Chapter 22: Problema nila?

1.9K 54 13
                                    

Minulat ko ang mga mata ko. Mukha agad ni kuya ang nakita ko. Yung mukha niyang nag-aalala. Ayokong ganyan si Kuya.

Sigurado akong nasa hospital ako ngayon. Sa kulay ba naman ng kwartong ito.

"K-kuya?"Naisatinig ko na lang.

"How'd you feel?" tanong niya habang hinawakan ang kanang kamay ko.

Hindi ko masisi si kuya kung ganyan na lang siya mag-alala sakin. Alam kong kahit na kailan hindi siya nagkulang sakin bilang kapatid. Siya narin ang naging sandalan ko simula bata pa lang ako.

"A-anong sabi ng Doctor?" Tanong kong kinakabahan.

Napailing si kuya. Alam kong okey lang ako.

"You need to rest. Ako na ang bahala sa school mo. Siguro mas makakabuti kong tumigil ka na muna sa pag-aaral mo." Mahinahong sabi ni kuya.

"No kuya! Malapit na akong grumaduate at ayokong sayangin ang nasimulan ko na. Im not a kid anymore. I know what is right and wrong." I disagree with kuya. No! Ayoko talaga.

"Because of the insident happened, I dont think so papayagan pa kitang pumasok."

"kuya.. Please. Let me do it on my way. I can handle it." Pagmamakaawa ko kay kuya.

Hindi siya nagsalita. Tinititigan niya lang ako. Nangibabaw ang katahimikan.

Si kuya. Alam ko naman kuya eh. Inataki na naman ako ng trauma ko. My trauma happened during my Elementary days.

Wala akong mga kaibigan. Binubully ako ng mga kaklase ko. Sinasaktan. Sinasabihang ampon kasi hindi raw kami magkamuka ng kuya ko. Baby pa si Eme nun. Palagi akong pinapagalitan ni Mama. Kung ituring niya ako parang hindi niya ako anak. Sinasaktan ako.

Mabait lang siya sakin kapag andiyan si Papa. Pero madalas wala si papa kaya madalas saktan niya ako. Si kuya ang palaging nagtatanggol sakin. Palagi niya akong pinapatahan.

Hindi ko maintindihan kong bakit ganun ang trato sakin ni Mama. Wala daw akong kwenta. Kasalanan ko daw kung bakit namatay ang nakababata kong kapatid. Meron akong nakababatang kapatid. Namatay siya dahil sa isang aksidente.

Nasunog ang bahay bahayan namin. Naglalaro kami nun at magluluto daw siya. Pero sa hindi malamang dahilan, natumba ang kandila at nasunog ang itinayo naming kubo. Naiwan siya sa loob.

Simula nang insidenteng iyon. Naging malamig na si Mama sakin. Sabi niya hindi niya daw ako anak. Pero sabi ni Papa, hindi daw totoo yun. Palagi silang nag aaway dahil sakin. Dahil sakin na walang kwenta.

Ginawa ko ang lahat para lang magustuhan ni Mama pero baliwala ang lahat. Kahit na kailan hindi niya ako mapapatawad.

Kaya palagi akong nag-iisa sa school. Lahat walang gustong makipagkaibigan sakin. Inaaway nila ako. Ayaw nila sakin.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Lumapit si Kuya at pinunasan ito.

"Sabi mo kaya mo. Then what's that tears for?" Si kuya..

"Naalala ko yung dati kuya. Yung palagi akong sinasaktan ni Mama. Tulad din sila ni Mama." Hindi ko na mapigilan at napaiyak na ako.

Niyakap ako ni kuya. Sa yakap na iyon alam kong hindi niya ako iiwan.

"Ssshhh.. Everything will be fine. Okay?" He assured me. "Kalimutan mo na ang nangyari dati. Mahal ka ni Mama. At alam kong alam mo yun. So cheer up. Hindi bagay sayo ang umiiyak. Ang pangit na ng kapatid ko." Si kuya talaga.

Napatawa ako sa sinabi niya. Siyempre ayokong pumangit. Nakaya kong kalimutan yun dati. At kakalimutan ko rin yun ngayon.

