Chapter 28

1.1K 96 9
                                    

"So kayo na?"Jishin

"HIndi pa nga!"

Ilang beses ko na bang sinabi sa kanila na hindi pa kami ni Chase.

"So may exchange of I love you na pero hindi pa pala kayo? Landian lang?" Wein

"Ikaw din Ind's, mahirap ang ganyang sitwasyon!"Lhea

And the master had spoken.

"Basta bahala na.", iyan na lang nasabi ko kasi hindi ko rin naman talaga alam ang status namin. Oo alam ko nililigawan niya ako, pero kasi para bang bigla na lang kami na ata but not that officially. Parang kami pero hindi.

"Guys si Chase!" napatingin naman kaming lahat sa bagong dating na si Van na hingal na hingal pa

"Bakit anong nangyayari?"

"Basta! Tara!" at bigla na lang ako hinila ni Van

Nakita ko naman na maraming estudyante ang nagkakagulo sa may gym. Don't tell me, nakikipag-away si Chase?

['Para sa nag-iisang babaeng minamahal ko.
Hindi ko na kailangang ipagsigawan kung sino ka, alam mo na sa sarili mo yon!
Your C']

Nakita ko si Chase doon na hawak-hawak ang isang puting cartolina kung saan nakasulat ang mga iyan.

Tinulak-tulak naman ako ng mga baliw kong kaibigan. Aba't kinikilig ako dito, huwag silang makulit. My C, I super love you na talaga. Why so sweet?

"Ayie! Ashley ang sweet naman ng boyfriend mo!"

Nalimutan ko, hindi pa nga pala sila nagbe-break officially. Sila ang kilalang  magkarelasyon in public.

It’s now complicated then.

Lumabas na ako ng gym at bumalik na sa classroom. Pakiramdam ko may mali kasi talaga. Gusto ko man magsaya, pero hindi ko magawa.

Uwian na, at buong maghapon ko siyang iniiwasan. Naiinis ako at the same time naguguluhan.

"Problema mo?"

Nagulat na lang ako ng may biglang umakbay sakin.
Si Chase pala.

"Kain tayo, ginutom mo ako!"

"Ha?"

"Hindi na ako nakakain kakaisip sa’yo!"

Mistulang nagkunwari naman akong kinilig sa sinabi niya.

"Busog ako! Ikaw na lang. Saka baka may makakita sa’tin!" Inalis ko naman ang pagkaka-akbay niya sa’kin at nagsimulang maglakad. Akala ko, susunod sya sa’kin. Akala ko kukulitin niya ako, hanggang sa mapapayag niya akong sumama. Pero paglingon ko, naglalakad din siya papalayo sa akin. Bakit ganoon? Konting sungit ko lang ba, suko agad sya?

Nakauwi ako ng bahay at sya pa din ang iniisip ko. Bakit kasi ang arte ko minsan? Pero sana alam niya na iba ang nag-iinarte sa nagtatampo.

Kinuha ko naman agad ang phone ko kasi baka naman nag-text na siya or what pero wala din.

The next day went normal, normal as in walang Ashley na bully at wala din Chase na pumapansin. Back to zero ba? Naguguluhan ako lalo sa kaniya? Dahil lang ba ito sa tumanggi ako na samahan siya sa pagkain nya? O natauhan na siya kaya ayaw na niya ulit sa akin?

Ang labo. Ang gulo niya. Magksama kami sa iisang classroom everyday pero parang wala ulit Indie na nag-e-exist sa kaniya.

Halos isang linggo na ganoon siya. Isang linggong hindi niya pinansin. Isang linggong hindi ako makatulog ng maayos kakaisip kung bakit biglang ganoon na lang. Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko hindi siya susuko kahit mahirap ang sitwasyon. Bakit sa simpleng dahilan lang, ganito na?

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon