaw.
Chase Vergara, siya ang pangarap ng mga kababaihan dito samin. Bukod sa gwapo ay matalino din siya. Lahat ata ng bagay kaya niyang gawin at talagang nag-e-excell siya doon. Ang magmahal na lang ata muli ang hindi niya kaya.
Sasayangin mo lang ang oras mo doon. Hindi ka naman napapansin niyang si Chase. Ang mapait na saad ni Vanessa.
Si Maria Vanessa Ramos ang pinsan ni Zelyn. Van ang itawag mo sa kaniya kung ayaw mong masaktan. May pagka-boyish pero certified girl naman. Nagagawa kasi ng pag-ibig. Nagmahal-Nasaktan-NagMoveOn-Nagbago. Ayan ngging ampalaya sa pait. Madali mo siyang makikilala dahil sa lagi siyang naka-suot ng cap kahit nasa loob pa ng classroom.
"Tama na iyan, malapit na mag-time at ayokong mahuli sa klase ni Miss Sungit." sabat naman ni Weinschelle.
Si baby Weinschelle Manalo naman ang feeling bunso sa amin. Dalawang linggo lang naman ang kinatanda ko sa kanya kung maka-feel na ang bata niya ay wagas. Lagi siyang may dala-dalang teddy bear. Idol ata nya si Mr.Bean at kahit saan magpunta, even dito sa school dala niya si Bona. Bona” is the name of her precious teddy. Na-principals office na nga ‘yan kasi alam naman na bawal magdala ng ganoon sa loob ng classroom pero sadya talaga syang pasaway, cant live without her lovely Bona.
Kung nagtataka at naguguluhan na kayo kung bakit ang dami kong kaibigan. Well isa lang sagot ko diyan. Noong nagsabog po kasi si Lord ng mga kaibigan ay nasalo ko lahat. Napakaswerte ko sa kanila. Elementary pa lang ay magkakaibigan na kami. I treat them as my real sister. Wala kasi ako kapatid though masaya ako kasi silang anim pa lang sapat na.
Papunta na kaming classroom at lakad dyosa kaming pito. Pinagtitinginan na naman kami at usap-usapan ng mga estudyante. Sanay na kami sa araw-araw na ganito.
"Tabi nga, mga pangit. Sinisira niyo na naman ang araw ko." sabay tulak sa’kin ng isang babaeng mukhang dyosa pero ugaling impakta na si Ashley Nicole.
Wala ni isa sa school na ito ang nais kumalaban kay Ashley Nicole Dy. Bukod kasi sa malakas ang impluwensiya sa school ay siya ang queenbee at nag-re-reyna-reynahan dito. Naho-hospital at mamatay sa kahihiyan ang nakakatapat niya.
At dahil nga mukha kaming tanga doon na nakafall-in-line ay ayon at ng itulak niya ako ay damay lahat ang mga kaibigan. Isa-isa kaming bumagsak like damn domino baby.
"Nakakatawa naman iyong mga weird."
"Ang papangit talaga nila. No doubt, theyre friends."
Hindi ba nga, birds with the same feather flock together. Weird people belong to weird group.
Ugly and lame. How pathetic.”
Narinig namin sa mga mapanghusgang estudyante pero wala na ako pakialam diyan. Manhid na ako sa araw-araw ba naman nilang pangbu-bully. Kumbaga immune na ako. Immune na kami ng barkada ko. Hindi na lang namin pinapatulan dahil wala din kaming oras ibaba ang level namin sa katulad nilang ang alam lamang ay pangungutya.
Alam ko hindi kami kagandagan pero hindi kami pangit. Sadyang unique lang talaga ang hitsura namin. Naipaliwanag ko naman na ang hitsura nila hindi ba? Huwag niyo na ako tanungin kung bakit naging isa din ako sa naturingang weird. Basta ako si Indie. Inds for short.
"Inday, ayos ka lang?" seryosong tanong sa akin ni Van.
Napatingin naman ako ng masama kay Van dahil sa narining kong pagtawag niya sa pangalangan kong iyon.
Oo na. Inday Geron talaga ang totoo ko pong pangalan. Baka naman pati kayo ay pagtawanan ako. Sige lang. Pinakulam ko na nga yong nurse na nagsulat ng mabantot kong pangalan na ‘yan. No offense sa mga kapangalan ko. Napakamaling pangyayari lang naman kasi talaga ‘yan. Ganito kasi ‘yan, noong nagtatanong daw yong nurse kung ano ang ipapangalan sa napakacute na baby na yon, which is ako ay sakto namang tinawag ni mama si Inday, yong katulong namin para magpatulong tumayo kasi naiihi sya. Sinubukan ni mama na habulin yon at ayusin kaso ang dami pang tanong at papeles na muling dapat ayusin kaya heto hinayaan na lang. End point ako ang nag-suffer sa pangalang yon. Buti na lang talaga nauso ang nickname. Basta, Indie ang itawag niyo sakin.
Hindi ko nga alam kung bakit nila ako sinasabihang weird o kami. Ano bang masama din sa hitsura ko? Maganda naman ako. Well, maganda ang ayos ng buhok ko kapag bagong ligo. Pero kapag nag-byahe at hello jeep na ay ayan at parang walis na siya sa sapnot. Isa pa, anong masama sa porma ko? Black dress, black skirt na abot tuhod at black boots. Kulang na lang ba talaga ay ang walis? Kilala ako sa tawag na black lady. Cool name pero madalas creepy. Hindi ako emo pero black ang favorite color ko. Black is my life.
Ewan ba kasi sa school na ito at laging casual ang suot. Hindi nausuhan ng uniform kaya kahit papaano may advantage ako dahil hindi nila nahahalata na yong suot ko kahapon ay suot ko ulit sa ibang araw. Puro black lang kasi talaga ang damit ko.
Now tell me, masasabi niyo bang weird kaming pito? Unique naman talaga ang personalidad ng bawat tao, hindi ba? At proud ako kasi kahit magkakaiba kami ay nakakahanap pa din ng way para magkasundo.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Fiksi RemajaKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...