Chapter 22

1.2K 97 3
                                    

Lunes at simula na ngayon ng hell week. Nagreview naman ako pero pakiramdam ko kulang pa iyon. Sana pala nagpa-tutor ako kay Chase, pero kasi ang awkward nan g sitwasyon.

"Good luck!"

Nabasa ko mula sa note na nasa armchair ko. Kung kanino man ito galing, salamat dahil mas lalo mo ako pinakaba. Bakit ba ako nape-pressure?

Una, gusto ko patunayan na may natutunan ako sa mga effort na pagtuturo mo Chase. At pangalawa, kasi ayoko na maging lowest. Nakakasawa kaya yon guys. Kaya nag-aral talaga ako.

"Wanna bet, lowest ka na naman!" pang-aasar sa akin ni Ashley

Nakakainis! Ako na naman tuloy ang center of attraction dahil sa pambu-bully niya. Pasalamat siya, girlfriend siya ni Chase kung hindi papatulan ko na ito.

"Huwag ka na lang kaya mag-exam, sayang lang ang ink ng ballpen mo Inday!"dadag pa niya.

Nagtawanan naman ang mga classmate ko, syempre bukod sa mga kaibigan ko. Konti na lang masasabunutan ko na ito.

"Paano kung matalo kita?"

Nasabi ko na ba sa inyo na matalino si Ashley Nicole? Siya po ang rank1 lagi dito. Noong una, inisip ko na dahil sa principal ang mommy niya kaya sya nagiging rank1, pero lately hindi pala. Matalino lang talaga siya. Sila lagi ni Zelyn ang nagkokompetensya pagdating sa posisyon na yon. Pero, Ashley still had it.

"Hinahamon mo ba ako, Inday? Kilabutan ka nga!"

At ako? Sino ba ako para hamunin siya ngayon? Ewan pero nasabi ko na, kaya bahala na ulit.

"Kapag natalo kita, huwag mo na ako papakialaman  at ang mga kaibigan ko!"

"Alam mong ikaw at ‘yang mga kaibigan mo ang favorite toy ko, pero sige. As if you can! But if I win, you and your friends will gonna have fun with me!"

Umalis na siya sa harapan ko at umupo sa pwesto niya. Kinakabahan ako. Ano ba naman ito, pati mga kaibigan ko nadamay. Tiningnan naman ako nina Zelyn at saka senenyasan na kaya mo yan, go go go! Fight! Fight! Fight!

Nagsimula na ang exam at bakit ba math agad? Pero okay na din, ito ang nireview ko ng sobra.

Break time at nandito ako sa canteen kasama ng mga kaibigan ko.

"Hoy Inday, ang galing mo kanina. Akalain mo yon, hamunin ba naman ang bruha!"--Jishin

"Kinakabahan pa rin nga ako hanggang ngayon, bakit ko ba naman kasi nasabi yon."

"Tama lang yon, Inds! Kaya mo ‘yan, tutulungan ka namin!"--Zelyn

Akala ko talaga magagalit sila sakin, dahil pati sila madadamay pero naisip ko, ano nga bang bago? Simula first year kami ay inaasar na kami ni Ashley kaya sanay na kami kung matalo man, pero iba pa din ang feeling kapag walang mambubully sa inyo. Kahit ngayong fourth year naman sana matigil na ano.

Back to exam at English naman ang subject. Kaya pa naman, pero nakakanose-bleed kaya ito.

Natapos ang maghapon atang sarap humiga sa kama. Mamaya magrereview ulit ako. Nakakaloka mag-aral.

"Ende, ende may naghahanap sayo sa ibaba!"--Ate Joselyn

"Sino po ate?"

Hinintay ko naman ang sagot ni Ate joselyn pero wala. Siguro bumaba na din yon. Tumayo naman ako saka inayos ko sarili ko. Baka si Chase ito.

Pagdating ko sa sala nakita ko ang mga kaibigan kong nagkakagulo sa paghihiraman ng libro.

"O guys, anong ginagawa niyo dito?" pagtataka ko

"Overnight tayo sa pagreview!" pa-baby na sabi ni Zelyn

"Yep, kailangan matalo mo ang bruhang Ashley na yon." --Lhea

"Saka diba sabi namin, tutulungan ka namin!"--Charity

Pakiramdam ko naiiyak ako ngayon dahil sa pinapakita nilang suporta. They really are my true friends.

My Cousin'Tahan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon