Chapter 21: Bad memories..

2.5K 58 17
                                    

Hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari. May nagkulong sakin sa gym, pero sino ang gagawa nun?

Si Tristan? Bakit siya nandun? Gumugulo ang isip ko.

"ate, kuya is looking for you." Si Eme.

Tiningnan ko lang siya nang nagtatanong.

"Ewan ko. Sabi niya, 'where is Tina?' and I answered him 'I dont know kuya'" Ginaya pa niya ang boses ni kuya. Napaka isip bata talaga ng kapatid kong ito.

Kami lang tatlo ang nandito sa bahay sa kadahilanang palaging wala ang mga magulang namin. Si kuya Clint lang kasama namin simula nung bata pa kami. Siya na ang tumayong mama't papa namin ni Eme. Ang parents namin? Hindi ko alam kung nag-eexist pa ba sila.

"Ewan ko sayo." Sagot ko at tumayo para puntahan si kuya sa kwarto niya. Baka hindi pa siya nakakaalis.

Araw araw wala si kuya dito sa bahay. Palagi siyang nasa kompanya. Kawawang kuya. Magiging matandang binata na talaga to e. Wala man lang akong nabalitaan na nagkaroon siya ng girlfriend. Hayy.

Hindi ko na ipinaalam ang nangyari kagabi. Alam kong mag-aalala lang si kuya pati na yong mga tao sa bahay. Nagpumilit pa ang unggoy na lalaking iyon na ihatid ako dito sa bahay. Nakakaloka. Sabi niya para safe daw ako. Eh? Dapat ba akong kiligin? Baliw na nga talaga ako! Hindi ko type ang damuhong engkantong kalahi ni Ceasar the great monkey.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni kuya. Pumasok ako ng marinig ko ang boses niya.

"Kuya, hinahanap mo daw ako? Bakit?"

Napalingon siya sa direksiyon ko. Anong problema ng kuya ko?

"Wala. Namimiss lang kita. Hindi na kasi kita palaging nakikita dito sa bahay. Saan ka ba nagpupunta?" Ha? Ang wierd ng kuya ko. Hindi naman siya ganito kung maglambing a.

"Eh? kuya? Alam mo ang wierd mo. May problema ka ba?" Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama.

"Halika nga dito. Payakap nga ang kuya."

Lumapit ako sa kanya. At niyakap siya ng napakahigpit.

"Palagi ka kasing nasa office kaya bihira na lang tayo magkita. Umabsent ka nga ng isang araw kuya tapos magshashopping tayo." Para akong batang nagrerequest.

Ginulo niya ang buhok ko. "I'll try that some other day. ok? Sige na. Wala ka bang pasok?"

"Masama ang pakiramdam ko. Alagaan mo naman ako kuya." Pagmamaktol ko.

"Hindi ka na bata para alagaan pa kita. Sige na. Aalis na ako."

Hinalikan niya ako sa buhok at umalis.

Anong problema niya? Wierd.

------------- - - - - -

Kinabukasan ay pumasok na ako. Nakakabagot sa bahay. Baka maging wierdo na naman bigla ang kuya ko. Nakakapagtaka nga eh.

"Ano ka ba prend, baka naman naglalambing lang ang kuya mo. Sana naman tinawagan mo'ko para ako na maglambing sa kuya mo." Si Gabby na panay lagay ng kung anu ano sa pagmumukha niya.

Teka? Palagi kong napapansin na parang lumalandi na ang kaibigan kong ito a. Si Yana naman hindi madisturbo sa kakatext. Sino ba katext nito? Ang wierd talaga ng mga kaibigan ko ngayon. Ay mga tao pala.

"Hoy Gabby, lately, napapansin kong todo make up ka na a. Lumalandi ka na ba?" Paratang ko sa baklang ito.

"Tina bear naman. Ayokong may mas maganda pa sakin. So dapat magpapaganda ako palagi." Sabay pahid ng kung anu ano sa pagmumukha niya.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon