Chapter 11

1.4K 124 19
                                    

"Saan ka ba nagpunta kahapon at bigla ka na lang nawala? Pang-iintriga ni Charity.
"Secret lang natin ito ha." bulong ko sa kaniya at tumango lamang siya bilang tugon.
"Nakidnapped ako kahapon."
"Nakidnapped ka?" sigaw niya pa dahilan upang samin mapunta ang atensyon ng klase. Tiningnan tuloy kami ng masama ni Sir Jules dahil sa naistorbo naming leksyon.
"Miss Geron and Miss Leynes, would you mind to share your story to us?" galit na tono ni Sir.
"Sir, wala po. Sorry po sa abala"  nakatungo kong sagot.

Hanggang sa itinuloy na lang niya muli ang klase. Inaantok na naman ako. Pero buti na lang at matapos nitoy may tutor class kami ni Chase.

Matapos ang klase, dumiretso muna ako ng banyo upang mag-ayos ng kaunti at saka tuluyan ng pumunta sa library. Doon nga ay nakita ko si Chase na kasalukuyang nagbabasa ng mga posibleng ituro niya sakin ngayon.

Dahil na rin sa mga itinuturo niyang easy techniques sa pag-solve ng mga math problems, nagsisimula ko na siyang mahalin. Iyong math subject ang tinutukoy ko.

Umupo na ako sa may katabing pwesto niya saka ibinigay niya ang isang papel na may mga formulas. Binasa ko na lang iyon at saka sinubukan gamitin sa mga pinapasagutan niya.

"Totoo ba na nakidnapped ka kahapon?" napatigil naman ako bigla sa pagso-solve dahil sa tanong n’yang ‘yan.

Sasabihin ko ba ang totoo na dahil sa kanya kaya ako nakidnapped?

"Did they hurt you?" napatingin naman ako sa mga mata n’ya dahil sa tanong niya.
"Medyo"

Ang sakit pa kaya ng sampal ng mga pangit na lalaki na yon. Hindi lang halata dahil nag-apply ako ng concealer. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa ginagawa niyang pagtitig sakin.

"Pango ka pala." Parang nabuhusan naman ako ng malamig.
"Tara, lunch tayo. Libre ko." tumayo siya at nagsimula na ngang maglakad, kaya naman inayos ko agad ang mga gamit ko sa lamesa at hinabol siya  sa paglalakad.

Uwian na at kasabay ko ang mga baliw kong kaibigan. May kaniya-kaniya namang sundo ang mga ito, kaya hanggang diyan lang kami sa labas ng school magkasabay. Nagco-comute lang kasi ako.

"Bye, Jishin." Iwinagayway ko pa ang kamay ko upang magpaalam sa kaniya.
"Sigurado ka bang hindi ka sasabay? Baka may mangyari ulit na masama sa’yo ha!"
"Wala na yon, hwag kang mag-alala."

Umalis na din siya matapos makontento sa sinabi ko. Naiwan na lang ako at naghihintay ng masasakyan. Maya-maya naman ay may taxi na din dadaan yan.

Nagulat naman ako ng may isang motor ang tumigil sa harapan ko. Kinakabahan na naman ako, baka kidnap na naman ito.

"Hatid na kita." Kasabay pa noon ang pagtanggal niya ng suot na helmet.
"Ace."

Ang alam ko sa kabilang school pumapasok si Ace pero pumunta pa talaga siya dito para sakin.

"Akala ko nalimutan mo na ako."
"Nagtampo ka naman, paano ko naman malilimutan ang Superman ko?"
"Superman?"
"Hindi ba ikaw ang Hero ko? Kaya ikaw si Superman ko."

Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko. Huwag siyang ganiyan baka malimutan kong si Chase ang mahal ko.

"Tara na nga, ihahatid ka na ni Superman."

Hinawakan naman niya ang kamay ko para alalayan sa pag-angkas sa motor.

"Ako ang maghahatid sa kanya."

Napalingon naman ako sa nagsalita at si Chase pala.

Hindi mo siya kailangan ihatid. Ako na ang bahala sa kaniya." Dagdag pa ni Chase.
"Ah Chase si Ace nga pala. Ace, si Chase." Pagpapakilala ko.
Napansin ko naman na bakit ba magka-rhyme ang pangalan nila.

"Sige Ind’s, mauuna na ako. Mukhang nagagalit na ang kaibigan mo. Next time na lang. Text mo ako kapag nakauwi ka na." paalam naman ni Ace saka tuluyan na ngang kami na lang ni Chase ang naiwan.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko.
"Bakit ba kung kani-kanino ka na lang lalaki sumasama ha! Kaya ka nakikidnapped." Nagulat naman ako sag alit na tono niya.
"Saka Superman? Mukha ngang bakla yon."
"Nagseselos ka ba?" biro ko
"At bakit naman ako magseselos sa katulad na lalaking yon?
Bakit nga ba?

Tinitigan lang niya ako na para bang inis na inis at manunutok na lang bigla dala ng pagka-pikon.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon