Chapter: 39: They're back!

1.8K 39 12
                                    

CHRISTINA'S POV

Susungkitin mga bituin para lang makahiling

na sana'y maging akin

Puso mo at damdamin..

Kung pwede lang at kaya lang

At akin ang mundo..

Ang lahat ng ito'y..

Ang lahat ng ito'yyyyy..

Ang lahat ng ito'yyyy

Iaalalay sa iyyoooo...

Kaninang umaga pa ako naiirita sa kantang iyan. Yan palaging laman ng sounds dito sa kwarto ni Janna. Ano ba naman yan! Favorite song niya daw.

"Patayin mo na nga yan Cous, pabalik balik na yang kantang yan eh " Pagrereklamo ko habang naglalaro ng candy Crush sa tablet niya.

"Ayoko nga! Teamsong namin ito ng labs ko." Pangangatwiran niya. At pinlay ulit ang kanta. Aaahhh! Hindi ko na ma-take ito.

Lumabas ako ng kwarto niya at pumunta sa kwarto namin ni Eme. Makikihiram ako ng phone. Paano ba naman kasi, nahulog ang phone ko sa bathtab nung isang araw habang naliligo ako. Nakakasira ng bait!

"Ems, pa-borrow naman ng phone mo." Pagpapacute ko sa kanya. Sana umepek ulit.

"Ate! Bakit ba kasi ang tanga tanga mo. Alam mo namang banyo yun tapos dadalhin mo ang phone mo? Kinakalawang na ata yang utak mo eh. Palinisan mo na nga!" Paninirmon ni Madam Eme.

Yeah! Ganyan siya lagi kapag manghihiram ako ng phone. Bago ako makahiram ng phone niya, kailangan munang makinig sa sermon niya.

"Sige na.. Don't worry.. Uuwi na tayo bukas so makakabili rin ako ng bago." Sabi ko sa kanya.

"Oh ayan! Bakit, sa tingin mo ba bibigyan ka ni kuya ng pera pambili ng cellphone?" Sabi niya habang inilalahad ang phone niya.

"Oo naman! Malakas ako kay Kuya eh! Sandali lang ako!" Masayang kuha ko ng cellphone sa mga kamay niya at mabilis na nag-dial sa number ni Hal ko. Mabuti na lang at memorize ko ang number niya.

"Tatawagan mo lang naman yung unggoy mong boyfriend eh!" - Eme habang nanunuod ng tv.

"Ang gwapo kaya ng Hal ko." Pagtatanggol ko sa Hal ko. Nakikinig lang ako sa mga rings. Bakit ang tagal niyang sagutin.

Alam na rin ni Tristan na sira yung phone ko. Matapos ng insidenteng iyon, tumawag ako kaagad sa kanya gamit ang phone ni Eme.

"Sus! Ipagtatanggol pa!" Hirit pa ni Eme.

Hindi ko na siya sinagot. Concentrate ako sa pagtawag kay Hal ko pero bakit hindi sumasagot? Anong pinagkakaabalahan ng Hal ko? May nangyari kaya? Napapaisip tuloy ako.

Next day, lumipad na kami pauwi sa Maynila. Nagpasalamat kami kina Tita Janine at Tito Francise. Doon na kami magse-celebrate ng New year namin sa bahay. Darating kasi sila Mommy at Daddy. Biglaan nga eh.

Sa totoo lang, kinakabahan ako sa pagbabalik ng mga magulang namin. Minsan ko lang silang makita. Para nga silang ibang tao para sakin eh.

Hindi nagtagal nakarating na rin kami sa bahay. Iba talaga ang feeling kapag nasa bahay ka talaga.

"Home sweet home!" Sigaw ko tapos tumalon pahiga sa kama ko. "I missed this!"

"Aatteee!!" Yan na naman si Eme. Minsan ang seryoso, minsan naman ang kulit. Nakakawindang.

"Ano na naman ba?" Irita kong tanong sa kanya.

"Bukas na ang dating nila Mommy at Daddy!" Masaya niyang sigaw. Mabuti pa siya excited. Ako wala man lang ka-excite excite sa pagdating nila.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon