Chapter 7

1.5K 131 0
                                    

"In getting the area of the triangle, substitute mo lang yong value sa 1/2 base times height."

Kasalukuyan kaming nandito sa library at ayon sa kanya ito daw ang aming first session. The word first, inspires me. Meaning to say, may second, third, fourth at hanggang infinity na ‘to.

"Nakikinig ka ba? Look, busy din akong tao at kung wala kang time para mag-focus sa sinasabi ko ay hwag na nating ituloy ito."
"Nakikinig naman ako. Ano nga ulit pinaglalaban n’yang triangle na ‘yan?"

Focus muna, Inday. Pinagpatuloy lang nya ang pagdi-discuss doon ng geometry.

"Basta memorize those formulas madali na lang yan."
"Thank you, Chase." Napayakap naman ako sa kaniya. Later on, I realized how awkward it is.

"Isang orange juice at bacon sandwich lang." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"Nakakagutom magsalita dito, you should treat me."
"Deal, yon lang ba? Sige, wait lang at bibili na ako ngpagkain mo."
"Sabay na tayo papuntang canteen."

Napanganga naman ako dahil sa sinabi niyang sasabay na siya sakin.

"Hey, come on. Gutom na ako." bigla naman n’ya hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kanya para magsimulang maglakad.

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan pumunta sa mukha ko. Sabay na kaming maglakad plus sabay kaming kakain plus hawak n’ya pa ang  kamay ko equals I love you na talaga Chase.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante habang naglalakad, even si Ashley Nicole at iyong mga alipores n’ya. Hindi pa din kasi n’ya binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko. This is really our moment. And no one can ruin it. Mamatay sila sa inggit ngayon.

Narating namin ang canteen at iyon na ang endpoint ng HHWW (Holding Hands While Walking) namin. Bakit ba kasi ang lapit ng library sa canteen? Umupo naman na s’ya at ako ang heto nakapila. Orange juice at bacon sandwich, yon ba ang favorite n’ya? This will be my favorites from now on.

"Sa akin na lang kasi ‘yan, please." Pagpapa-cute ko sa isang guy na nasa unahan ko sa pila. Iisa na lang kasi yong bacon sandwich tapos iyon pa gusto niyang bilhin, para kay Chase ko na kasi dapat yon.

"Miss may ham at egg sandwich pa ditto." sabi ni ateng tinder.
"Bacon po ang gusto ko."
"Ate iayon ang pag-iinarte sa ganda, okay. narinig kong sabi noong nasa likuran ko. Siya nang gorgeous.

At kahit na anong pilit ko kay kuya ay hindi effective ang charm ko sa kaniya, kaya hindi napapunta sakin ang bacon sandwich. Ham na lang tuloy ang  binili ko.

Pabalik na ako sa table namin ni Chase dala ang inorder ko ng mapansin kong may kausap s’yang babae. Aba, malingat lang ako saglit may kausap na agad s’ya.

"The heck, it was so kadiri!" napansin kong si Nathalie pala iyong kausap n’ya.
"Chase, heto na yong pinabili mo. Sorry, ham na lang kasi yong available. sabay abot  ko sa kaniya ng sandwich.
"Chase, doesnt eat ham." napalingon naman ako kay Nathalie.
"Hala, sorry hindi ko alam." Iyong totoo, ano bang alam ko sayo Chase?
"No it's okay, kakainin ko na din ‘yan." Para naman akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi niyang iyon.
"Iba na talaga pag-gutom."Biro ni Nathalie.

Sino ba si Nathalie sa buhay mo? Feeling ko sobrang close niyo? Nakakapagselos kahit wala naman akong karapatan.

-0000000-
CHASE'S POV

Noong kinausap ako ni Mam Cess about sa pag-tutor ayoko talaga. Busy ako, kaya wala akong time sa ganiyan. But when I found out na sya pala yong tuturuan ko ay pumayag na ako. Gusto ko siyang tulungan. I dont know why. May kakaiba sa babaeng rakista na yon.

Noong nasa library kami, hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan. Paano ba mag-tutor? I then explained the simple formula in a normal way. Naiilang ako sa kaniya, hindi ko alam kung bakit. I dont want to look at her, either. Pakiramdam ko may kakaiba akong nararamdaman. The hell, Im getting weird.

"Deal, yon lang ba? Sige, wait lang at bibili na ako ngpagkain mo." She said.
"Sabay na tayo papuntang canteen."

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yan, siguro gutom na talaga ako and I badly need to eat. Napansin ko namang parang nagulat sya, did I said something wrong?

"Hey come on, gutom na ako." Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan hinawakan ko ang kamay n’ya at hinila papalabas ng library.

Gutom nga kasi talaga ako at kailangan n’ya akong ilibre dahil sa nakakapagod kaya magturo. Kaya tama, hinawakan ko lang talaga ang kamay n’ya para sure na hindi n’ya ako tatakasan sa panglilibre nya. Thats it.

Umupo na ako at hinayaan ko syang mag-order. Nakita ko si Nathalie at lumapit s’ya sakin. Ang bestfriend ko, lalong gumaganda.

Nag-usap lang kami ng kung ano-ano. Kay Nath lang talaga ako nagiging madaldal, sa iba kasi nagsusungit ako. Ayoko lang talaga na kapag nagpakasweet ako ay mabibigyan nila ng ibang ideya yon. I still dont have any time regarding to love. Wala muna dahil masakit pa. Kaya as much as possible sinusungitan ko sila.

Napansin ko namang parang may nagkakagulo sa counter, at ang babaeng yon pala. Bakit ba siya nakikipagtalo para sa isang sandwich na yon? Crazy girl.

"Chase, heto na yong pinabili mo. Sorry, ham na lang kasi yong available.
"Chase doesnt eat ham."
"Hala, sorry hindi ko alam." Napansin ko naman na yumuko siya. At bakit ba bigla na lang akong nakaramdam ng inis?
"No it's okay, kakainin ko na din ‘yan." Nagiging weird na din tuloy ang mga sinasabi ko.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon