Chapter 33: Mah and Hal

1.7K 48 11
                                    


"Bakit mo akong tinatawag na mah? Ano ako, mama mo?" Tanong ko sa kanya na hindi ko parin inaalis ang pagkakatingin ko sa kanya.

"Ang slow mo talaga. Kinantahan na nga kita, grabe na effort ko sa paglalagay ng mga flowers and balloons na parang Valentines day kahit hindi Valentines ngayon.."

"Excuse me Papa Tristan.. Correction, TAYO! TAYO ang naglagay ng mga flowers and balloons and besides hindi ko pa nakukuha ang ipinangako mong bayad sakin." Singit ni Gabby na inilahad ang kamay niya.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Anong kalokohan na naman iyan?

"Eh kasi prend," pangunguna ni Gabby.

"Binayaran niya ako para bumili ng flowers and balloons and of coarse para sa set up na'to.." Gabby

"And ofcoarse! Tumulong din ako at pinangakuang babayaran ng gwapo mong boyfriend. So amin na ang bayad mo Papa T.." Sabat naman ni Ayana.

Seriously? Kelan pa naging mukhang pera ang mga kaibigan ko?

Dahil nakalahad ang kamay ng dalawa, nilagyan ito ni Tristan ng tig1000.. What? grabe.

"Yan. Kung ganyan ka lang palagi Papa T.. edi magkakasundo tayo. Diba Gab?" Ayana.

"Well yes! Thanks for this Papa Tristan. May pambili na naman akong bagong lipstick." - Gabby

"No worries. Salamat din sa inyo." Nginitian ng boyfriend ko ang dalawa. Waahh! Boyfriend KO. As in KO. Capslock para intense! ahihi.

"Oh mah.. Kanina ka pa ganyan. Kinikilig ka parin ba? Ang galing kong kumanta ano?" Nagpogi sign pa talaga siya.

"Tigilan mo nga ako. At anong Mah?" Tanong ko sa kanya.

"Mah as mahal at ang itatawag mo sakin hal. Mah at tsaka hal. Oh diba ang sweet?" Pagmamayabang niya..

Sumang-ayon din ang dalawa kong friendships. At kinilig pa talaga.

"Mah and Hal. Ang sweet nga." Komento ni Yana.

"Mahal. Wow! Unique yun a." Banggit ni Gabby.

Nagkakaintindihan talaga sila. Ano bang pinakain ni Tristan sa dalawang ito? Ahh.. Sinuhulan niya pala ng pera. Tsk!

"Pare!" Sigaw ng isang lalaki kay Tristan.

"May practice tayo ngayon. Excuse na tayo sa klase natin. Pinapatawag ka pala ni Coach." Sambit ng isa na sa pagkakalam ko'y Steve ang pangalan.

"Sige!" Tumayo si Tristan para sumama sa kanila.

Ang buong akala ko aalis na siya pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila patayo. Hindi rin siya mahilig manghila ano?

"Uh! Bakit?" Tanong ko.

"Come with me. Kailangan mo akong cheer." Ha? Nababaliw na ba siya?

"Hello? May klase ako. Wag ka namang bad influence Tristan." Pagrereklamo ko.

"Anong Tristan?" Tanong niya.. Eh? Diba Tristan ang pangalan niya? Nag-iinarte na naman siya.

Binitiwan niya ang kamay ko at umalis. Luhh? Anyare? BAkit parang galit?

Tinawag ko siya pero ni hindi man lang lumingon. Bakit?

"Galit ata siya bessy," -Ayana na kumakain ng chips

"Hala ka Tina bear. Kakasagot mo pa lang sa kanya kahapon nagtampo na siya agad?" Gabby

Nahagip ng pandinig ko ang huling sinabi ni Gabby. Nagtampo? Tama! Gusto niya sigurong Hal ang itawag ko sa kanya. Ang daming arte.

Umalis ako sa harapan ng dalawa at bumili ng tubig. Pupuntahan ko siya. Hindi ako papasok. Ichecheer ko siya. Ibang klaseng boyfriend.

Pumasok ako sa gym at nakitang nag-uumpisa na pala ang practice nila. Kahit na practice pa lang ang dami ng nanunuod. Ang dami ring nag-checheer.

"Go go go Tristannn!!!" Sigaw ng ilang grupo ng babae. Hello, girlfriend here..

Umupo ako sa isang bleacher at nanuod. Kumaway ako para makita niya ako. Pero deadma. Ay ang sama. Ilang beses akong kumaway. ALam kong nakita niya ako.

Ayaw pa rin akong pansinin. Bahala siya. Aalis na nga lang ako.

Aalis na sana ako ng sumabit sa railings ang palda ko at akmang mahuhulog ako. Waaahhhh!!

"waaahhhh!"

"Hala ang babae! Mahuhulog!" Sigaw ng ibang studyante.

Ohno! Hindi ko gusto to. Waahhh! Help!

"Aaaahhhhh!! Help!" Sigaw ko habang kapit kapit ang railings na sa tingin ko'y matibay. Bakit ba kasi ang malas ko.

Naramdaman kong nagsitakbuhan ang mga studyante sa direksiyon ko. Konting konti na lang at mahuhulog na ako. Masisira na ang railings. Akala ko matibay, hindi pala.

"Heelllpppp!!" Tristan. Huhu..

Konting konti na lang. Mahuhulog na ako.

Ilang segundo pa'y natanggal ang sumusuportang pakobsa railings. Katapusan ko na.

"Aaaahhhh! "

Blag!

Bakit parang may sumalo sakin? Minulat ko ang nakapikit kong mata at nakita ko ang Hal ko. Sinalo niya ako. Pero paano niya ako nasalo?

"Ang clumsy mo talaga kahit kailan." Wika niya.

Tiningnan ko ang pinanggalingan ko kung saan ako nagmula sa pagkakahulog. Biglang nakaramdam ako ng hiya ng malamang hindi pala kataasan ang railings. Sa totoo lang pwede mo ka nga lang lumukso eh.

"A-akala ko mataas." Nahihiya kong sabi. MAy pa-help help pa akong nalalaman.

"Ay! Mababa lang naman.Tara balik na tayo sa pwesto natin. Agaw pansin ang babaeng iyan." Rinig kong bulong ng ilang studyante.

"Next time wag kang aakyat diyan kung sa tingin mo mahuhulog ka. At wag mo ng suutin yang palda mo." Si Tristan.

"Im sorry." sabi kong nakayuko. Agaw pansin pala ako kanina. Natigil ang practice e.

"Sige na. Pumasok ka na sa klase mo."

Bakit ang cold niya?

"Sorry na Hal. Hindi ko na uulitin. Sorry talaga Hal." Nagpaawa effect pa talaga ako.

Ngumiti siya? Ngumiti nga siya. Hindi na siya galit sakin. Yehey!

Kinurot niya ang ilong ko. Ang sweet namin. Ayyeeehhh..

"Ikaw talaga Mah." Inakbayan niya ako.

"Paano na lang pala kapag wala ako? Clumsy ka talaga."

"Kaya nga.. Wag kang umalis sa tabi ko ha?" I said while pouting.

"Ang cute Mah ko."

"Siyempre naman."

"Oh! Tama na muna yang ka-sweetan niyo. Practice muna tayo Tristan."

Dahil sa nangyari na nahulog daw ako slash mababa lang pala ay natigil din ang paglalaro nila. Sarreeeyyy huh! K.

"Dito ka lang Mah ha. Hintayin mo ako." Sabi ni Tristan habang tumatakbo palayo. At nag-flying kiss gamit ang dalawang darili niya. Kakakilig.

"Go Hal ko. Kaya mo yan!" Siyempre todo cheer rin ako.

Ang cute naman.

MAH and HAL.. y^o^y

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon