CLINT'S POV
Ngayon alam ko na ang katotohanan. At hindi ako papayag na patuloy paring nagagalit si Tiffany sa'kin. Alam ko sa sarili ko na mahal niya pa ako. Kailangan ko siyang makausap.
Nagdrive ako papunta sa Paper Industry kung saan kasalukuyang pinamamahalaan ni Tiffany ang kompanya nilang iyon.
Bigla ko na namang naalala ang tagpo namin nung isang buwan.
"Bakit kailangan pa nating magkita Clint. Tapos na ang lahat sa'tin." Matigas niyang sabi.
"Alam ko yun Tiff, wala akong masamang motibo sa'yo. Infact I'm here to have an investment in your company." Mahinahong sagot ko.
Natulala siya. Napahiya ata. Lihim akong ngumisi.
"In that case, hmm.. Nabalitaan kong papalubog na ang kompanya niyo. So tell me, bakit ko tatanggapin ag proposal mo?" Mataray niyang sabi. Hindi pa rin siya nagbabago.
Napangiti ako. Silly Tiffany. Nakarating na ako at dire-diretsong pumasok.
"Good morning sir Santos. How may I help you?" Tanong ng secretary ni Tiffany.
"Nasa loob ba si Tiffany?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa HR department po siya ngayon sir." Sagot niya sa'kin.
Hindi ko na siya sinagot at dali-dali akong tumakbo papunta sa HR department.
"Where is Tiffany?" Tanong ko sa supervisor ng HR.
"Nasa pagawaan po sir." At tumakbo papunta dun.
Malayo pa lang namataan ko na siya na busy sa pakikipag-usap sa mga empleyado. Pinagmasdan ko siyang mabuti.
Ang ganda niya pa rin. Hindi kumukupas ang kagandahan niya.
Lumapit ako. "Hi Miss Beautiful."
Napalingon siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. Napangiti naman yung mga nakarinig.
"Hey, " Habol ko sa kanya ng tinalikuran niya ako at naglakad palayo.
"Tiff.."
"Stop calling me Tiff!" Galit niyang sigaw sa harapan ko.
Ngumisi naman ang mga empleyadong nakakakita sa'min.
"May LQ kayo sir?" Tanong ng isang empleyado. Ngumiti lang ako sa kanya.
Nang makalapit kay Tiffany ay inakbayan ko siya.
"Ano ba! Wag mo'kong akbayan!" Tili niya.
"Wag mo ng pakialaman love story ng kapatid mo." Bulong ko sa kanya.
"What do you mean?" Lumalaki talaga butas niya sa ilong kapag nagagalit. Hindi ko lubos maisip n
mahal ko pa rin ang babaeng ito."I said, stop ruining the love story of your bro and my sis. They are old enough." Sabi ko habang ipinasok ang isang kamay ko sa kaliwang bulsa ko.
"Are you crazy?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Alam ko na ang lahat Tiffany. Ang pakikipagsabwatan mo kay dad." Sabi ko sa kanya na siyang ikinagulat niya.
"What are you talking about? I don't know anything.." Iwas niya ng tingin sa'kin.
"Aish! Bakit ba napakasama mo? Pwerket nasaktan kita noon ganyan din gagawin mo sa kapatid ko? Ang masaklap pa nun,pati kapatid mo dinamay mo pa. Baka nakakalimutan mong ikaw ang gumawa ng mga sulat nina Tristan at Tina." Sabi ko habang naglalakad palapit sa kanya.
"What did you say?" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses.
"T-Tristan?" Nabubulol niyang tanong sa kapatid niya na kararating lang.
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Fiksi RemajaIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...