Nagising ako dahil sa sigaw ng kapatid ko. Ano ba naman yan, ang sarap ng tulog ko e.
"Atteee!!" Ang aga aga ang ingay! Palagi namang ganyan yan eh.
"Natutulog pa ako. Ano ba Eme." Sabi ko habang nakatalukbong ng kumot. Nakakainis talaga siya e.
"Good morning beautiful."
Hm? Nananaginip lang ata ako. Kanina boses ni Eme naririnig ko ngayon naman kay Tristan. Ganito ba ang epekto ng pag-uusap namin kagabi? Naku naman.
"Ateee! Ayoko sanang papasukin tong boyfriend mong unggoy kaso kawawa naman kaya pinapasok ko na lang ayaw mo rin kasing bumangon diyan e."
Napamulat ako ng mata ko. Ano daw? Pinapasok niya? Si Tristan? Sa kwarto ko? At kakagising ko lang?
Bumangon ako sa kama at tumakbo papuntang banyo. Mabuti na lang at may banyo ang kwarto ko. Bakit ba kasi nandito ang lalaking iyan?
"Pagpasensiyahan mo na ang ate ko. Burara kasi yan kapag umaga." Rinig kong sabi ni Eme sa lalaking nandito sa kwarto ko. Ohno!
Nakalimutan ko, susunduin niya nga pala ako today. Sabi niya pa nga I'll pick you up tomorrow morning. If you're late you're dead!' Hala! yun na nga yun. Im dead talaga! Magtatransform na ang lalaking iyon sa pagiging Ceasar niya. Luhh.
"Hoi lalaking unggoy! Bakit ka nandito sa kwarto ko? Pwede namang sa labas mo'ko hintayin a!" Sigaw ko sa kanya. Kahit kailan talaga ang lalaking iyon bwisit.
"Bilisan mo diyan. Magtutuos pa tayo." Saka ko narinig ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.
Anong magtutuos?Luhh.. Baka dahil pinaghintay ko siya. Lagot!
Nagmadali akong maligo at nag-ayos ng sarili ko. Nakakahiya!Baka may panis na laway pa ako kanina. Yuck!
Lumabas na ako ng kwarto ko at napansin na masayang nag-uusap sina Kuya at Tristan. Luhh? Close sila?
Nasa hagdan na ako nang mapansin ako ni Kuya.
"oh! Andito na pala si Tina eh. What took you so long Tina? May naghihintay sayo dito kanina pa." Sabi ni kuya habang umiinom ng kape.
"Eh? Nandito na nga po ako kuya." Tiningnan ko si Taong unggoy ng nakakamatay. Hindi ko alam kong ano na naman ang pinagsasabi niya sa kapatid ko.
"Kuya, ihahatid mo ba ako?" Singit ni Eme na naka-uniform na rin.
"Sumabay ka na lang samin. Kami lang naman ng ate mo e." Sagot ni Tristan. Teka lang ha? Hindi ko maintindihan ang umagang ito.
Tiningnan ni Eme si Kuya na umiinom ng kape at nagbabasa ng newspaper.
"Sige na Eme. Sa kanila ka na sumabay." Si Kuya.
"Okay!" Nauna nang lumabas si Eme at sumunod naman si Tristan pagkapaalam niya. Siyempre bumuntot na rin ako. Bahala si kuya diyan.
Habang nasa sasakyan kami. Katahimikan na naman. Si Eme hindi mo makausap kasi may nakasalampak na headset sa tenga niya. Ganyan naman yan palagi e.
"Kailan pa kayo naging close ng kuya ko?" Pagbabasag ko ng katahimikan.
"Simula nung niligawan kita." simpleng sagot niya.
Ibang klase rin ang lalaking ito e. Pagkarating namin sa school agad na lumabas si Eme at umalis ng hindi man lang nagpaalam.
"Kakaiba talaga yang kapatid mo." Sabi ni Tristan.
Nagkibit balikat na lang ako. Habang naglalakad kami, hinablot ni Tristan ang dala dala kong libro. Wala talaga siyang manners.
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Teen FictionIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...