Chapter 25: Suitors

2.1K 56 33
                                    

Sasabog na ang puso ko! Anobeyen! Si Ceasar the great monkey, nagconfess. Si Future Husband nagconfess. Luhhh? Ang ganda ko naman.

Siyempre dahil updated ang dalawa kong friendships naikwento ko na sa kanila ang nangyari.

"Waaahhhh!!! Ang haba ng hair mo te." Si Gabby na kunh makatili wagas. Seriously?

"Anong balak mo bessy?" Si Ayana.

"I don't know." Totoo naman eh. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong gawin just like hello? Sa labinsiyam na taon kong pamamalagi dito sa mundo ngayon lang may nagconfess sakin na gusto nila ako. Totoo yun.

Ngayon lang ba nila nadiscover ang beautiful face ko? Hindi naman kasi sila marunong kumilatis ng magagandang tulad ko. Haha! Ay? Hindi naman masiyadong mahangin no?

"Sinong unang nagconfess? Dali! Magkwento ka kasi. Details per details." Seriously? Si Gabby talaga. Chismosa!

"Kanina pa ako nagkukwento. Hindi ka ba nakikinig? Kung kiligin ka diyan ka para kang ewan." Ako

"Haha! Hindi kasi talaga ma-sink in sa utak ko eh." Baliw talaga siya.

"Alam mo bessy, dahil pareho naman silang may gusto sayo, let them court you. " Ayana..

"Teka? Diba si Future Husband lang yung nagsabing iko-court ka? So meaning walang plano si ang TeamTristan kong manligaw sayo? Hindi pwede!" Si Gabby. Ano namang nasa isip nito?

"Anong TeamTristan ka jan." Hindi ko malaman ang takbo ng pag iisip ng taong ito.

Nagkatinginan silang dalawa na parang yung mga mata ang nag-uusap tapos ngumisi. Luuhhh? Alam kong may kalokohan ang dalawang ito.

"Oh? Ano na naman yang iniisip niyo?" Masama to!

"Dahil TeamTristan ka," Si Ayana.

"TeamPaolo ako. Wala kang panlaban kasi si future husband akin. Sayo si Mang aasar. Haha!" Luhhh? Nasisiraan na sila.

"Okay lang. There's a saying ngang The more you hate the more you love. Malay mo, malay natin. Haha!"

Hindi ko maintindihan ang bangayan ng dalawa nang may nagtext sa phone ko. Si Ceasar. Kailan pa ba na-save ang number niya sa phone ko? Weird..

From: Monkey

    Punta ako maya sa bahay niyo. Tonight.

Ha? Anong gagawin niya dun? Bahala siya. Ewan ko sa unggoy na yun.

Nagring na ang bell at nagsipasukan na ang mga estudyante sa kanya kanyang classroom. Kaya ako pumunta sa locker para kunin ang mga librong gagamitin.

Pagkasara ko nang locker ko bumungad ang pagmumukha ni Maureen kasama ang dalawa niyang alipures. At galit na galit ang mga mata. May nagawa na naman ba ako?

Hindi pa ako nagsasalita nang makatanggap ako ng isang malutong na sampal.

Pak!

Dahil sa lakas ng impact ng sampal nabitawan ko ang mga libro ko. Bakit? Bakit niya ako sinampal?

Mabuti na lang walang mga estudyante sa parting iyon ng school.

"What do you think you're doing ? bitch?!" Ha? Tinawag niya akong bitch?

Hindi ako makapagsalita. Hindi pa siya nakuntento at sasampalin niya na naman ako. Napapikit na lang ako at naghintay sa sampal niya. Pero walang kamay ang dumapo sa pisngi ko.

Dumilat ako at nagulat sa nakita ko.

"Hindi mo dapat ginagawa yan sa babaeng nililigawan ko Maureen." Sabi niyang mahinahon habang hawak hawak ang kamay ni Maureen na sanay sasampalin ako.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon