The next day maaga akong pumasok. Siyempre inspired ako, Thursday ngayon at 2 days na lang Saturday na. Excited much?
Papunta akong locker para ilagay ang mga dala kong libro. Kahit na ayaw ko sa kursong ito, nag aaral pa rin naman akong mabuti. Yun ay kung maisipan kong maging mabuti sa klase.
Pagkabukas ko ng locker ko ay may nakita akong maliit na papel. Pangalawang papel na ito.
Christina,
Wishing you a happy day! Take care always.P.S. Im watching you so be careful.
Someone
Hindi ko alam kong kikiligin ako o matatakot sa sulat na to. Sino ba'to? Yung tungkol sa stalker ko? Lately, hindi ko na nararamdaman na nag-eexist pa siya. Siguro ang damuhong lalaki lang iyon. Hayy..
Inilagay ko na lang ang libro ko at pumunta sandali sa library since maaga pa naman. Hihintayin ko na lang ang bell para sa klase.
~~~
Oh geesss!! Nandito na naman ako kung saan una kong nakilala ang bwisit na damuhong iyon.
May ilan ng studyanteng nandito pati si Maam Librarian. Ano ba ang magandang gawin dito? Umupo ako sa pinakagilid at inilabas ang cellphone ko.
Pumunta ako sa my Applications at pinindot ang Wattpad. Magbabasa na lang ako ng The Four Bad Boys and Me by Blue Maiden.
Nakakatawa naman si Jeydon at Candice. Haha.Hehe. Hihi. Hoho. Huhu.
Ilang oras din ang lumipas at nagbell na hudyat na mag-sstart na ang klase. Lumabas na ako ng library at dumiritso sa klase ko.
Gano'n pa rin. Walang kagana-gana ang klase namin. Ayoko sanang makinig pero sabi ng Prof namin, after the discussion magbibigay siya ng quiz. Ang OA din nito eh.
Natapos na rin ang klase namin at nakakuha ako ng 26 over 35. Hindi na masama para sa isang studyanteng walang gana.
Pumunta ako sa locker ko para kunin ang librong gagamitin ko sa next class ko. Pinagtatagpo talaga kami ng future husband ko tulad ngayon. Heto na naman tayo. Kilig mode activated.
"Hi Christina. How are you?" bati ng gwapong nilalang sa 'kin.
"Hello Pao. I'm fine, ikaw?" pacute ko namang sagot.
"Same here. Saan ang punta mo?" he asked.
"Sa Locker ko. Then sa next Class ko," I answered.
"Saan room ang klase mo?" Nakangiti niyang tanong sa 'kin. Hindi talaga ako magsasawa sa kanyang mga dimples. Shit lang talaga.
"Sa Zircon. Yung bagong building. Inilipat dun ang Labor Law kong subject." Siyempre hindi dapat mawala ang poise ko. Waaahhh!
"Really? Do'n din ang klase ko. Trinansfer din ang ilang subjects ko. Sabay na tayo?" nakangiti niyang aya sa 'kin.
Siyempre hindi ako hihindi. Sabi nga nila bawal tanggihan ang grasya.
"Sure! Kunin ko lang libro ko sa locker." Oooppss! Dapat may kaunting pakipot ako neto eh.
"Samahan na kita, total may oras pa bago mag-start ang klase," giit niya na dahilan para magtatalon ang nerves ko.
Sinamahan ako ni Pao sa locker ko. At sabay na kaming pumunta sa bagong building. Teka? Destiny ba ito? Palapit nang palapit na kami sa isa't isa e. Pero duhh? Walang destiny. Kung magkakatuluyan man ang dalawang tao, 'yun ay dahil sa ginusto nila.
"Amm. Pao?" Nahihiya akong magtanong sa kanya kung alam niya ba ang address ng bahay namin.
"Yes?" Bitbit niya ang libro ko. Para kaming magsyota. Sana totoo. Kung alam mo lang sana Pao na gustong gusto kita. Ayyeehh. Wag ganyan. Kinikilig ako.
Dahil sa kilig, napatid ako at nabangga sa likod niya. Shit. Nakakahiya.
"S-soorrryy.." Wrong timing.
"Ikaw talaga. Napaka-clumsy mo, Eventhough you are Clumsy. I still AAhzbzhs you," Ha? Ano daw? Wala akong narinig. Paano ba naman kasi, may dumaang bwisit na lalaking may dalang megaphone at nagsisigaw.
Trip ba niya yun? or sinadya? Leche!
"What did you say? Hindi ko narinig kasi biglang nagloko ang megaphone nung dumaan," tanong kong naguguluhan.
"Hahaha.. Wala. I said, you're cute."
Hu-wattaa? Ano daw? Cute ako? Cute ako? Talaga? Talaga?! Ayyyeehhhh..
"Wag mo nga akong biruin. Ikaw talaga Pao." Gusto kong ulitin niya. Waaahh. Gusto kong marinig, ano ba kasi iyon?
"I'm gNSJSNDD HABSBDKD" what? Bwisit na megaphone na yan. Gustong gusto ko talagang sirain at itapon sa planet Neptune.
Magtatanong pa sana ako pero andito na pala kami sa harap ng room ko.
"We're here! Bye Christina." Inabot niya sa 'kin ang libro ko at umalis. Ako naman ay pumasok na lang nang hindi mawala ang mga ngiti kong abot langit.
Ikaw ba naman sabihang CUTE ng FUTURE HUSBAND mo. Baka nga ma-sufocate pa kayo e. Ma-sufocate sa kilig.
Paupo na ako nang matumba ako kasi hindi pala kompleto ang paa ng bangkong naupuan ko. Ohno!
"Aww!" Walanjong upuang ito. Panira ng kilig moment. Leche! Bakit ba kasi ipinasok iyan dito kung sira naman pala.?!
Ano pa ba'ng bago? Tumataginting na naman ang tawanan ng mga kaklase ko. Tumayo ako at pinagpag ang palda ko. Mabuti na lang hindi Pink Spongebob ang suot kong undies. Naghanap na lang ako ng matibay na upuan. Pagkaupo ko ay sakto rin ang pagpasok ng prof namin.
Matapos ang klase ay pumunta akong locker. Hindi ko na nakita pa si Paolo. Siguro naunang natapos ang klase nila.
Pagkabukas ko ng locker ko may nakita na naman akong papel.
Christina,
Please meet me at the gym. ASAP!
Someone
Hhmm? Sino ba'to at gusto niyang makipagkita ako sa kanya sa gym? Tiningnan ko ang wristwatch ko. 6pm na. Sige, total wala narin akong klase pupunta na lang ako do'n. Para naman makilala ko ang Someone na'to.
Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit sa locker, dumiretso ako sa gym.
Wala nang katao-tao dito, pero bukas ang gym. Pumasok ako sa loob. Wala akong maaninag na tao. Siguro pinaglololoko lang ako ng Someone na iyon. Sa halip na lumabas ay, pumunta muna ako sa back stage, baka nando'n ang hinahanap ko, pero wala. Sa C.R, wala. So confirm, walang tao.
Pinaglololoko lang ako ng sumulat neto. Hinawakan ko ang Doorknob ng gym para makalabas na ako.
Hala! Bakit ayaw bumukas?! Na-lock ba ako dito? Hindi pwede 'to. No! Pinilit kong buksan ang pintuan pero talagang nakasara. Ohno!
"May tao ba diyan? Please help me. I'm stuck in here!" Pero walang response. Tiningnan ko ang wristwatch ko. It's already 6:47pm.
Ano ba tong napasok ko? Mga ganitong oras, wala na masiyadong dumadaan dito sa gym. Paano na'to?.
Gumawa ako ng ingay para may makapansin sa 'kin. Pero wala talaga! May nakita akong anino. Hindi naman yun multo 'di ba? Hindi. Hindi. Takot ako sa ghost. I wanna scream so loud.
May narinig akong parang nagbubulungan at nagtatawanan.
"Help! Help!." hindi magkamayaw na sigaw ko.
Pero wala pa ring response. Maya-maya nawala na ang nagtatawanan. Bigla kong naalala. Yung nahulog ako sa hukay. Alam kong may tao dun at nagtatawanan. Mga babae. Katulad no'ng nagtawanan kanina. Pero sino sila? Sino ang nagkulong sa 'kin dito?
Wala akong maisip kung sino ang may galit sakin.
Diyos ko! Hindi pa po ba ako katanggap-tanggap sa kaharian mo?
Sino ang may gawa nito? Tulungan niyo ako please!
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Teen FictionIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...