AYANNA'S POV
"Tina! We're here! We will save you!" Agad kong sigaw nang makita ko si Tina na umiiyak yakap-yakap ang kanyang mga tuhod. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. Napaiyak na naman ako.
Inangat nito ang ulo niya at lumingon sa kinaroroonan namin. Ipinikit-pikit pa nito ang mata na waring nasisilawan.
"Tina, kami ito," I called her para ma-ease nito ang takot na nararamdaman.
"Y-Yanna.." sambit niyang nanginginig sa takot at pag-iyak. Nasilayan ko ang mga ngiti nito sa labi. Oh my Tina.
Inilibot ko ang mga mata ko sa kinalalagyan niya. I don't know what to think but it's like a garbage disposal. Wala naman akong nakikitang basura though it's look like a basurahan. Sa tantiya ko, 10feet ang lalim nito.
Nakita ko si Tristan na may hinahanap. Ibinalik ko ang tingin ko kay Tina. She is sobbing. Dumapa ako sa lupa at pilit na inaabot ang kamay nito.
"I'm here Tina. Grab my hand!" Natataranta na talaga ako.
"Y-Yanna? G-gab? I-is t-that you? Please help me." nauutal niyang sabi. Tumayo siya ngunit hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya.
"Here! saluhin mo!" sigaw ni Tristan na merong inihagis na kung anong ugat ng kahoy na sa tingin ko'y matibay at pwedeng gawing lubid. (Imagine nyo po yung kay Tarzan.hihi)
"Dont worry Tina girl, andito na kami.!" sigaw ni Gabby na natataranta.
"Hold the roots Christina," sigaw ko. Itinutuon ni Gabby ang ilaw sa kanya at ako naman ay itinutuon ang flashlight sa lubid. Pero hindi gumagalaw si Tina. Shit! This is not good. Nakikita ko pa rin sa kanya ang takot.
"Hawakan mo ang ugat Louise!" sigaw ni Tristan ngunit si Tina parang walang naririnig. Ni hindi ito gumagalaw. Nakatingin lang ito sa ugat at patuloy na umiiyak.
"Louise?. .Kunin mo ang ugat na inihagis ko. Gamitin mo ang lubid para makaakyat ka dito!" sigaw ulit ni Tristan.
"Shit!" bulong pa nito. Iwinagayway niya ang ugat ng kahoy para mapansin ito ni Tina.
"Tina girl, hold the roots. Please! Para makaalis ka na diyan." mangiyak-ngiyak na sambit naman ni Gabby.
"H-help me please." garalgal ang boses nito. Nanginginig niyang inangat ang ulo nito hanggang sa mawalan siya ng malay.
Lalo kaming nataranta sa pagkahimatay ni Tina sa hukay. Diyos ko! "Tina!" sabay naming sigaw ni Gabby.
TINA'S POV
Minulat ko ang mga mata. Ikinurap-kurap ko ang aking paningin. Pilit kong inaaninag ang paligid. Nasaan ako? Bakit ako nandito? Ang alam ko naligaw ako sa kagubatan at nahulog sa hukay. Sa pagkakatanda ko may mga narinig akong mga boses at mahinang tawanan bago ako mahulog.
Inilibot ko ang paningin ko. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Gabby kasunod si Ayanna. Napangiti ako nang makita sila.
"Tina girl, gising ka na!" Bakas sa mukha ni Gabby ang kasiyahan. Patakbo itong lumapit sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit.
"Tina, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Yanna. Kita konsa mukha nito ang pag-alala.
"What happened? Ang alam ko nasa malalim na hukay ako. At nakita ko kayo." Inilibot kong muli ang tingin ko sabuong silid. Familiar sa 'kin ito. "Is this my room?" tanong ko na parang hindi sigurado.
"Oo... dinala ka namin dito. Sana nga sa Hospital ka namin dadalhin kaso sabi ng kuya mo, dito na lang sa bahay niyo at papupuntahin na lang niya dito ang Family Doctor niyo." salaysay ni Yanna. Umupo ito sa kama ko at hinimas ang buhok ko. Ngumiti ako sa ginawa niya.
"Yes, and you've been sleeping for 3 days." segunda naman ni Gabby.
Literal na napanganga ako sa narinig ko? Ako? Sa loob ng tatlong araw tulog? "3 days?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Sabay namang napatango ang dalawa.
"Wait! I'll call your kuya na gising ka na!" excited na bulalas ni Gabby at nagmamadaling lumabas. Tsk! If I know, gusto niya lang makita si kuya. Crush niya yun eh.
"What happened to you Tina? I mean... What really happened to you in that hole?" tanong ni Yanna.
Napatingin ako sa bintan. "I really don't know bessy. Naligaw ako. I really can't help it. Clumsiness is a hobby that I can't resist." malungkot kong sabi.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Ipinaparamdam sa 'king andiyan lang siya parati sa tabi ko. Maswerte ako at meron akong kaibigang tulad niya, tulad nila ni Gabby.
Dahil sa nangyaring insidente, hindi ako pinahintulutan ng paaralan na pumasok hangga't hindi pa ako magaling.
So I am here now, and I'm back. Ano na kaya nangyayari? Kumusta na kaya ang damulag na halimaw na Unggoy. Luuhhhh?? Bakit ko ba iniisip ang kwagong iyon? psh!
Naglakad ako papasok ng classroom at nakita ang kanya-kanyang ginagawa ng mga kaklase ko.
Masiyado naman silang busy. Makuha nga attention nila.
"I'm back!" Yes! Lahat sila napalingon sa kinaroonan ko. Oh 'di ba, effective.
-----******-----
Enjoy reading♥
BINABASA MO ANG
My Clumsy Girl(Unedited)
Dla nastolatkówIsang typical girl na napaka-clumsy nameet ang isang gwapo, mayaman, habulin ng mga Babae pero mayabang na lalaki. Isang babae na Hindi naniniwala sa tadhana kahit may inilaan ng lalaki para sa kanya. Isang lalaki na gagawin ang lahat makuha lang an...