Chapter 37: Christmas Vacation

2K 39 8
                                    

CHRISTINA'S POV

Kararating lang namin dito sa Zamboanga. ANg alam ko mga bisaya at tsabakano yung mga tao dito. Nakakaaliw naman pakinggan.

"Aha man mo sir? "(saan po kayo sir?) Tanong ng isang lalaki na tantiya ko'y isang driver ng sasakyan.

"No, thanks. We are waiting for someone." Sabi ni kuya. Epic ang pagmumukha ng lalaki. Nakakaintindi si kuya ng bisaya kasi nakapag-aral siya dito.

"Ay! Inglis man diay. Maglisud tag sabot ani." (Ay! English pala. Mahihirapan tayo sa pag-intindi nito.) Sabi ng mamang driver at umalis na lang.

"Kuya! I'm hungry!" Pagrereklamo ni Eme. Pambihira talaga ang batang ito. Anong tiyan meron siya.

"Clint!" Tawag ng isang maputing babae kay kuya.

"Tita Janice." Bati ni kuya kay sa naturang babae at sabay nagmano. Nagmano na rin kami dahil ginawa yun ni kuya. Hehe!

Hindi naman katandaan. Sa tingin ko'y mid 40's pa siya.

"How's your trip? Pasensya na ngayon lang kami. May dinaanan pa kasi kami." Pagpapaliwanag niya.

"Okay lang ho. By the way, sina Tina at Eme po." Pagpapakilala ni Kuya samin.

"Naku! Ito na ba sina Tina at Eme? Dalaga na a." - Wika ni Tita Janice. "Halina kayo at nang makapagpahinga kayo. Mahaba pa naman ang byinahe niyo."

Naglakad kami papunta sa isang SUV na sasakyan. Ito siguro yung asawa ng kapatid ni Papa.

Hindi ko na kasi matandaan. Yung huling kita ko sa kanila nun namatay si Lola. That was 14years ago. Siyempre wala pa akong kamuwang muwang nun.

"Ang Tito Francis niyo hindi na sumama. Inaasikaso kasi yung manggahan."

Nasa loob na kami ng sasakyan. Magiliw si Tita Janice. Palangiti. Hindi ata nauubusan ng kwento. Sa pagkakaalam ko may tatlo silang anak. Si Kuya Matthew, Ate Franice at yung bunso nila. Si Janna na kasing-edad ko lang.

"Nasan po si Janna Tita?" Pagtatanong ko.

"Naku! Ang batang iyon. Babyahe pa sa makalawa pauwi dito. Nasa Cebu pa. May mga tinapos lang daw na requirements." Pagpapaliwanag niya.

Tiningnan ko si Eme. Nakapikit at may Headset. Hindi na ako nagtataka. Mainipin kasi yan.

* * * * * *

"Mabuti at naisipan niyong magbakasyon dito Clint." Tanong ni Tito Francis. Nasa hapag kainan kami ngayon at kumakain ng pananghalian.

Kasalo namin sa pagkain si Ate Francine. She is a serious type of woman. She is engaged at ikakasal na this coming March. Parang si Eme na minsan lang din kung magsalita kaso lang yung kapatid ko, makulit minsan. Siya kasi hindi. Nakakapanis ng laway. Haha!

"Oo nga Tito. Mapilit si Dad eh. He gave me a break. Magbakasyon daw kami dito. Ayoko sanang iwan ang company, mas gusto kong ako mismo ang magmonitor." Pagpapaliwanag ni kuya habang kumukuha ng sinigang na hipon.

"Pareho talaga kayo ng papa mo. Business minded. Kumusta naman pala sila ng Mama mo?" Tanong niya ulit.

"They are fine. Ang alam ko, uuwi sila next year pero I don't know when is the exact date." Sagot naman ni kuya.

Kami ni Eme? Kain lang ng kain. Hindi uso samin ang sinigang na sugpo. Hehe. Yum. Yum. Yum. Yum. Sarap.

"That's good." Wika ni Tito

Marami rami pa silang pinag-usapan and its all about business. Na-oOP kami ni Eme.

* * * *

Nang mga sumunod na araw, dumating na rin si Janna. Siya lang yung ka-close ko dito. Magkasing-edad kasi kami. Kwela rin siya. Tulad ng Mommy niya na hindi nauubusan ng kwento.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon