Chapter 55: Forget and forgive

1.1K 31 5
                                    

CHRISTINA'S POV

Bakit kailangan pa naming magkitang muli? Okay na ako e. Okay na kami ni John Edward. Alam ko na sa sarili ko na mahal ko si JE and magpapakasal na kami.

Sa loob ng dalawang taon, natutunan kong mahalin ang lalaking kahit na kailan ay hindi ko inisip na mahahalin rin ako. Oo! Alam kong mahal din ako ni John. Ramdam ko yun.

"Babe.." Tawag ko kay JE. Kasalukuyang kumakanta sa stage si Tristan. Bakit  apektado ako sa mga salitang binitawan niya para kay Aliyah. Posible kayang?

"Yes?" Sagot ni JE sa'kin.

"Restroom lang ako." Paalam ko sa kanya then smiled.

Umalis ako. Sa totoo lang, hindi naman ako naiihi or what. Gusto ko lang maka-alis dun. Lalo akong nahabag nang marinig ko ang kanta namin dati. Inaasar ba ako ng panahon?

Pumunta ako sa swimming pool. Gusto kong magpahangin. Gusto ko na sanang umuwi pero baka kung ano ang isipin ni John.

Si John. Si John lang ang para sa'kin. Siya ang nandiyan nung nasasaktan ako. Alam niya ang tungkol kay Tristan pero ni hindi niya kilala o nakikita pa kung sino si Tristan. Nagpapasalamat ako't hindi niya rin ako tinatanong sa mga ganyang bagay.

Tiningnan ko ang tubig. Ang asul na tubig ng pool. Nasa Restaurant kasi ng hotel iniheld ang party. Karugtong ng restaurant ang swimming pool para sa mga nag-sstay sa hotel.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Dahly sa'kin noon.

"As what as I said, di ko masosolve ang problemang hart hart mo. Pero wag kang padalos dalos into commitment my dear. Kung plano mong gawing panakip butas, rebound, scapeboat, means of moving on or whatever si John Edward please don't. Dalawa lang patutunguhan niyan either you fall in love with him or you will just fool yourself and end up hurting each other."

"Dalawa lang patutunguhan niyan either you fall in love with him or you will just fool yourself and end up hurting each other."

Pabalik balik sa sistema ko ang mga sinabi ni Dahly. Nasaan nga ba ako sa dilemang iyan?

I sigh.

Malayo na ang narating ko. Namin.

"Hi!" Napapitlag ako sa narinig kong boses. Na Sa kadahilanang naapakan ko ang suot kong gown at anytime magdadive ako sa tubig. But luckily someone drag me from that moment.

"Tanga pa rin kahit kailan." Bulong ng lalaking humila sa'kin. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso niya dahil nasa dibdib niya ang mukha ko.

Umayos ako ng tayo at lumayo ng konti sa kanya. Hindi ako nagsalita. Isang katahimikan ang bumalot sa'min.

"Hindi ka na talaga nagbabago. Clumsy leggings girl. But let us drop  the word leggings, hindi ka nakaleggings so, much better Clumsy girl." Isinatinig niya.

Tiningnan ko siya. Hindi ko man maaninag ang brown niyang mata. Pero may nagbago sa kanya. He has an earing in his right ear na kumikislap ng dahil sa ilaw. He is smiling at me na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Gwapo pa rin ba ako at ganyan ka makatingin sa'kin?"

Shit! Bakit kailangan niya akong  kausapin ng ganyan? Can he just talk to me casually? Bakit kung makipag-usap siya sa'kin para lang walang nangyari?

"Louise.." Bulong niya pero rinig na rinig ko. Noooo! Please. I need to go. Hindi ko kakayanin pa  ang mga susunod na bibitawan niyang salita.

Akmang aalis na ako ng hinawakan niya ako sa braso.

"So, your the fiance of my girlfriends' cousin?" Sa tinig niyang muli.

Tiningnan ko lang siya sa mata. Hindi ko mabasa ang emosyong ipinapakita niya.

"And.." Lumabas mula sa bibig ko.. "You are the boyfriend of my fiances'  cousin?" Hindi ko alam kung saan at papano ko nasabi yun.

Parang any minute tutulo na ang luha ko. Pero bakit? Hindi ko maintindihan ang nararamdam ko.

"I know you've been happy with your life. Yun ang nakikita ko." Sabi niya.

Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. AYokong magdampi ang balat ko sa balat niya.

"Let us drop the topic Tristan. That was 2 years ago. I don't want to remember it again." Satinig ko. Naiirita na ako sa kanya. Nang dahil sa kanya ganito ako ngayon. Ayoko ng alalahanin pa.

"Bakit? Nasasaktan ka ba sa ginawa mong panloloko sa'kin?" Tiim bagang sabi niya na parang any minute he gonna punch me.

"Panloloko? I never did that. Its your fault bakit ka umalis without hearing my explainations!" Galit na ako. Parang sasabog na ang puso ko.

"Uh c'mmon Louise! Don't deny the fact na ikakasal ka na sa taong sabi mo'y mas mahal mo kesa sa'kin!"

Napakunot ang noo ko? Bakit parang may mali sa sinabi niya?

"You  - " Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita pa. Lalo lang akong nasasaktan.

"Let us forget everything Tristan. Bahagi na yun ng nakaraan natin. And let us forgive each other. I'm sorry but I have to go." Umalis na ako bago pa bumuhos ang mga luha ko.

Ang kapal ng mukha niya  para isumbat sa'kin na niloko ko siya. Hindi ko na mapigilan at bumuhos ang masaganang luha ko.

"Bullsh*t!" Lakad takbo ang ginawa ko. Mabuti na lang at walang nakakapansin sa'kin. I ended at my car. Tatawagan ko na lang si JE. Hindi ko na kaya pang makasalamuha pa si Tristan. I need to go somewhere.

After a couple of minutes, I ended sa place kung saan wala masiyadong katao tao. Its like a Manila Bay sa Philippines. Ang pinagkaiba lang ay sa kabilang dako ng side walk na to ay mga naglalakihang buildings na pinalilibutan ng mga samu't saring lights.

Malamig na hangin ang sumalubong sa'kin. Umupo ako sa isang bakanteng bench  at pinagmasdan ang mga dumadaang barge sa dagat.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

"Why should I feel this again?" Bulong ko sa sarili ko at napahikbi.

"Let us forget everything Tristan. Bahagi na yun ng nakaraan natin. And let us forgive each other.."

Nirerewind ng utak ko ang mga sinabi ko. Totoo naman ah. We have to forget and forgive para makalaya na kami sa nakaraan.

Pinunasan ko ang luha ko at nilingon ang dagat.

"I need to go back in the Philippines.." Bulong ko sa kawalan.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon