Kinabukasan, bumalik ako sa hospital upang bisitahin si Chase. Nakalabas na rin naman kahapon si Charity at nagpapahinga na lang sa kanila.
Ilang minuto na akong nakatayo dito sa tapat ng kwarto ni Chase, hindi ko pa rin kayang tanggapin na yong taong mahal ko ang nandito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at doon nakita kong nagkakagulo ang lahat dahil sa pagsusuka ni Chase. Kitang-kita ko kung gaano siya nahihirapan ngayon.
"Indie!" Naramdaman ko na lang na bigla ako hinila ni Nathalie palabas ng kwarto.
"Hindi ka nya pwedeng makita." Dagdag pa niya.
"Bakit?" Pagtatakang tanong ko
"Mas lalo lang siyang mahihirapan."
"Ganiyan ba siya lagi?"
"Oo lalo na kapag tapos ng therapy niya."
"Gusto ko siyang makausap."
"Indie kasi---"
"Please, alam kong naiintindihan mo ang nararamdaman ko. Mahalaga rin si Chase sa’kin, Nath."
Pumasok siya ng kwarto ni Chase saka ilang segundo pa ay binigyan niya ako ng go signal upang pumasok na.
"Chase" Iyan lang ang nasabi ko dahilan upang mapalingon siya sa dereksyon ko.
"Anong ginagawa niya dito?" Galit na tono ni Chase. Pero agad din akong lumapit sa kaniya saka niyakap siya. Wala akong pakialam kung nandito pa yong pamilya niya.
"Iiwan muna namin kayo, anak." Paalam ni Tita Chona. Sa mga oras na ito alam nilang hindi nila maari pang pigilan ang pagmamahalan namin.
Nang mapansin kong wala na silang lahat. Doon ko pa lang inalis ang pagkakayakap sa kaniya.
"Baliw ka ba? Bakit hindi mo agad sinabi? Sana mas naalagaan kita." Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko sabihin sa’yo." Naramdaman kong pinupunasan ng kamay niya ang mga luha ko sa pisngi.
"Nakakainis ka kasi."
"Huwag ka na ngang umiyak, lalo kang pumapanget!"
Niyakap ko na lang siya. Namiss ko ang lalaking ito sobra.
"Magiging maayos din ang lahat, hindi ba? Naramdaman ko na lang mas paghigpit niyang yakap.
Maghapon ko lang siyang kinwentuhan ng kung ano-ano. Sa kulit ko halos hindi ata siya nakapagpahinga. Gusto ko lang makita siyang laging nakatawa.
"Kamusta sa school?" tanong niya
Busy sila sa preparation para sa prom."
"Sila? Ay ikaw?"
"Wala naman akong planong umattend."
"Bakit?"
"Wala akong hilig sa ganoon. Isa pa, yong gusto ko kasing maging partner hindi makakapunta kaya ayaw ko na rin."
"Once in a lifetime lang ang prom, ayaw mo pa ma-experience?"
"Mas masaya ako kapag nandito kasama ka." Napangiti naman siya sa sinabi ko.
-0000-
"OMG! Ang saya pala ng prom. Nakakakilig nang sinayaw ako ni Paul.""Ako din. Ang sweet ni Jollo!"
Narinig kong pagke-kwentuhan ng mga kaibigan ko. After shock ‘yan ng prom kaya ganiyan sila. Ako? Magdamag lang na nagbantay kay Chase sa hospital. Doon ako mas magiging masaya.
"Inds dadalaw ka ulit kay Chase after class?" Bulong ni Lhea at tango lamang ang isinagot ko.
Inililihim pa rin namin ang kalagayan ni Chase, kasi nga kapag nalaman ito ng mga classmate ko malamang dudumugin siya sa hospital.
"Sama ako ha!" Presenta ni Lhea
"Sige"
After class deretso na talaga ako sa hospital, hindi na rin ako hinahadlangan ni mommy kasi sabi niya naiintindihan niya ang sitwasyon ni Chase. Hindi ako nawawalan ng pag-asang gagaling siya. Ni isa sa’min hindi nagpapakita ng pinanghihinaan ng loob, dahil sabi nga ni tita sa’min lang daw humuhugot ng tapang si Chase. Kaya kailangan maging matatag kami at hindi iyakin.
Nandito na kami sa tapat ng kwarto ni Chase nang magpaalam na magbanyo si Lhea. Pumasok naman na ako sa kwarto nang mapansin ko na walang tao doon. Madali naman akong pumunta sa information desk upang ipagtanong kung nasaan si Chase.
"Nurse, nasaan po yong naka-confine sa room303?" Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Ay kayo po ba si Miss Indie?"
Napatango na lang ako.
"Pinabibigay po sa inyo" Iniabot naman niya ang isang folder sa’kin.
[Para sa babaeng baliw na mahal ako pero mas mahal ko. Akyat ka sa dito sa rooftop may ipapakita ako sayo!]
Para naman ako nabunotan ng tinik sa dib-dib nang mabasa ko ang sulat niya. Akala ko kung ano na nangyari sa kaniya.
Habang sinusundan ang mga arrow na nakadikit sa pader, napansin ko na naman ang isang sulat.
[Paganda ka muna, ang gwapo ko kasi!]
Napansin ko naman ang isang black dress at silver heels. Seryoso ba syang kailangan ko pang suotin ‘to? Ang lalaking yon talaga ang daming arte. Pero para naman akong timang na sinunod din ang gusto niya.
[One last step and you are mine. Ready?]
Natawa naman ako sa last note niya na ito. Baliw talaga siya. Baliw sakin.
Sumalubong naman sa’kin ang napakalamig na hangin at spot light dito sa rooftop. Ilang sandali pa, bigla na lang lumipat ang isang spot light sa isang note ulit.
[Can you be my prom date?]
Alam niyo yong OA na feeling na parang niyaya niya ako nang “Can you be my wife” sa tanong na ‘yan?
Maya-maya sa isang napakagwapong lalaki na tumapat ang spot light, nakatux din siya at ready sa prom.
"Gusto ko lang ma-experience mo ang prom kasama ako."
Narinig ko naman bigla ang kantang photograph ni Ed Sheeran. I love that song. Paano niya ba nalaman na favorite singer ko si EdSheeeee? Lalo ko tuloy siyang minamahal. Bigla na lang nagliwanag ang kapaligiran. Doon napansin ko ang mga kaibigan ko na nakabihis na rin pang-prom. Chase, never failed to surprise me.
Napansin ko rin na may mga nurse pang may hawak ng bulaklak habang kumakanta. Paano niya naman kaya napaki-usapan ang mga nurse na yon? Nagtataka akong napatingin kay Chase dahil doon.
"Gwapo kasi ako kaya hindi sila makatanggi sa plano ko." Hindi na lang ako komontra kasi totoo naman.
Ang saya-saya ko. Hindi ko alam na magagawa niya pa akong surpresahin sa kalagayan niyang yan. Mahal na mahal ko talaga siya. Sobrang mahal.
"Pwede ko bang hiramin yang smile mo?"
"Ha?" Napakunot naman ang noo ko.
"Gusto ko lagi kang ganyan ha!"
Kinabahan naman ako sa sinabi niya parang nagbibilin na.
Huwag ka ngang ganiyan! Sinisira mo yong moment."
Ginulo-gulo na lang nya ang buhok ko.
"Sinabi ko magpaganda ka, hindi ba?"
"Sorry, kahit anong gawin ko ay pangit talaga ako!"
"Takpan mo na nga lang yang mukha mo!"
Aba! Sobra ng panlalait yun ha. Tao din naman ako, nasasaktan din ako kahit pa ba mahal ko ito kaya kong magalit sa kanya ano!
Magwowalk-out na sana ako ng pigilan naman niya ako.
"Sabi ko magpaganda ka lang ang kaso sinobrahan mo naman. Ayan tuloy pinagtitinginan ka nila, maagaw ka pa nila sa’kin kasalanan mo."
Wala na. Pa-confine na ako dito sa hospital dahil hihimatayin ako sa kilig.
BINABASA MO ANG
My Cousin'Tahan (COMPLETED)
Teen FictionKapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo kahit pa halos buong mundo ang tumutol sa inyo. Pagmamahalan na maaring husgahan ng m...