Kinagabihan ay pinalabas rin ako sa hospital. Pinilit ko si kuya na ayaw kong matulog sa hospital total okey na ako.

Pumayag narin siyang magpatuloy ako sa pag-aaral. Hayy salamat. Si kuya talaga minsan padalus dalos ng desisyon. Pero kahit na ganun siya, mahal na mahal ko siya.

-- - - - -   - - -

"okay ka na ba talaga?" Tanong ni Ayana sakin. Isa pa tong makulit eh.

"Oo sabi. Ang kulit niyong dalawa."  Kanina pa ako kinukulit ng dalawang ito kong okay na ba talaga ako.

Tungkol sa nangyari kahapon, sabi ni Gabby nagdurusa na daw yung may gawa nun. Yung nagpasimuno ng kaguluhan kahapon, napag alaman ko ring isang Senior ang may gawa sakin nun. Ewan ko ano ang dahilan nila.

"Tina girl, si Paolo oh. .Parating dito." Si Gabby.

Ha? Hala.. Si future husband parating nga talaga dito.

Dahil sa nangyari hindi na ako nakasama kay Paolo sa birthday ng lola niya kahit na excited akong talaga. Naiintindihan niya naman daw.

"Hi Christina. How are you?" Paolo.

Alam kong nag-alala din siya sakin. Kenekeleg talaga ako. Ang gwapo niya kasi.

"Okay lang ako. Wag ka ngang lumapit sakin. Pinag-iinitan ako ng mga fans mo eh." Umusog ako palayo nung umupo sana siya sa tabi ko.

Tumawa lang siya bilang sagot sa sinabi ko. Si Future Husband talaga pinapakilig ako. Ayyyeeehh.. Wag ganun te.

"Dahil hindi ka nakasama sa birthday ni Lola, I guess okay lang na yayain kitang lumabas?" Teka? Tama ba ang narinig ko?

"LUMABAS?!" sabay pang napatayo ang dalawa kong kaibigan.

Nagulat kaming dalawa ni Pao sa sigaw nilang dalawa. Nahiya siguro kaya nagmadaling nagpaalam ang dalawa kesyo may gagawin pa daw silang report. Lagi namang may ginagawang report ang dalawang yun e. Mabuti na lang hindi ako kumuha ng Education.

"So I guess Silence means Yes?" Sabi niya.

Pagkatingin ko sa kanya, nahagip ng mga mata ko ang taong nakatayo sa likuran ni Paolo. Ano naman ba problema nito?

"A-ah e-eh.. O-oo naman - "

"Kakalabas mo lang ng hospital tapos makikipagdate ka na?" Singit ng taong nakatayo sa likuran ni Paolo.

Napalingon si Pao sa likod niya at nakita ang nagmamay-ari ng boses unggoy. Tumayo siya at nakipagtitigan kay Ceasar. Anong problema ng mga to?

"What's your problem with me dude?" Tanong ni Pao.

Ngumisi lang ang damuho at nilampasan si Pao para makalapit sakin.

"Amm.. Lets just say na,  ang pagmumukha mo ang problema ko." Anong nangyayari? Problema ng unggoy na to? Ka-gwapo gwapo ng future husbad ko.

"Ohh. So Am I a big threat to you?" Naghahamon na sabi ni Paolo. Ano ba kasi problema ng dalawang ito?

"What do you think?" Paghahamong sagot ni damuhong unggoy. Luuhh?

Nagkibit balikat lang si Paolo at ngumiti. Ang cute ng dimples niya.

"Psh! Ang yabang niya sa dimple niya." Narinig kong bulong ni Damuho.

"So Christina, I think the atmosphere is not good for us to talk,, I'll pick you up tomorrow night." At tumalikod na siya.

"S-sandali Pao!"  Hindi pa ako nakapagsalita ay lumingon siya sakin.

"Yeah, I know where to pick you." Nakangiti niyang sabi at umalis. Pahiya ako dun a. Walanjo..

Pero totoo? Magde-date kami? sabeehhh..

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon