Chapter 38: Secret

1.6K 35 13
                                    

GABBY'S POV

Its so very hot talaga dito sa Boracay! Nagsasawa na ako dito. Sana naman sa ibang lugar idadaos ang reunion namin. Like sa ibang bansa, di kaya sa Palawan na lang. I want to explore the underground river. Naloloka ako dun eh.

Last year, we celebrated our Family reunion sa Restaurant nila Maureen. And I found it so boring. Besides, I dont like the presence of my Evil Cousin.

Yeah! Sa ayaw at sa gusto ko. Iisa lang ang dugong nananalaytay samin ni Maureen and I kinda hate that. Isa siyang Ipokrita.

Well, anyway.. Nandito na lang rin ako.. I want to enjoy na lang. Sana andito sina Tina beybi at Ayana bear. Hayy.. Nakakamiss din sila. Magboboys hunting na lang ako.

May nakita akong machong lalaki. Tulo Laway ako agad. Supah Hot! Lumapit ako ng kaunti para magpapansin. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. This is a sweet serendipity. Wow! Parang kanta lang, Sweet Serendipity. Haha.

I was about to say Hi sa Supah hot na nilalang sa harapan ko ng may tumakbong cute little girl sa kanya and called him Daddy.

A Whattt? A DADDY?

Laglag ang balikat kong tumalikod. Sayang! Supah Hot pa naman niya kaso may Supah Cute na daughter. Nakakadagdag Supah init na panahon.

Umupo nalang ako sa inilagay kong tela para mapagpahingahan ko. Pinagmasdan ko ang lalaking Supah Hot na may kargang supah hot little girl nang may lumapit sa kanyang girl.

Lalo akong nawindang sa nakikita kong girl na lumapit sa kanya. Yun ba ang mommy ng bata? Nalipat ang mga mata ko sa mag-ama. Tapos lumipat na naman sa babae. I can't believe this.

Hindi naman sa judgemental ako pero yun ba talaga ang ina ng bata? Ang layo ng mukha ng cute little girl sa nanay niya na parang sinakluban ng napakaraming Durian. Ang daming pimples. Nakakadiri naman.

Ang saya nilang nag-uusap. Maya-maya'y namilog ang mga mata ko nang halikan ng lalaki si babae. Oh c'mmon. So grossss!

Hindi ko ma-take kaya tumayo ako at naglakad sa cottage namin. Paano niya nakakayang halikan ang pagmumukha ng babaeng iyon? Daig pa niya si Betty LaFeya sa kapal ng kilay niya eh. Nakakasuka!

"Ohh.. Gabbrielle, magready ka na mag-sstart na yung program natin. Dumating na yung mga pinsan mo." Sabi ni mom while busyng busy sa pagpapaypay ng barbeque niya. Asan na ba kasi si Manang at si Mommy gumagawa nito.

"Mom, its Gabby." Pagrereklamo ko sa kanya.

Ngumiti lang si Mom ng makahulugan. Seriously mom. Umalis ako sa harapan niya, I want to see those beautiful faces of my cousins.

"Hi cous," Sigaw ng kararating kong pinsan. Si Enrique. Kung hindi ko lang to pinsan tiyak na pinagnasaan ko na ang abs niya. Well, ganyan kasi ang lahi namin. Haha!

"Hi cous.. How are you? Im so glad you came." I said with my sweet smile.

Marami pang nagsidatingan. Nakakapagod naman masiyado kung ipapakilala ko sila sa inyo no.

Nasa hapag ako nang mapansin ko ang isang babaeng stand out sa lahat. Ang babaeng makakaagaw ng pansin. Ang kulay niya, ang curl niyang buhok na natural, wearing a two piece. Ang lakas ng karisma niya. She is so perfect.

Tumalikod ako. Ayokong pansinin siya. Sa tuwing nakikita ko siya, naiinis ako. Hindi dahil maganda siya kundi dahil Ipokrita siya.

"Hi cous, " Bati ng isang boses na pamilyar na pamilyar sakin. Na kahit natutulog ako ay binabangogot ako ng boses niya.

Humarap ako sa kanya a tinaasan siya ng kilay. Ngumiti lang siya sakin ng pagkatamis tamis na akala mo ay babaeng inosente.

Tumalikod ako ulit at bumalik sa pinagkakaabalahan ko. Nag-iinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang plastic niyang pagmumukha.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon