"Dahil lang sinabihan ka niya nang malandi, nagwalk-out ka na?" si Lhea habang kinikiliti ang ilong ni Paul, yong boyfriend niya.
Vacant namin kaya may oras silang magharutan diyan. Nagpapainggit pa.
"Ikaw kaya ang sabihan ng malandi niyan ni Paul, hindi ka maiinis?"
"Cmon Inday! Hindi ba ang kwento mo, sinabi niya yon dahil nalaman niyang may katext ka."
Napatango naman ako.
"Nagseselos lang yon" sabat ni Paul
Excatly, babe. Pagsang-ayon naman ni Lhea
Nagseselos? Kay Ace?
"Im glad, hindi mo kasama yong masungit mong friend."
Nagtataka na ako dito kay Ace. Ayoko mag-assume na may gusto siya sakin pero para kasing trip niya akong makita everyday. Effort magpunta dito sa school. Wagas magtext kahit hindi ko naman nare-reply-an.
Ang alam ko, thirty minutes ang byahe papunta dito galing sa school nila. Malayo-layo din, but why the heck hes doing it.
"Oo, maihahatid mo na din ako sa wakas." biro ko
"Kaya nga, masosolo na din kita."
Inalalayan naman niya ako sa pag-angkas sa motor niya, saka isinuot niya sa’kin ang isa pang helmet. Mabait naman si Ace, siya pa nga ang superhero ko hindi ba? Kaya naman buo ang tiwala ko na wala siyang masamang balak sa’kin.
Naiilang akong humawak sa kaniya kaya mahigpit akong kumapit sa likuran ng pinag-uupuan ko.
"Hindi naman ako nangangagat, Inds. Kapit ka na sa balikat ko, baka kasi mamalayan kong wala ka na sa likod ko maya-maya.”
Nakahihiya man, pero sige na nga, choosy pa ba ako? Gwapo na ang nag-offer.
"Kain muna tayo nagutom ako bigla."
"Sige, basta libre mo." biro ko ulit baka makalusot
"Of course naman."
Nag-park kami sa isang restaurant at inalalayan na naman niya ako pababa ng motor niya. Ramdam na ramdam ko ang pagiging babae. Isang babaeng pinapahalagahan. Such a real gentleman, Ace.
Pagkapasok ko pa lang madami na akong napansin na couple na nagde-date dito. Umupo kami sa gilid na pwesto sabay tinawag na niya iyong waiter at um-order.
"Lagi ka dito?" tanong ko
"Ngayon na lang ulit ako pumunta dito."
"Ang daming couple." Palinga-linga ko pa
"Para kasi sa mga couple talaga ang restaurant na ito"
"So kapag wala kang lovelife, hindi ka pwede kumain dito?"
"Hindi naman, may mga special treat lang ang restau para sa mga couple na kumakain dito."
"Special treat?"
"Mam, Sir! Say I love you!" nagulat naman ako ng biglang may nag-flash ng camera sa amin matapos ay umalis na din ang babaeng photographer na yon. Pinagpatuloy lang niya ang pagkuha ng litrato sa iba pang couple na nandito. Iyon na ba ang tinatawag nilang special treat? Free picture?
Nagutom tuloy ako bigla kaya naman hindi ko namalayan na naubos ko ang lahat ng pagkain na inorder ni Ace. Napakasarap naman ng pagkain dito.
"You like the food?"
Tanging ngiti lamang ang nagging tugon ko sa kaniya. Nakakahiya dahil nasaksihan niya ang katakawan ko pero masarap talaga promise.
"Siguro dito kayo nagde-date ng girlfriend mo?" Out of the blue kong tanong. Napansin ko naman na parang biglang nagbago ang hitsura ng mukha niya.
"Ah. Sorry." Sabay peace sign ko. Maling ideya ata yon.
Hindi ko alam kung bakit, pero feeling ko may masama akong nasabi kaya ayan at napasorry na lang ako.
"Okay lang, naalala ko lang tuloy siya"
Siya? Is he referring to her girl?
"Bakit nasaan ba siya?"
LDR ata sila.
"Wala na siya."
"Saan siya nagpunta?"
"Sa heaven."
"Hala! Sorry ulit, hindi ko alam."
"Charm is very much alike you, when you keep on apologizing"
"Ha?"
"Wala! Sabi ko ang cute mo." sabay pinch niya sa pisngi ko
Matapos naming kumain, papalabas na kami ng restaurant ng bigla kaming harangin ng isang staff para ibigay iyong couple picture daw namin at dahil sa naubos ko daw ang pagkain ay may libre akong teddy bear. Ay nakakatuwa naman ang restaurant na ito. Punta kayo minsan.
"Salamat, Chase. At pasensya na din."
Nandito na kami sa tapat ng bahay ko.
"Wala yon. Im fine now."
Mukha namang nakamove-on na talaga siya. Nagpaalam na ako sa kaniya saka tuluyang pumasok na ng bahay. Alas-otso na pala ng gabi. Nakakapagod. Busog na busog pa din ako. Yakap-yakap ko din ang teddy bear na pinangalan namin ni Ace kanina ng Dace. Pronounce it as Deys. Ang weird nga ng name na sinuggest ni Ace, pero pinagbigyan ko na kasi bukod sa wala ako maisip na pangalan ay mukhang gusto niya ang pangalang iyon.
Papaakyat na sana ako sa kwarto ko nang mapansin kong may nakahiga sa sofa. Nakatabon ng unan ang mukha niya pero alam kong lalaki siya.
Hindi kaya?
Dahan-dahan naman ako lumapit sabay alis ng unan sa mukha niya.
Isang Chase lang pala na parang anghel kung matulog.
Hahayaan ko na lang sana siya matulog diyan sa sala at aakyat na sa kwarto ko ng bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa pag-alis.
Gising naman pala sya.
"Saan ka ba galing?"
"Diyan lang, kumain." Plain kong sagot
Nagtatampo pa din ako sa kanya, kaya taray mode muna. Konting lambing lang naman niya, mawawala din ito.
"Sinong kasama mo?" sabay upo sa sofa pero hindi pa din niya binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi pa nga kami, pero posessive na siya. Siguradong bantay-sarado ako nito kapag naging kami. Papaposas na talaga ako sa kaniya.
"Si Ace."
"Bakit kasama mo siya?"
Para naman siyang imbestigador kung makatanong.
"Sa kaniya din ba galing ‘yan?" napatingin siya sa yakap kong stuff toy.
Try ko ngang pagselosin ito ng malaman ko kung may chance ako sa kaniya.
"Oo, ang sweet niya nga para bigyan ako ng ganito." Todo ngiti ko pa at kilig na kilig kunware ang boses.
"Dont trust that guy!" sabay bitaw niya sa pagkakahawak sa kamay ko
"Mabait naman si Ace at gwapo pa."
"I said don’t trust that guy! Iwasan mo na siya."
"At bakit naman?"
"Basta!"
"Ano nga pala ginagawa mo dito? Gabi na ah!" binago ko na ang topic. Kinikilig ako eh, baka mag-collapse ako bigla.
"Dinala ko lang ang naiwan mong notebook sa desk mo."
"If thats the case, bakit hinintay mo pa ako makauwi?"
"Nakatulog lang ako, hindi kita hinintay!"
"Okay. Matutulog na ako. Lock the door when you leave." Kunwaring mataraykong boses.
Papaakyat na ako sa kwarto ko at hahayaan ko na lang siya diyan.
"Indie, wait!"
Napatigil naman ako sa paglalakad, pero hindi pa din ako humaharap sa kaniya.
"Sorry sa nasabi ko. I didnt mean it. It’s just that. Ay ewan. Ill go ahead!"
There he goes. Your sorry is enough to melt my heart and fall even more.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Novela JuvenilKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...
