TINA'S POV
Last day na ng challenge namin ngayon. Binigyan ng Mapa bawat partner para sa huling challenge na aming kahaharapin. Ito ay ang Puzzle Game.
Kailangang hanapin namin ang mga nawawalang piece ng puzzle sa tulong ng mga mapang ibinigay sa 'min. Ang puzzle ay ang logo ng school namin.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang amazing run, ay! Ang Puzzle Game pala. Ano pa ba ang bago? Siyempre magkasama kami ngayon ng engkantong lalaking ito.
"Akin na nga yang mapa!" Galit siya? Anyare? Hindi na lang ako umimik.
Tungkol sa pagkasabi niya ng Thank You? Ewan ko anong pumasok sa isip niya. Sinaniban siguro ng masamang espirito kaya ganun.
FLASHBACK..
"Hoy bakulaw!" tawag ko sa kanya habang nangingisda kami sa ilog. Eh? Survival ba 'to? Ayoko ng ganitong buhay. Sa bahay nga prinsesa ako dito naghahanap ako ng sarili kong makakain? Kumusta naman kaya ang mga nahuli ko? Kawawa naman kayong mga isda.
Nakailang tawag na ako sa damuhong nilalang na iyon ay hindi pa rin siya lumilingon. Tinawag ko ng monster, Ceasar, Unggoy, Engkanto, kwago, at kahit ano pang ugly creatures pero hindi talaga ako pinansin?
"Hoy Tristan!" Lumingon siya nang marinig niya ang pangalan niya. Nyek? Masiyadong choosy ang lalaking ito.
"Yes?" hinarap niya ako. Nagpapacute pa talaga. Eh hindi naman cute.
Tsaka, hindi naman bagay sa kanya ang pangalang Tristan eh mas bagay sa kanya ang pangalang Ceasar. Mas bagay sa kanya kung sasabihin niya ang linyang 'Ceasar is home.' Laughtrip.
"Oh? Aaminin mo na bang crush mo 'ko?".. Siya lang ata ang nakita kong mangingisdang naka-shades, ang arti.
"In your dreams! Kanina pa kita tinatawag. Nagbibingi bingihan ka lang eh."
"Eh? Tinatawag mo'ko? Ngayon ko lang narinig pangalan ko eh. Akala ko nga nasasaniban ka na ng bad spirit kasi panay pagtawag mo ng mga not like ours creature." Inaasar ba ako ng bwisit na'to?
"Damuho kang lalaki ka! Bakulaw!" Asar na ako e.
"Ano na naman ba? Tigilan mo nga ako sa pagtawag niyan Clumsy Leggings girl na kalahi ni Tweety Bird."
"Kailan ko pa naging kalahi si Tweety Bird? Aber?" Dinuro duro ko pa siya ng hawak kong taga sa mga isda. Bigyan ba naman ako ng kalahi?
"Whoah! Easy ka lang Miss Clumsy." Natatawa ba siya? Pinipigilan niya eh.
"Ikaw lang nakakaalam niyan. Bakit mo naman itatanong sakin?" nang aasar talaga ito e!
"Wala kang kwentang kausap!" sigaw ko sa kanya saka tumalikod.
Tumahimik na lang ako at nagpatuloy sa paghahanap ng isda. Gutom na kaya ako. Ayaw ko siyang kausap! Gusto ko lang naman sanang itanong kung para saan yung Thank You niya kagabi.
"Yung thank you pala." panimula niya.
Luuhh? Nabasa niya ang iniisip ko? Edward Cullens is that you? Gawin mo na akong vampire ngayon din.
"Thank you kasi..." kasi?
"Kasi kahit papano eh may naitulong kang tama sa challenge natin kahapon. Yung tungkol dun sa bugtong? Hindi ko alam na magaling ka pala sa bugtong?"
Eh? Yun na yun? Nang dahil sa bugtong? Hindi ito ang inaasahan kong dahilan. Akala ko sasabihin niyang Thank You kasi ikaw kasama ko sa mga challenges. Baliw na nga ata ako. Ipa-check ko kaya sa specialist itong pag-iisip ko.
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Teen FictionIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...